#11 : Real Gangster Fight

757K 15K 2.2K
                                    

~*~

Rien's Pov

"God! What a boring Saturday night!" sigaw ko sa kwarto. Nakakainis walang magawa, stuck here for like A DAY?!

Si Jade busy dahil sa Student Council si Charlotte naman ay ewan di ko alam nasaan yun ngayon. Si Dylan? Nako, wala akong pake dun. Ugh Sh*t! Dapat sa mga oras na ito ay nasa bar na ako at nakikipagaway sa mga walang kwentang tao! Nakikipaginuman at nagpaparty! Bakit ba kasi pinasok ako ng magaling kong mga magulang sa isang boarding school. Waah.

But wait, I can sneak out right? Magaling ako magcutting classes so why not use it to get away from this boring school. Right? 

Right.

Lumabas naman ako ng kwarto at bumaba papuntang lobby. Medyo konti lang ang girls dito kasi nasa mga kwarto na ata ang mga yun dahil ya know, beauty rest. Kahit nga 8 p.m. pa lang. Hays.

Nakarating na ako sa lobby at dumaan ako sa exit door ng dorm para walang makahalata sa akin. Dahan dahan naman akong pumunta sa pinakalikod ng school which is like a big wall na parang 20 ft tall. I don't know.

"Whoah, para akong nasa selda." sabi ko sa sarili.

There's no way out kung hindi ang main gate. Well, I'm desperate to go out from this school kaya no choice at sa main gate na ako dadaan.

Tumakbo naman ako papuntang main gate. Nakita ko naman ang guard na natutulog. Wow, siguradong sisante tong si manong guard dahil nakalabas ako ng walang kahirap hirap nito. Naglakad ako ng dahan dahan at binuksan ang gate, yung maliit kung saan tao lang ang pwede makadaan. Nang makalabas na ako ay isinara ko na to ulit at tumakbo na papalayo sa Academy.

"This night will be exciting." sabi ko. Tumingin ako sa kaliwa at kanan ko. What's this? Wala man lang sasakyan ang dumadaan dito? Hay nako, bad trip naman to.

"What to do?"

Naglakad lakad pa ako papalayo sa Academy at baka mayroon akong makita ditong bar o kahit taxi man lang. Nang nakalayo na ako ay may nakita naman ako isang malaking bodega na abandona. Nakapagtataka at ang raming mga itim na motorsiklo at sasakyan. Not to mention the cars are vinatge and high class.

"Hmmm, ano kayang nasa loob?" tanong ko sa sarili. Curiosity kills, kaya gusto kong malaman kung ano ang nasa loob. I don't care if this will make my life in danger.

Tumakbo naman ako papunta sa harapan ng bodega. Walang taong nakabantay dito kaya ang ibig sabihin walang nagaganap na illegal dito. Siguro? Kaya dahan dahan akong pumasok sa bodega. Pero nagulat ako ng makita ko sa gitna ng bodega ang Black Horizon at ang isang grupong hindi ko kilala. Bigla naman akong nagtago sa mga malalaking kahon na nakita ko sa loob. Yun lang din ang ka isa isahang bagay na pwede ko mapagtaguan. This place is really abandoned.

"Anong kailangan niyo sa amin?" galit na tanong ni Tyler. Bigla namang tumawa ang kabilang kampo.

"Montereal, wala naman kaming kailangan sa iyo eh. Ang gusto lang namin ay lumuhod ka sa harap ko dahil kung hindi lagot ang kamyembro mo." sabi ng lalake na nasa may harapan. I think this is there leader. Wow, he also got the looks. Ang gwapo gwapo niya ah. Messy black hair, chinito eyes, matangos ang ilong.... and why am I describing him? Argh. nagiging hobby ko na yan ah. Tsk.

His Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon