DANIEL'S POV
Konti lang ang tulog ko sa sobrang tuwang makita na naman ulit si Kath. Hindi ko na nga inintindi ang sakit ng ulo ko ngayon eh. Para saan pa, eh kung makita ko lang siya nawawala agad ang pagod ko. Eto ako ngayon nag-papapogi dahil susunduin ko mamayang alas onse si Kath sa kanila. Sa bahay kami nila JC magkikita-kita dahil nandon ang sasakyang gagamitin namin. Nagpaalam na rin ako kina ate Roan, Mama at Papa. I already texted Kath na papunta na ako, sabi niya naman 'I'm ready to go' na daw. Hinihintay niya lang parents niyang umuwi para makapagpaalam.
I'm driving on my way to Kath, pero syempre bibilhan ko muna siya ng bulaklak, tulips.
Meanwhile..
KATHRYN'S POV
Nag-aayos ako ngayon, maagang umalis ang parents ko kanina. Hinihintay ko lang silang dumating saka ako aalis, magpapaalam lang ako sa kanila. Naka white custom shirt lang ako at ripped shorts, tapos hi-kicks na vans. Pina-pack ko na rin ang mga susuotin namin ni DJ, may damit din naman siya dito sa colset ko. Sabi niya dito nalang daw siya kukuha ng gagamitin niya sa tagaytay para iisang bag lang dala namin. Maliit na maleta lang naman, tamang tama lang para sa aming dalawa, one night lang naman eh. Tamang tama namang pagkatapos ko, nagtext siyang papunta na raw siya. Pinababa ko na sa katulong yung bag.
THIRD PERSON'S POV
Nasa tapat na ng bahay nila Kath si Daniel, nakasandal lang ito sa kotse habang hinihintay ang dalaga. Sinabi naman nito agad sa dalaga. He's wearing a white plain shirt and ripped jeans, syempre naka vans kicks with shades. Pagna-iimagine niyo ang pogi lang ni DJ tignan, naka crossed arms and legs pa kasi. Eek, kilig.
On the other hand..
Kakadating lang ng parents ni Kath galing sa meet ups ng business friends habang siya pababa na ng hagdan. "Nak, si Wacky ba nagpupunta dito?" Mommy Min. Nagtaka naman si Kath kasi hindi pa sila nagkikita ni Wacky, kaya umiling ito at dire-diretso lang lakad.
"Mom, Dad. Alis na po ako ha. I love you." Sabay kiss sa dalawang magulang at umalis agad.
Paglabas ni Kath ay siya namang pagsalita ni Mommy Min na kausap si Daddy Ted.
"Sabi ko naman sayo Ted, hindi pwedeng maging si Wacky yon kasi di pa sila ulit nagkikita ni Kathryn."
"Mameng naman, hindi naman impusibleng pupunta si Wacky dito, besides he's the son of our family close friends."
"Kung pupunta man siya dito, bakit hindi siya pumasok? Ano, nga-nga lang siya dun sa labas mag-isa?"
"Eh.."
"Tsaka wag mo nga munang iniisip yan, malalaman naman natin agad kung si Wacky nagpupupunta dito at kita mo naman sagot ng anak mo kanina, hindi daw pumupunta anak nila Rommel at Karla dito."
"Siguro nga, kamukha kasi nung pinakita ni Karla na picture, ang kaso eh may sunglasses lang yung kanina..." Patango-tango lang naman si Mommy Min na nakahawak sa baba na parang may iniisip. Sabay silang napatingin sa isa't isa ni Daddy Ted. "Teka yun na ba yung boyfriend ng anak natin?!" Agad namang lumabas si Daddy Ted, pero siya namang pagalis ng kotse na sinasakyan ng dalawa.
At the same time..
Naunang lumabas ang katulong at bini-bitbit yung bag ng damit nila. Itinuro naman ni Daniel na ilagay sa trunk ng kotse niya, umalis naman ito agad at pumasok na ng bahay. Ilang minuto lang naman ay lumabas na ang dalaga sa gate at agad namang tinanggal ng binata ang kanyang shades. Nagtitigan lang sila sa isa't isa habang naglalakad si Kath papunta sa binata ng nakangiti. Pareho sila ng iniisip sa mga oras na to, kung gaano ka gwapo at kaganda ang isa't isa. Yung mga titig nilang akala mo first time lang nagkita, tapos na love at first sight agad.
BINABASA MO ANG
YOU ARE MINE (KathNiel Presents)
Teen Fiction"Kaya kong mag-isa, kaya ko kahit wala ka – kayang sabihin ng isip ko, pero hindi kailanman ng puso ko, dahil hindi magwawakas ang pag-ibig ko – kailan ba tama ang maiwan, kailan magiging masakit ang mawalan – kailan ako muling mabubuhay."