Wicked Chapter Fifteen

7.5K 126 12
                                    

Isang malaking ngiti ang isinalubong ni Stepahine kay Prince noong iluwa ito ng kabubukas lang na pinto. Nasa ospital pa rin si Stephanie. Naghihilom na ang nilaslas niyang pulso ngunit kinakailangan pa niyang manatili doon. She still has to undergo psychological treatment. Her doctor has to be sure she won't hurt herself again.

Isang tipid na ngiti ang itinugon niya sa dalaga. Ipinatong niya muna ang school bag niya at dalang puting paper bag sa sofa saka siya naglakad palapit dito. May dala siyang basket ng prutas para kay Stephanie. Inilagay niya naman iyon sa mesang malapit sa kama ng dalaga.

"Kumain ka na ba? Gusto mong mangga? Ubas? Apple?" tanong niya habang sinusuri ang laman ng dala niyang basket.

Noon nama'y napansin ni Stephanie ang paper bag na iniwan nito sa sofa. "Galing kang Krispy Kreme?"

"Ah..." ang natitigilang sagot ni Prince. He was a little hesitant to answer. "Oo eh. May pinabili lang si Cindy," pagsisinungaling pa niya. Hindi pa rin siya kinakausap ni Cindy.

"Cindy?" iritableng paninigurado ni Stephanie. Nakataas na noon ang isang kilay niya habang inaabangan ang paglingon sa kanya ng binatang halatang umiiwas. "Si Cindy na naman? Andito ka at binibisita ako pero si Cindy pa rin ang iniisip mo?"

"Stephanie?" kalmadong tawag ng binata.

"Prince, talaga bang wala kang gusto sa babaeng 'yon?"

Prince, starting to lose his cool, asked back, "Ilang beses ko bang dapat na sagutin ang tanong na yan?"

"Ilan? Hindi ko alam. Siguro hangga't paulit-ulit mo 'kong binibigyan ng dahilan para pagdudahan yung feelings mo para sa'kin, uulit-ulitin ko rin ang pagtatanong sa'yo."

Tumaas ang mga kamay ni Prince sa magkabilang bewang niya. Pumikit siya't bumuntong-hininga sa pag-asang sa ganoong paraan niya makakalma ang sarili. Ayaw niyang makipagtalo kay Stephanie.

"Stephanie," aniya, "ano pa bang gusto mong gawin ko?"

Sa halip sumagot ay si Stephanie naman ang nag-iwas ng tingin. Hindi niya gustong humiling ng anuman sa binata lalo't nagdududa siya kung magagawa nga nito ang nais niya.

Isa lang naman kasi ang gusto niya, ang mawalan ng kuneksyon si Prince at Cindy sa isa't-isa. Gusto niyang lumayo si Prince kay Cindy. Kung maaari nga ay gusto niyang paalisin na ni Prince ang dalaga sa bahay nito. Pero gaano man niya kagusto ang mga bagay na iyon, hindi niya iyon kayang hilingin kay Prince. Alam kasi niyang madidismaya lang siya pag nagkataon.

Hinatak na lang ni Prince ang isang silya palapit sa kama ni Stephanie saka naupo rito. Para makaiwas, habang nakahiga ay tumagilid si Stephanie para talikuran ang kanyang bisita.

"Umalis ka na, puntahan mo na lang yung Cindy mo!"

"Stephanie naman eh, sorry na. Gusto mo ba yung donut? Sa'yo na, bibili na lang ulit ako."

"Ano bang tingin mo sa'kin? Pulubing nanlilimos ng pagkain ng iba?"

"Hindi naman yun yung ibig kong sabihin eh."

"Prince, kahit maging pulubi pa 'ko, hinding-hindi ko gugustuhing tumanggap ng kahit anong pagmamay-ari ng bruhang yon!"

"Alam ko yun, naiintindihan ko. Pero ikaw, Stephanie... nahihirapan na 'kong intindihin ka. Bago naging tayo, sinabi mo sa'king naiintindihan mo 'ko di ba? At iintindihin mo rin yung sitwasyon ko."

Biglang napabangon si Stephanie, "Na ano? Na may Cindy kang dapat unahin kaysa sa'kin?"

"Stephanie?"

"O, ba't di mo sabihin? Kasi totoo?"

Unti-unti nang napupuno si Prince sa kakulitan ni Stephanie. Sinapo niya ang noo saka dahan-dahang pinagapang ang mga daliri sa itim niyang buhok.

"How many times should we talk about this, Stephanie?"

