Nagmamadaling maglakad si Prince patungo sa canteen ng building nina Cindy, umaasang doon niya makikita ang dalaga. Kahit alam niyang hindi siya papayagang umalis ni Cindy, nagdesisyon pa rin siyang magsabi rito. Kailangan na niyang umalis. Kailangan niyang puntahan si Stephanie.
Naisugod na si Stephanie sa pinakamalapit na ospital. Nang balikan ni Minda si Prince sa telepono, napag-alaman niyang gamit ang isang matalim na cutter, naglaslas ng pulso ang dalaga. Takot na takot nga ang mga katulong lalo't halata nilang maraming dugo ang nawala sa kanilang señorita.
Napabuntong hininga si Prince nang matanaw niya sa di kalayuan ang grupo ni Cindy. Sa wakas ay nakita niya rin ang dalaga, makakapagpaalam na siya rito.
Nasa kalagitnaan ng pagtatawanan ang apat na reyna ng kolehiyo. Nakapalibot sila sa mesa ng paborito nilang pwesto. Magkatabi si Cindy at Aya at pareho silang nakatalikod sa direksyon ni Prince. Si Elise at Courtney naman, bagaman sila ang maaari sanang makakita sa palapit na binata, ay masyado ring naeengganyo sa kanilang kwentuhan para makapansin pa ng ibang bagay.
"Pero mas epic yung mukha ni Stephanie!" si Elise.
"I know, right!" sagot ni Courtney. Ang laki pa ng ngiti niya habang inaalala ang kaawa-awang anyo ng napagkatuwaan nilang dalaga. "Sayang, Shin! Hindi mo nakita yung nakita namin!"
"It's okay, ang mahalaga, nakaganti na 'ko sa babaeng 'yon," sagot ng malditang dalaga sabay hablot sa iced coffee niyang nasa mesa.
Naikuyom ni Prince ang kanyang mga kamao sa narinig. Ang pag-aalala niya para kay Stephanie ay napalitan ng galit sa bruhang Cinderella. Hindi na siya nakapag-isip. Matapos na tuluyang ubusin ang ilang hakbang na pumapagitan sa kanya at sa apat, hinawakan niya si Cindy sa braso at pilit itong itinayo't pinaharap sa kanya. Sa gulat ay nabitawan tuloy ni Cindy ang inumin niya. Isa-isa ring nagtayuan ang tatlo niyang kasama sa mesa ngunit nanood lamang sila. Pare-pareho silang nagulat sa biglang pag-epal ni Prince sa katuwaan nila.
"Anong ginawa mo kay Stephanie?" galit na panimula ng nagpipigil na binata.
Halata ni Cindy sa mga mata ni Prince ang galit. Ramdam rin niya iyon sa higpit ng pagkakahawak nito sa kaliwang braso niya. Sa katunaya'y nabigo siya nang subukan niyang bawiin ang sarili sa kamay nito.
"Ano ba, bitawan mo nga 'ko!"
Ngunit sa halip sumunod, lalong hinigpitan ni Prince ang hawak sa dalaga. Kulang na lang ay bumaon ang maiikli niyang kuko sa balat ni Cindy. "Sagutin mo ang tinatanong ko, anong ginawa mo kay Stephanie?"
"The hell! I said let go of me! Saka ano bang pake ko sa babaeng yon? Wala 'kong ginagawa sa kanya!"
Unti-unti nang napupuno si Prince. Hindi niya rin gustong daanin sa dahas ang dalaga ngunit hindi niya mapigilan ang sarili. Nag-umpisa na ring tumaas ang boses niya. "Umamin ka na! Rinig na rinig ko kayo. Pinag-uusapan n'yo si Stephanie. At rinig na rinig ko nang sabihin mong masaya ka na kasi nakaganti ka na sa kanya."
Nagpatuloy si Cindy sa pagmamatigas. Hindi siya nagsalita. Wala siyang aaminin. Isa pa, wala naman siyang obligasyong sabihin kay Prince ang anumang ginawa niya.
Dahil walang nakuhang sagot, napabuntong-hininga na lang si Prince. Naging mahinahon na ang tinig niya nang muli siyang masalita. "Hindi ko alam kung anong ginawa mo sa kanya, pero para lang malaman mo, nasa ospital siya ngayon."
"So?" ang maikli't mabilis na sagot ng tila walang-pusong dalaga. "Anong pake ko?"
Hindi nagustuhan ni Prince ang narinig niya. Nadama tuloy ni Cindy ang muling paghigpit ng hawak sa kanya ng binata. Sumasakit na ang braso niya.
"Cindy," ang mahina ngunit mariing bulong ni Prince. Pagbuntong-hininga na lang ang kaya niyang gawin.
He grew up with Cindy. He was with her for more than ten years now, yet he was just starting to realize how cruel and insensitive this proud woman could be.
BINABASA MO ANG
The Wicked Cinderella
Romance[BOOK 1, completed, unedited] Wala raw permanente sa mundo kundi pagbabago. Siya na ngayon ang malupit na kontrabida habang ang dapat sana'y magiting na prinsipe niya ay parang aso na lamang na sunod nang sunod sa lahat ng gusto niya. Sounds weird...