Thank you readers! Keep reading. Please do vote and comment. Thank you so much!
READ->VOTE->COMMENT->BE MY FAN->SHARE
6. PA-TRY
JERK VELACOS POV
Spell fucking shit? Tangna talaga. Hindi ko mapigilang hindi manginig sa galit ngayon. Brat is crying infront of me... hindi lang basta iyak a. Halata kong nanginginig din siya sa sobrang takot. Niyakap ko na lang siya habang sinusuot ng maayos sa kanya yung jacket ko. Halos wala narin kasi syang saplot ng inabutan ko.
Napatingin ako kay Istan na kasalukuyang nakahiga parin ngayon at nagdudugo ang ilong. Puta. Kung hindi ko lang yakap si Brat ngayon, walang pakundangan akong babalik sa kanya para hambalusin ang mukha niya.
Kanina pa ko nagtitimpi sa kanya. Simula nang dumating sya sa party na to, nagtitimpi na mga kamao ko sa kanya. Kanina pa kong kating kating upakan siya.
Mamaya maya pa, dumating na ang iba pa nilang kaibigan at inalis si Istan sa kwarto. Buti naman naisip nila yun. Baka mamaya kasi kabaong na diretso nun. Bumalik ang isip ko kay Brat na ngayon ay umiiyak padin. Shit, ngayon ko lang siyang nakitang umiiyak ng ganito. Mahilig kasi niyang itago ang nararamdaman niya. Pero ngayon, pota, hindi niya man lang magawang pigilan ang mga luha niya.
"Bratzie Mae, stop crying now. Uuwi na tayo" sabi ko habang pinupunasan mga luha niya. Hindi naman siya umangal.
"BFF, are you alright? Oh my God. Sabi ko na nga ba walang hiya yang ex mo e. Dont you worry. I'll make him pay for this, okay?" Naiiyak na sabi ni Nicole sabay yakap kay Bratz. Hindi padin umiimik si Brat. After siyang tulungan ni Nicole makapag damit, we head to my car na din para umuwi.
For the whole time hindi padin siya nagsasalita. Pero hindi na din siya umiiyak. Well, mas ok na yon kesa naman sa umiiyak padin siya. While driving, hindi ko mapigilang hindi mapaisip kung paanong approach ba gagawin ko kay Brat pag uwi. Tang ina, kung ibang babae lang to, sisiw lang e. Pero kasi si Bratzie Mae Skirts to. Hindi siya normal na babae. Abnormal siya. Tss nakapagbiro pa e no? Kalahating gago talaga ako.
Nung nakarating na kami sa bahay, agad siyang lumabas ng car. Pero dahil na sakin ang key ng house, naghintay padin sya sa tapat ng door bago makapasok.
Right after we got in...
"Hoy" sabi ko sa kanya. Lumingon naman siya at sinamaan ako ng tingin. May pagkagago kasi talaga ako. Alam ko na ngang galing sa iyak, tas maka-HOY pa ko wagas.
"Lika dito may gagawin pa ko" utos ko sa kanya. Kahit parang naguguluhan siya, sumunod padin siya at umupo doon sa sofa. Masunuring bata naman pala e.
Kinuha ko yung isang plastic na may lamang gamot para sa napaso niyang kamay kanina. Lumuhod ako sa harap niya at kinuha yung right hand niya. Linagyan ko ng gamot yung paso tiyaka tinapalan. Hindi padin siya umiimik. Tahimik naman. Kapanibago. Tumingala ako pagkatapos. Nakatingin lang siya sakin. Ala? Napogian ata.
"Pogi ko ba?" pagbibiro ko sabay ngiti. Ayokong paiyakin siya ulit. Ayoko nang pag usapan pa namin ang nangyari kanina.
" Wag patawa please" sagot niya sabay irap. Napangiti naman ako. Yes! Balik na sa dati ang toro. Mas gusto kong nakikita siyang galit at sarcastic kesa naman nakikita ko siyang umiiyak.
"Patawa your face. Deny mo pa" sagot ko.
"Oo na. Pasalamat ka marunong akong tumanaw ng utang na loob kundi natadyakan na kita" sabi niya pa. Wow. Parang kanina tuliro siya tas ngayon nakikipag away na ulit? Imba talaga to.
BINABASA MO ANG
JERK MEETS BRAT
Short StoryWhat will happen when a JERK and a BRAT live under the same roof with a pretty cute baby? Who will be the boss? Who will be under-ed? Who will be the first one to fall? Will it be the JERK or the BRAT? :) PS: This is the story of Jerk Velasco, one...