2. I'M JERK, Yeah...

288 6 4
                                    

I’m Jerk, Yeah…

JERK VELASCO POV

SH-T! SH-T! SH-T!

F-ck this night! F-ck that girl.

Tengina! Naimbyerna ako ng todo. May sira ata sa ulo yung babaeng yun. Kawawa naman. Maganda pa naman sana, napakapangit naman ng ugali. Nakakabwisit! Kahit ngayong nagdridrive ako, hindi pa din mawala sa isip ko yung ginawa nung babaeng yun? Sira ulo talaga!

Bakit ko daw sya hinalikan? T*ngina! Hindi nya ba nakita? Ginawa ko lang yun para iligtas sya sa g*gong boyfriend nya. Dapat nga hindi ko sya tinulungan e. Tss. Pota talaga, nakakabwisit! Shet.

“Tope!”, sabi ko sa phone.

Si Cristope, kabarkada ko. Apat kasi kami magkakabarkada.

Ako, si Cristope, si Shin at yung artista kong tropa… si Daniel.

Simula highschool magkakatropa na kami nya. Kahit nung umabot na kami ng college, kami padin ang mag kakatropa. Pero sa kanilang tatlo, si Tope ang pinakaclose ko. Mahal ko kasi tong gagong to kahit maloko.

“O? Gabi na tumawag ka pa. Miss nanaman ako ang pota”, sabi ng ulol na to.

“Lika, inom tayo”

“Akala ko ba may kadate ka? Diba ngayon yung date nyo nung ipapakasal daw sayo ng parents mo? Kamusta?” Papakasal? Papakasalan nila mga mukha nila. Hindi ako papayag na makasal dun sa brat girl na yon. Swetre nya naman.

“Oo, iniwan ko dun. Tangina. Nabwibwisit ako pag naaalala ko yung babaeng yun”, sabi ko kay Tope.

“Bakit pare, swanget ba? O mabaho hininga?” tanong nya pa na natatawa.

“Pangit ugali, sobra!” sagot ko na lang.

“Yay! Ayaw mo nun? Okay lang yun. Bagay naman kayo”, tawa nya pa. Gago talaga.

“F*ck you! Ano? Sasamahan mo ba ko uminom o hindi?”, pagalit kong tanong.

“Sasamahan malamang! Alam mo naman mahal kita diba?”

“Oo na, bilisan mo!”

“Oo sige, magbribrief lang ako. Haha. See you pards!”, sabi nya pa sabay baba ng phone.

EASTWOOD

“Grabe tol? Sinabi nya sayo yun? Tindi non pare!” sabi ni Cristope with matching palakpak.

“Oo, ang tindi ng sapak non. Hindi ko nga alam kung bakit dun ako balak ipakasal e. Like, what the f*ck! Mamatay muna ko bago magpakasal sa babaeng yun” sabi ko habang umiinom ng beer.

“Haha. Ngayon lang kasi may gumanung babae sayo kaya ang hirap sa dibdib” tawa nya pa habang nagtetext.

Hindi na lang ako nagsalita. Totoo naman kasi. Ngayon lang ako nakaencounter ng babaeng maluwag ang tornilyo.

“Andito na daw si Shin” sabi ni Cristope at mamaya maya pa, dumating na nga si Shin.

“Kamusta brad?” tanong ko kay Shin.

“Buti nagyaya kayo. Mababaliw na ko sa trabaho” sagot ng workaholic kong tropa.

“Mag lovelife ka na kasi” sabi ni Tope.

“Sayo pa talaga nanggaling yan ah” sabi ni Shin kay Tope na wala din namang lovelife. I mean, may lovelife pero M.U (MAG ISANG UMIIBIG) HAHAHA

“Oh, sorry na. Kumain ka na ba?” lambing ni Cristope kay Shin. Bakla talaga! Haha.

JERK MEETS BRATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon