Wicked Chapter Thirty-Five

6.2K 127 9
  • Dedicated kay msMEbloodyasch54
                                    

This is dedicated to msMEbloodyasch54. hindi ko na mahanap yung account niya... idk why. pero nakakausap ko kasi siya dati sa comment box. well, dear msMEbloodyasch54, naalala mo yung sabi ko dati? na posibleng magkagustuhan sila kasi aamnesiahin si cindy kasi maaksidente siya kasi mabubundol siya ng trak? di ako nagbibiro nung sinabi ko yun.. well except dun sa part na mabubundol siya ng trak hahah. but yeah, may amnesia na si cindy ngayon\

(ano pa nga ba? ah, ayun!) please keep your comments coming! please? pretty please? 

no proof read. pagpasensyahan na po... pakibasa rin ang mga sangkap ng MALING GAYUMA :)

-----

Wicked Chapter Thirty-Five

 

Naunang bumaba si Prince sa kotse para pagbuksan ang kanyang prinsesa. Muntik-muntikan pang ang pinto sa back seat ang buksan niya dahil nasanay siyang doon umuupo si Cindy. Pero iba na ang sitwasyon ngayon. Dahil sa natamo nitong head injury, wala itong anumang maalala.

"Halika na, andito na tayo," wika ni Prince matapos ilahad ang kamay niya para alalayan pababa ang kanina pang tahimik na dalaga.

Sandaling tinignan ni Cindy ang kamay ni Prince. Ilang na ilang siya sa binata. Dahil sa lagay niya, hindi niya ito kilala. Nag-aalangang inabot niya ang palad ni Prince. Agad naman nitong hinigpitan ang hawak sa kanya. Napatingin siya kay Prince. Nakatingin din ito pabalik sa kanya, nakangiti at tila sinasabing huwag siyang matakot.

Bumaba na si Cindy ng kotse. Sandali niya munang pinagmasdan ang kabuuan ng malaking bahay kung saan siya inuwi ng lalaking nagpakilala sa kanya bilang Prince Merced, ang long-time guardian niya.

"Halika na sa loob?" aya ni Prince. "Para makapagpahinga ka na rin."

Tahimik na tumango na lang si Cindy. Nauna nang maglakad si Prince, nakasunod naman sa kanya ang nag-aalangan pa ring babae.

Mabilis na itinuro ni Prince ang mga lugar sa unang palapag ng bahay, kung saan ang kusina, kung anong meron sa kaliwang bahagi ng bahay kapag lumabas mula sa glass door, at kung anu-ano pa. Nagtungo na sila sa ikalawang palapag ng bahay, diretso sa kwarto ni Cindy.

Umikot ang mga mata ni Cindy sa buong kwarto, tila ba sinusuri niya ang lugar, ang bawat sulok at ang mismong kabuuan nito. Tinignan niya ang pagkakaayos ng kwarto, kung nasaan ang aparador, ilan ang saksakan sa loob, anong meron sa ibabaw ng mesang katabi ng malaking kama, maging ang disenyo ng kurtina sa bintana ay kinabisa niya. Napansin niyang bukod sa bedside table ay may isa pang mesa sa kwarto. Mukhang doon siya nag-aaral. Mga libro kasi ang nandoon. Nahagip rin ng paningin niya ang isang pinto sa kanang bahagi ng kwarto. Kahoy iyon na may mala-bintanang disenyo ng stained glass kaya naisip niyang may sarili siyang banyo.

"Iiwan na muna kita para makapagpahinga ka," ika ng binata. "Sa kaling may kailangan ka, nasa kabilang kwarto lang naman ako. Mamaya ko na lang ipapakilala sa'yo yung mga katulong. Anyway nabanggit ko na rin naman sa kanilang wala kang maalala. Wag kang mag-alala, mababait naman yung mga yun. Sila na'ng bahala sa'yo."

Marahang tumango si Cindy bilang sagot. 

"Ah... sige, lalabas na 'ko. Magpahinga ka na."

Hihintayin pa sana ni Prince ang tugon ni Cindy ngunit napansin niyang abala na ito sa patuloy na pagsusuri sa sariling kwarto kaya minabuti na niyang umalis.

Naglakad si Cindy palapit sa kanyang kama. Naupo siya sa dulo niyon at hinaplos ang makapal na kumot na nakalatag sa higaan. Kakulay niyon ang pares ng unan sa ulunan ng kama.

The Wicked CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon