Tumagilid si Cindy sa kama. Hinatak niya ang kumot patakip sa sarili. Pumihit siya pakabila. Nagtalukbong siya, dumiretso ng higa tapos ay tumagilid na naman.
"Aagh! Ayoko na!"
Umaga na at gising na ang bruha. Gusto niya pa sanang matulog at itulog ang nararamdaman niya pero hindi niya magawa. Masakit ang ulo niya, ito ang gumigising sa kanya.
Napaupo si Cindy sa kanyang kama.
"Peste naman oh!" aniya matapos sabunutan ang sarili. "Ang sakit ng ulo ko!"
Sa kabila ng pagrereklamo niya, nahagip ng kanyang paningin ang bagay na nakapatong sa bedside table niya—isang nakabalot na pagkaing sa tingin niya ay sandwich, baso ng tubig na may takip, at paracetamol sa ibabaw ng takip.
Kinuha niya ang sandwich at nakita ang sticky note na nasa ibabaw nito. Near sighted si Cindy kaya kinailangan niyang ilapit sa kanyang mukha ang sticky note nang mabasa niya ang nakasulat doon.
Kung masakit ang ulo mo, kumain ka muna bago ka uminom ng gamot.
Yung contacts mo nga pala tinapon ko na. Bumilii ka na lang ng bago.
-Prince.
"Tss! Bwisit na palaka 'to, utusan daw ba 'ko?"
Tinanggal na niya ang paper towel na nakabalot sa sandwich at agad siyang kumagat. Matapos niyang kumain ay uminom na nga siya ng gamot. Tapos ay minabuti na niyang lumabas ng kwarto.
Nang pababa na siya ng hagdan, may narinig siyang tugtog na nagmumula sa sala. Tunog ng gitara at boses ni Prince. Mukhang kumakanta ang lalaki.
"Ayoko nang isipin pa
Di ko alam ba't di mo makayanan ang iwanan siya
Ang dami-dami naman diyang iba
Wag kang mangangambang baka wala ka nang ibang makita
Na lalaki na magmamahal sa'yo
At hindi-hindi niya sasayangin ang pag-ibig mo
Sa libu-libong pagkakataon
Na tayo'y nagkasama
Iilang ulit pa lang kitang nakitang masaya
Naiinis akong isipin na ginaganyan ka niya
Siguro ay hindi niya lang alam ang 'yong tunay na halaga"
Lumingon siya sa pinanggagalingan ng tunog at nakita si Prince. Nakaupo ito sa single sofa at tumutugtog nga ng gitara. Matagal na rin mula nang huli nitong gamitin ang instrumentong iyon.
Nakatalikod ito sa kanya kaya hindi siya nito kita. Patuloy lang ito sa pagkanta. Nag-umpisang maglakad si Cindy pababa sa sala. Hindi maalis-alis ang tingin niya kay Prince. Tila siya naaakit sa awitin nito.
Minsan hindi ko maintindihan
Parang ang buhay natin ay napagti-tripan
Medyo malabo yata ang mundo
Binabasura ng iba ang siyang pinapangarap ko
Hindi sigurado ni Cindy ngunit kakaiba ang nararamdaman niya noong mga oras na iyon. Hindi niya maipaliwanag. Talagang naaakit siya sa kanta. Kung dahil iyon sa magandang boses ni Prince o sa malinis nitong pagtugtog, hindi niya alam. Baka sa lyrics. Ewan niya.
BINABASA MO ANG
The Wicked Cinderella
Romance[BOOK 1, completed, unedited] Wala raw permanente sa mundo kundi pagbabago. Siya na ngayon ang malupit na kontrabida habang ang dapat sana'y magiting na prinsipe niya ay parang aso na lamang na sunod nang sunod sa lahat ng gusto niya. Sounds weird...