Hindi nakasagot ang dalaga nang mabakas niya ang pagkainip sa tinig ng kasintahan. It wasn't her intention to provoke him.

"Stephanie," his voice started to stiffen. "Noong maging tayo akala ko talaga naiintindihan mo 'ko."

"Prince, pinipilit ko naman eh."

"Pero hindi mo magawa? Dahil mahirap?"

"Prince..."

"Stephanie, naiintindihan kong nahihirapan ka na sa sitwasyon natin ngayon."

Alam ni Prince na hindi tamang ngayon na niya hiwalayan si Stephanie. Pero ito lang ang naiisip niya—ang pakawalan ang dalaga at palayain ito sa magulong relasyong meron sila. Mabuti na rin siguro ito nang matuwa naman sa kanya si Cindy.

He continued, "Ayokong nahihirapan ka. Ayokong nasasaktan ka. Siguro mas maigi kung—"

"No," ang mabilis na sagot ni Stephanie. Hinawakan niya pa ang mga kamay ng binata. "No, Prince. Alam ko ang sasabihin mo. Wag mo nang ituloy. I'm sorry. I was wrong."

Yumuko lang si Prince saka bumuntong-hininga. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman, ang matuwa ba na nagkakaintindihan na sila ni Stephanie o malungkot dahil wala siyang magandang balitang maibabahagi sa bruhang Cinderella pag-uwi niya.

Nang hindi pa rin nag-angat ng tingin ang binata, agad na pinuluputan ni Stephanie ang leeg ni Prince. Niyakap niya ito nang pagkahigpit-higpit, tila ba sinasabing hinding-hindi niya ito pakakawalan anuman ang mangyari.

"My Prince, I'm sorry. Nabigla lang ako. Alam mo namang pinagseselosan ko talaga si Cindy, di ba?"

Inabot ng labi ni Prince ang sentido ni Stephanie. Tapos ay ginantihan niya ang yakap nito sa wakas. Isinandal niya ang noo sa balikat ng dalaga nang madama nito ang pagtango niya. Hindi na siya nagsabi pa ng anuman.

*** 

"Stop it... Zach..."

Kanina pang pinipigilan ni Cindy si Zach pero ayaw nitong paawat sa paghalik sa kanya. Tatlong araw na palang nasa Pilipinas ang loko. Aniya, kung hindi lang siya nag-alala kay Cindy dahil sa kakaibang pakikitungo nito sa kanya kagabi, hindi pa siya magpapakita rito. Balak daw kasi niya itong surpresahin sa darating na Sabado.

Mag-iisang oras na rin si Zach doon. Kanina pa silang magkasama ni Cindy. Kanina pa ring malamig ang pakikitungo nito sa kanya. Paano kasi'y apektado pa rin ang dalaga sa pagsasagutan nila ni Prince.

Cindy sighed, rolling her eyes in impatience. Marahan niya pang itinulak ang ulo ni Zach palayo sa leeg niya. "Zach, ano ba? I'm not in the mood."

"I know, that's why I'm putting you in the mood!" sagot niya saka inakbayan ang dalagang nasa kaliwa niya. Ginamit pa niya ang kanang hintuturo para lang paharapin ito sa kanya. Nang sandaling magkaharap na sila ni Cindy, agad niyang sinalubong ng halik ang labi nito. Ngunit kung gaano kabilis ang kilos niya, ganoon din kabilis ang ginawang pag-iwas ni Cindy.

"Hey, what's wrong?"

"Zach, I told you, I'm not in the mood!" Pinag-krus ni Cindy ang mga hita saka inabot ang baso niya ng iced tea. Kanina pang nakahain sa kanila ang isang pitsel ng malamig na inuming pinahanda ni Cindy at ang box ng pizza na ipinasalubong ni Zach.

"Shin?" Zach put his right hand over her right thigh. His finger almost touched the hem of her short shorts. "I thought you missed me."

"Zach, I did. I missed you," sagot niya habang tinatanggal ang kamay na pumatong sa makinis niyang hita.

"Then show me."

Just that and he claimed her lips. Nang muling iiwas ni Cindy ang sarili, bumaba ang mga labi ni Zach sa kanyang leeg. Hinawi-hawi pa ni Zach ang maikli niyang buhok nang mas maangkin nito ang leeg niya.

"Zach, stop it," she weakly pleaded but to no avail.

Ito ang eksenang nadatnan ni Prince nang makauwi siya. Naikuyom na lang niya ang kamao. Pero hindi pwedeng hanggang doon lang ang gagawin niya. Sa loob-loob niya, gustung-gusto niyang sapakin ang gagong lalaki.


The Wicked CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon