#37: Cause It Kills Me

587K 13.3K 1.4K
                                    

PLEASE CLICK THE EXTERNAL LINK---> LIKE NIYO PAGE KO SA FB (kunyare artista haha lol). Thanks.

~*~

Ngiting aso ako habang lumalabas ng klase. Naginat ako at bumuga ng hininga.

“Sa wakas at tapos na rin!” sabi ko at napapasuntok sa ere.

Final exams are so over. Goodbye exams hello Christmas. At oo nga pala at dahil last day of exams ngayon, which is Friday, ay basketball game na pala nila Nathan ngayon.

“Saya natin ah.” Biglang sabi ni Nathan at inakbayan ako.

Tumawa naman ako at tumango. This ends my paghihirap sa mga acads at sa wakas sa isang buwan ay puro saya na lang! Yes!

“Syempre naman, eh tapos na. Haha, good luck nga pala sa basketball game niyo later. Manunuod ako.”

Inalis naman ni Nathan ang kanyang kamay na naka akbay at humarap sa akin ng nakangiti.

“Really? Well, that’s good. See you later then.” Sabi niya at kumaway.

Kumaway ako pabalik at hinatid siya ng tingin hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. Siguradong busy sila para magpractice para sa laro. Tumalikod ako habang suot pa rin ang ngiting ngiti kong labi nang nakita ko ang mala demonyong lalake sa harap kong kunot ang noo at nakatitig lang sa akin.

“Ano?” tanong ko.

He suddenly smirked and left. What the? Ano ba talagang problema ng lalakeng to? Nung Sabado pa siya nito eh. Tapos nitong nakaraang araw hindi na niya ako pinapansin at parati na lang niyang kasama si Paula. Oo yung mahaliporot niyang babae. Shit. So ano? Narealize niya na ngayon na hindi niya ako mahal kaya kay Paula na lang siya? Damn, ano bang problema niya? Ginagawa na niya akong sira sa kakaisip.

“Tss, jerk.” Bulong ko sa sarili habang tinitignan ang likod niyang naglalakad papalayo.

What’s happening?

___

“Girl’s pustahan kung sino ang mananalo ngayon!” excited na sabi ni Jade habang nilalapag ang order naming milk tea.

Andito kami sa coffee shop. May tatlong oras pa kasi bago ang game kaya dito na lang kami magpapalipas ng oras at magkwentuhan.

His Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon