#32: Dysmenorrhea

581K 12.7K 1.8K
                                    

~*~

“I’ll make you fall for me. So damn deep that you can’t even recover.”

“I’ll make you fall for me. So damn deep that you can’t even recover.”

“I’ll make you fall for me. So damn deep that you can’t even recover.”

It’s been days at parati ko na lang naalala ang mga sinabi niya sa akin. Damn this guy! Tumitibok ng napakalakas ang puso ko pagnaiisip ko iyon. Kung alam niya lang, nahulog na ako. But shit, ang kapal kapal talaga ng mukha niya. Lakas ng kumpyansa sa sarili na makukuha niya ako eh. Well, kahit mahal ko siya ay hinding hindi ako magpapakulong sa kanya. Kapal niya talaga! He’s a beast. Kainis.

“Alam mo, napapansin ko sa iyo parati ka na lang talagang nakatunganga eh.” Sabi ni Jade sa akin.

Naglalakad kami patungong cafeteria. Lunch time, and I’m so damn hungry. Hindi kasi ako nakapagbreakfast dahil tinanghali na kasi akong nagising. Meron kasi ako ngayon. Tss, bad luck.

Tinaasan ko naman si Jade ng kilay, “Alam mo, napapansin ko ang blooming blooming mo parati.” Sabi ko at inirapan siya.

Humalukipkip naman siya at nagpout. Tss, forever pa-cute talaga tong isang to. Tumawa naman ng napakalakas si Char at inakbayan kaming dalawa bigla. Isa pa to eh, sobrang hyper. Bakit nga ba hindi ako nahahawa sa mga kabaliwan nila?

“Eh kasi naman, itong si Jade inlababo!” sabi ni Char at humagikhik na sa kakatawa.

Tinaasan ko naman ng kilay si Jade. May alam ba sila na hindi ko alam.

“In love? Kanino?” sabi ko.

Napatungo naman si Jade at biglang namula. Oh? Ngayon ko lang to nakitang ganito ah. Parang inlove talaga.

Pumasok na kami sa caf at agad na nagorder ng pagkain. Umupo kami sa dati naming tinatamabayan paglunch time. Nang nakaupo na kaming lahat ay sinamaan ko ng tingin si Jade at tinaasan ng kilay. Something’s not right in here.

“Mind telling me what the hell is going on?” sabi ko.

Nagkamot naman ng ulo si Jade at parang nahihiya na sabihin ito kaya binaling ko ang tingin kay Char. Ngumiti naman si Char sa akin at handa ng sabihin ang lahat sa akin kaso---

“Hi Love. :) “

Napatingin naman ako sa lalakeng nasa likod ni Jade ngayon na may dalang bouquet of flowers. Tumingin ako balik kay Jade na parang kamatis na namumula. Aba’t tinawag pa lang siya ni Pierce ha bakit ganito na kapula ang pisngi niya. Napangiti naman ako at napailing. Alam na.

“Now you know.” Bulong ni Char at napangiti.

Napalingon naman si Jade kay Pierce at nagulat ng napatingin siya sa dala nito. Agad naman napatayo si Jade at hinawi ang kanyang buhok. Sabi ko na nga ba, mauuwi sa ligawan ang dalawang to. Sabi nga nila, the more you hate the more you love. Pero wait, nagaaply ba to saming dalawa ni Tyler?

“For you.” Sabi ni Pierce at binigay ang flowers sa kanya.

Tinanggap naman ito ni Jade at ngumiti. Akala ko magpapasalamat siya pero nagulat ako ng bigla niyang inihampas si Pierce gamit ang bouquet. Ha? Akala ko ba in love siya?

“Walangya ka, hoy kutong lups hinding hindi mo ko madadala sa mga bulaklak. Che.” Sabi niya at inirapan si Pierce. Umupo naman si Jade na nakapout.

Napatawa naman si Pierce at hindi nagpatinag. Umupo siya sa tabi ni Jade at titig na titig sa kanya. Well, they’re not an ordinary couple I can say.

“Naku, ganyan talaga yan sila. Pero siguradong end game yan!” bulong ulit ni Char.

Tumango naman ako at natawa. I find them sweet. Bagay talaga sila sa isa’t isa. Eh ako kaya? When can I have a crazy romantic love story? Yuck, sobrang cheesy ko na ata sa sarili ko. Hindi na ako bata para magisip ng mala fairtytale love story. Eh ngayon nga, in love ako sa lalakeng mahal rin ako. Kaso It’s complicated. Very complicated.

His Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon