1:6

2.9K 27 1
                                    

KATHRYN'S POV

Pagdating namin ng bahay pabagsak akong umupo sa couch, sumunod naman si Daniel. Sabi naman ni Yanet maghahanda nalang daw siya ng makakain. 

“Dito ka muna, magbibihis lang ako.” Agad naman akong umakyat sa taas, napag isipan ko nalang maligo muna to freshen up. Hay, hindi ko alam pero tinatamad akong gumalaw, siguro pagod lang.

Nangmakababa ako naabutan ko si Daniel sa couch natutulog. Pagod din to eh, 3 hours na pagda-drive ba naman. Sinabihan ko nalang yung ibang katulong na dito nalang kami kakain sa sala. 

“Yanet kumain na ho ba kayo ni Yanor? Kung hindi pa ho kain nalang ho kayo ah, dito nalang kami sa sala kakain eh.”

“Osige. Mukhang pagod yang kasama mo. Kamusta ba ang punta niyo sa San Lorenzo?”

“Yun nga po eh, ano  okay naman po, na-enjoy naman namin.”

“Siya nga pala nak, si Julia nandito kanina, tumawag na ba sayo?”

“Oho, medyo galit nga kanina eh. Di ko nasabihan tungkol sa pagpunta sa San Lorenzo. Pero okay na ho yon. Ayaw ko lang na malaman niya ang tungkol dito.”

“Oo, naman lakas mo sakin eh. Hahaha. Sige gisingin mo na yang kasama mo at kakain na kayo, ipapalatag ko nalang kakainin niyo diyan.” Tumango lang ako.

Lumingon naman ako dito sa tulog na unggoy, tulog mantika ah. Umupong palaka ako sa sahig tapos naka salumbaba, sinusundot sundot ko cheeks niya para magising. 

“Uy, gising na – kakain na tayo. Uy.” Sinusundot sundot ko ang pisngi niya pero parin ayaw magising. Piningot at tinakpan ko ang bunganga niya, tignan natin kung di pa to magising. Parusa yan sa lahat ng mga pananantsing niya.

Tinanggal ko na ang pagkakatakip sa kanya, dahil bigla siyang naalimpungatan. Kaya napatawa ako ng malakas.

“Buti naman at gising ka na.” Napakamot nalang siya ng batok at inirapan ako.

Para kaming patay gutom kung kumain, puro lang kasi prutas kinain namin kaninang tanghali – and speaking of prutas, aangkinin ko lahat yung dala namin. Puro paburito ko kasi lahat ng yon eh, tsaka ayaw nadin naman ni Daniel dalhin sa bahay nila yon. Kaya pinahugasan ko lahat at nagpahiwalay ako ng isang bowl kasi dadalhin ko mamaya sa kwarto ko.

Pakatapos naming lumamon, napag-isipan naming manuod ng movie pampatunaw lang ng kinain. Una sa lahat, wag madumi ang iniisip. Pasalamat ko na nga lang din at wala dito ang parents ko. Sana nga di ako isumbong nila Yanet. Wala naman kaming ginagawang masama eh.

“Ano naman magandang panoorin?” Kanina pa kasi kami pumipili ng DVD wala paring mahanap tong si ungas.

“Expandables 2 na lang kaya?” Sabi ko, at mabuti naman at sumang-ayon siya. Pareho naman na naming napanuod yung unang movie. Kaya yan.

Maka-dapa tong di daniel parang siya nagmamay-ari ng bawat sulok ng bahay namin. May gana pang itulak tulak ako sa braso gamit ang mabaho niyang mga paa. Nakakainis eh! Naka indian seat lang kasi akong umupo – umpisa palang ng movie interesting nang panoorin, nung nasa gitnaan na ng film nakakatuwa lalo na kay Chuck Norris na part. Action na may konting comedy ang genre ng palabas. May mga scene naman kasing matatawa ka talaga kung di ka slow.

Napahikab ako. Sleepiness stikes me.

“Hoy umuwi ka na, mtutulog na ako.” Paniniko ko sa kanya.

YOU ARE MINE (KathNiel Presents)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon