14. HOW TO LOVE

157 5 8
                                    

Hi Readers! Sorry sa super late UD ko. Naging busy lang talaga dun sa new branch namin. Thank you sa lahat ng nagbabasa, nagmemessage, nagtwetweet at nag comment s stories ko! Grabe! Super kinikilig ako everytime may mababasa ako from a fan ng story ko. Kayo inspiration ko. Nagiging worth it pagsusulat ko dahil sa inyo!

Keep supporting my works! Thank you for reading! Hope you enjoy this chapter!

Comment -> Vote -> Share

I love you readers!

 

 

14. HOW TO LOVE

 

JERK VELASCO POV

“A-B-S! A-B-S! A-B-S”

“Go ABS! Go ABS! Go ABS! ABS ABS ABS ABS!!!”

“Go Team HOTTIE!!”

“BURNING HOTTIES!!!”

Salo salong cheer ang naririnig ko ngayon. Sobrang daming tao. Napakagulo… napakaingay… at napakainit. Andito kami ngayon sa isang beach side at napapalibutan ng napakaraming tao na iba iba ang lahi. May Chineses ,Americans, Koreans, Filipinos and etc. Magkakaiba man sila ng lahi, isa lang ang pagkakapareho nilang lahat. Lahat sila nakapang swimming suits. Halos lahat ng babae dito naka bikini at sadyang nagpyepyesta ang mga mata ng mga lalaki dito… Pero kahit ilang libong babaeng nakabikini ang nasa harap ko ngayon at nag checheer sakin, nasa isang tao pa din ang focus ng mga mata ko.

At ang taong yun ay walang iba kundi ang napakagandang nilalang na nagchecheer sakin ngayon. She’s wearing a red bikini top and a maong short shorts. She wanted to wear a two pice bikini kanina bago kami umalis ng hotel. Pero sa tingin niyo ba papayag ako? Baka masundot ko lahat ng lalaking tumingin sa kanya e.

“Go ABS! Go ABS! Ipakita ang ABS!” sabay sabay cheer samin nila Brat, Shirlyn, Dena and Nicole w/ matching sayaw pa. Natutuwa ako sa pag checheer niya sakin ngayon. Pero hindi padin ako mapakali dun sa mga lalaki sa likod niya na hindi niya alam e pinagmamasdan siya.

T-ngina! Pasalamat sila naglalaro ako, kundi makakatikim sakin yung mga ugok na yun.

“Daniel, sayo!” sigaw ni Cristope sabay tira sa volleyball para pumunta sa ere at pumunta sa spot ni Daniel.

“Mine” sigaw ni Daniel sabay lundag tsaka nag spike. Pumunta ang bola sa kabilang ring at agad naman ito nakuha ni Marco. Pinagpasapasahan ulit nila yung bola tsaka pinapunta sa side namin.

Nasa area ko ang babagsakan nito kaya agad ko itong tinira papataas tsaka lumundag si Shin para sa spike.Hindi nasalo ni Dino ang bola kaya naman, puntos namin ito.

Naghiyawan lalo ang mga tao, lalo na sila Shirlyn. Napatingin ako sa side nila, pero napansin kong wala si Brat. San kaya nagpunta yun?

“Where’s Brat?” pasigaw kong tanong kayla Shirlyn.

“There o!” turo ni Nicole at agad akong tumingin kay Brat. Umiinom siya ng tubig ngayon habang pabalik sa pwesto niya kanina. Pero napansin kong sinusundan siya nung mga Americano na kanina pang nasa likod niya. Balak ko sanang lapitan siya kaso biglang pumito na ulit yung koreanong nag mamanage ng game.

Binalik ko na lang ulit ang focus ko laro. Pero t-ngaina lang. Hindi maalis ang tingin ko dun sa mga lalaki sa likod ni Brat. Subukan lang nilang lapitan fiancé ko, lilipad tong bola papunta sa mga mukha nila.

JERK MEETS BRATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon