Gumapang ang kamay ni Zach sa magadang kurba ng bewang ni Cindy.
"Zach, ano ba?" ang patuloy na pagsaway ng dalaga sa makulit na lalaki. Naisuklay na lang ni Cindy ang kamay sa maikli niyang buhok. Umikot pa ang mga mata niya sa asar. Her words didn't stop him. He was really serious about turning her on right here, right now.
Natigil lang si Zach sa ginagawa nang may taong humatak sa likurang kwelyo niya.
"Kung mambabastos ka ng babae, wag sa pamamahay ko, pwede?" salubong ni Prince nang sandaling mapalingon si Zach sa kanya. Sa gilid ng kanyang mga mata, nasulyapan niya ang pag-irap ni Cindy. Halatang galit pa rin ito.
Ngumisi si Zach. "Rhyming ah? Any plans of being a poet?"
Prince sighed. He's sure he'll never appreciate Zach's humor.
"Sa'n ka galing? Isang subject ka lang ngayon, di ba? Ba't ngayon ka lang?"
Tuluyang napatingin si Prince kay Cindy nang paulanan siya nito ng tanong. He was as well surprised to learn that Cindy knew his schedule. He answered, "Galing ako sa ospital."
"Dun na naman sa girlfriend mong magaling?"
Gusto sanang sumagot ni Prince pero hindi niya nagawa nang nahagip ng paningin niya ang mga nakahain sa lamesita. Bakas ng sarkasmo ang ngiting biglang gumuhit sa mga labi niya. Tinignan niya ang paper bag na dala.
"Pasalubong ko sana 'to sa'yo, kaso mukhang kumain ka na. Ibibigay ko na lang siguro kina manang."
"Ano?" asar na sagot ni Cindy.
Si Zach naman ang binalingan ni Prince. "Close talaga kayo ni Cindy, ano? Alam na alam mo yung paborito niya eh-Hawaiian pizza," aniya sabay yukong muli sa kahon ng pizza na nangalahati na ang laman. Tatlo doon ang nakain ni Zach.
"Oh really?" si Zach. Isinandal niya ang likod sa kinauupuan, nagde-kwatro saka pasimpleng inakbayan ang kasintahan. "I never knew you love this, baby."
Hindi man napansin ni Zach, halatang-halata ni Prince ang kaplastikan sa ngiting isinagot ni Cindy. Nagsinungaling kasi siya. Hindi mahilig si Cindy sa pizza, at pinakaayaw niya ng Hawaiian. Ayaw niya sa kahit anong may pinya.
Napawi ang kunyaring ngiti ni Cindy nang makita niyang naglalakad na palayo si Prince.
"Hoy!" habol niya sa lalaki sabay tayo.
"Teka, sa'n ka pupunta?" tanong ni Zach. Hinawakan pa niya ang kamay ni Cindy na noo'y handa nang humakbang para habulin ang kaaalis lang na lalaki.
Binawi ni Cindy ang kamay saka hinarap ang bisita niya, "Kakausapin ko lang siya. Mabilis lang ako."
Hindi na nagawang hintayin ni Cindy ang sasabihin ni Zach. Tinalikuran na niya itong muli saka nagmamadaling sinundan si Prince.
"Hoy!" tawag ni Cindy kay Prince. "Hoy ano ba?"
Patuloy lang noon si Prince sa paglalakad. Ni hindi niya nililingon ang dalagang bumubuntot sa kanya.
"Hey, you frog!"
Wala pa rin.
Tuluyan nang napuno si Cindy nang hanggang sa pagtapak nila papasok ng kusina ay hindi man lang siya hinaharap ng binata.
"Prince, ano ba?"
Para lang mapigilan si Prince, kinailangan siyang hawakan ni Cindy.
Nahinto nga si Prince. Napalingon pa siya sa babaeng kanina pa siyang sinusundan. Nang makita niya ang kamay na nakapulupot sa pulso niya, natawa na lang siya.
BINABASA MO ANG
The Wicked Cinderella
Romance[BOOK 1, completed, unedited] Wala raw permanente sa mundo kundi pagbabago. Siya na ngayon ang malupit na kontrabida habang ang dapat sana'y magiting na prinsipe niya ay parang aso na lamang na sunod nang sunod sa lahat ng gusto niya. Sounds weird...