KATHRYN'S POV
“Hoy ikaw. Anong kailangan mo?”
Nagulat ako paglingon niya, napahinto ako sa pag-nguya, bukas ang bibig. Nabitawan ko bigla ang hawak-hawak kong apple. Ang kapal ng mukhang magpakita dito, mismo sa pamamahay ko. Pangisi-ngisi pa tong unggoy na to. Buti nalang wala sila Mommy kundi patay ako, lalo na kay Daddy.
“How come you’re here? Bawal hayop dito.”
"Ako – mukhang hayop? Sa gwapo kong to? HA!"
"Whatever, go home."
“No. We’re going – wether you like it or not.” He's smirking while both hand were on his pocket.
“You're irritating. Hinaan mo yang boses mo, wala ka sa palengke. Di ako sasama.”
“Magbihis ka na, aalis na tayo.”
“Sino may sabi sayo? Umalis ka mag-isa mo. Feeling!”
“Ako.”
“Kamalingkingan na mismo ng kuko ko nagsasabi, there has no space for our friendship – not even close. Go away!” Lumapit siya sakin at hinawakan ako sa magkabilang braso. Nilapit niya ang mukha niya sakin inch away at nagsalita.
“So you want me closer, huh?” Sa sobrang lapit ng mukha namin sa isa’t isa, naitinulak ko siya ng malakas.
“Perv! Umalis ka nga. Di naman tayo magka-kilala at wala naman akong balak kilalanin ka.” Tumalikod ako sa kanya at pumanhik sa kwarto ko.
“I’ll be waiting here – Faster, okay?” Umupo siya sa couch.
“Whatever!” Sigaw ko. This guy is annoying.
Napahawak ako sa sentido ko at in-open ko yung laptop, baka sakaling online sila Daddy sa skype. Mamaya ko nalang siguro sila tatawagan, di pa naman sila online eh. Baka busy. Chineck ko nalang muna yung mga pinili ko sa Amazon.com mahilig ako mag order through online eh. Tamad, teehee.
“Anong pang ginagawa mo?”
“Anak ng patatas!”
Napasigaw ako ng wala sa oras. Bigla-bigla kasing su-sulpot tong mokong na to. Bakit pati dito sa kwarto ko sinusundan ako ng gagong to. Di marunong rumespeto sa may bahay.
“Bakit ka pumasok dito? Labas! Umuwi ka na nga sa inyo! Napupuno nako sayo!” Tinulak-tulak ko siya. Sinara ko nalang yung laptop at pumunta ng walk in closet. Tinalikuran ko na nga eh, nakakainis tong taong to. Nakakainis siya!
Bago ko pa man ako makapasok sa walk in closet ko. He cornered me with his both hands on the wall.
“Baka nakakalimutan mong sinukahan mo ko. May atraso ka pa sakin.”
“Ano bang pinagsa-sabi mo? Baka nakakalimutan mo ding binuhusan mo ko ng alak? Kaya pwede ba ––”
“Magsalita ka pa, hahalikan kita.”
“Tinatakot mo ba ako?" I crossed my arms.
BINABASA MO ANG
YOU ARE MINE (KathNiel Presents)
Ficção Adolescente"Kaya kong mag-isa, kaya ko kahit wala ka – kayang sabihin ng isip ko, pero hindi kailanman ng puso ko, dahil hindi magwawakas ang pag-ibig ko – kailan ba tama ang maiwan, kailan magiging masakit ang mawalan – kailan ako muling mabubuhay."