9. WEDDING DAY NI CRUSH

180 5 0
                                    

Walang Hanggang Pasasalamat po sa mga readers ng JMB. Please do vote and comment :"> I'm getting inspired through your comments!

Thank you so much!

9. WEDDING DAY NI CRUSH

BRATZIE MAE SKIRTS’S POV

Oh my God. Feeling ko umiikot mundo ko ngayon. Ang sakit sakit ng ulo ko at mga mata ko. It feels like mamatay ako anytime. Wait? May kausap ba si Jerk sa baba? Tss. Sabi niya magluluto tas nakikipagtelebabad ngayon sa phone? Sino naman kaya yun? Babae niya na naman.

“Here, kumain ka muna” pambungad ni Jerk habang nilalapag yung lugaw na niluto niya sa table sa side ko. Infairness ang bango. Siya ba talaga nag luto neto? Baka naman nagpadeliver lang.

Tinulungan niya ko umupo ng maayos. Ayaw ko sana magpatulong kaso hindi din naman kaya ng katawan ko. Tss. Kahit mabait siya sakin ngayon at inaalagaan niya ko, galit pa din ako sa kanya. Gago kasi siya e. Kung ano anong pinagsasabi sakin kanina e hindi pa naman niya alam yung nangyari. And ang kapal ng mukha niyang ideny yung sinabi niya kagabi a. Big Fat Liar. Jerk talaga.

“Tingin mo? Parang papatayin mo na ko a” sabi niya sakin. Hindi padin kasi ako kumikibo. Tas nakatingin pa ko sa kanya na para bang kulang na lang talaga e patayin ko siya.

“Hindi lang parang” sabi ko sabay roll eyes. Kairita talaga siya. Bakit ba kasi inaalagaan niya pa ko?

“Oh, say aaa” sabi niya na habang sinusubo sakin yung isang spoon ng lugaw. Kung hindi ako galit sa kanya baka natawa pa ko sa ginawa niya. Mukhang tanga lang kase.

“Kaya ko sarili ko” sabi ko sabay kuha ng spoon kaso inagaw niya lang ulit.

“May sakit ka na nga, maldita ka pa” sabi niya.

“Walang kinalaman ang sakit ko sa galit ko sayo” sabi ko sabay ikot na naman ng mata. Napabuntong hininga siya ulit.

“Bahala ka” sabi niya sabay bigay sakin ng pagkain. Shit. Ang init pala. Malamang! Kaya nga lugaw diba? Tanga naman Zie! Pasubo pa lang ako kaso biglang nabitawan ko yung spoon.

“Shit!” napaso ako. Tangina! Bat ba kasi sobrang nanghihina ang kamay ko?

“Kulit mo kasi e” sabi niya sakin habang pinupunasan yung natapon sa kumot ko.

Hindi na ko sumagot. Oo na. Siya na tama. Pinilit ko nga kahit hindi ko kaya. Pero naman kasi diba? Galit nga ako sa kanya? Kairita naman o. Bat ba ngayon pa ko nagkasakit? Or better yet, bakit ba ko nagkasakit?

“Let me” sabi niya sakin at susubuan na naman ako. Hindi na ko umangal this time. Besides sa nanghihina na talaga ako, ayoko na ding makipagtalo. So sinubuan niya ko ng sinubuan hanggang maubos ko yung lugaw. Infairness ang sarap nung lugaw. Siya ba talaga nag luto non?

“Oh. Inumin mo yang gamot mo” sabi niya sakin pagtapos ko kumain. Hindi pa din ako nagsasalita. Sinusunod ko na lang siya. Wala din naman kasing mangyayari kung makikipagtalo pa ko sa kanya since sobrang nanghihina nga ako. Lord, bakit sobrang sakit ng ulo ko?

“You may rest now” sabi sakin ni Jerk sabay tayo sa kama ko kasama nung pinagkainan ko. Lumabas siya ng kwarto. Hay, why am I feeling this way? Bakit unting unti nawawala galit ko sa kanya? Tangina niya kasi nagpakabait pa. Hirap tuloy mag sungit sungitan.

Mamaya maya pa, naisipan ko itulog na lang ito. Sakit talaga ng ulo ko, Lord.

“Zie!!! Zieee!!! I’m dying! Help me!!”

“Istan??? Istan!! Wait for me!!”

Hindi ko alam kung ilang kilometres pa tong tatakbuhin ko. All I know is I have to run fast dahil kung hindi… mamatay si Istan. He will die and leave me forever.

JERK MEETS BRATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon