16. GOODBYE

99 6 2
                                    

Happy Christmas Break! Since Break na, pipilitin kong dalasan na ang pag UUD ko. Bawi ako sa next chapter! Maganda na yung mga susunod na chapter! Omg, may mga new characters na! Thank you readers sa pagbasa! Keep reading! Promise maganda to.

VOTE-->COMMENT-->SHARE

16. GOODBYE

 

JERK VELASCO’S POV

“Parepards! Napatawag ka?” sagot ni Cristope sa kabilang linya.

“May pain killers ka ba dyan?” tanong ko sa kanya habang palabas ako ng bahay at papunta sa car.

“Pain killers? Bakit? Anong masakit sayo?”

“It’s not for me, okay? Masakit kasi puson ni Brat” I said while getting in.

“Ahh. May dalaw”

“Yeah, so ano? Meron ka ba diyan?” tanong ko.

“Bat di ka na lang bumili sa Mercury Drugs?”

“Mas malapit bahay mo! Kailangan ko na agad yun” sagot ko habang nag stastart na ng engine.

“Ahh. Ano kasi ee” nauutal niya pang sagot.

“T-ngina. Oo o hindi lang!”

“Meron kasi… kaso…”

“I’m on my way na” I said sabay baba ng phone. Langya! Tinanong ko lang naman kung meron siya o wala e. Hindi pa masagot sagot. Ano kayang trip non? Baka naman may babae yung sa condo niya kaya nag aalangan pa siyang papuntahin ako?

Mamaya maya… nagtext si Tope.

---Message Received---

From: Cristope Pogi

Wag mo kong sisisihin a. Ingat pards! Labyu!

---End of Text---

Pambakla talaga text neto kahit kelan oh. Anong naman kayang ibig sabihin niya sa text niya? Wag ko siyang sisisihin? Ano naman kayang masisisi ko sa kanya? Weirdo ang pota.

Ten minutes lang narating ko na condo ni Cristope. Agad agad ko na siyang pinuntahan sa unit niya.

“Cristope!” sigaw ko habang nag dodoor bell. Agad niya naman binuksan yung pinto.

“Bilis mo a” pambungad niyang sabi sakin.

“Kailangan ko na kasi yung pain killers. Tabi nga” sabi ko sa kanya sabay pasok ko sa unit niya. Pero bago pa ko tuluyang makapasok, pinigilan niya na ko.

“Jerk, wait lang”

“Ano?” nagtataka kong tanong sa kanya.

“Hindi lang tayo ang tao dito”seryosong sabi niya.

Napakunot naman ako ng noo. T-nginang yan. Bigla tuloy akong kinilabutan.

“T-ngina ka. Wag kang manakot!” sabi ko sa kanya.

“Gagi! Hindi kasi multo yung sinasabi kong kasama natin!” batok niya sakin.

“T-ngina kasing mukha mo pang Halloween! Sino ba kasi? May chx ka na? Naka move on ka na kay Patricia?” tanong ko sa kanya.

“T-ngina. Mas possible pang makakita ka ng multo kesa sa maka move on ako kay Padgy e” sagot niya sakin.

“Ano ba kasi? Lika na. Bigay mo na yung pain killers nang makalayas na ko” sagot ko sakanya habang patuloy sa paglalakad hanggang marating ko yung sala niya.

JERK MEETS BRATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon