Wicked Chapter Forty-Nine

7.2K 127 7
                                    

(Long chapter. May NOTE  pa po sa dulo, pakibasa tenchu!)

 

Wicked Chapter Forty-Nine

 

Nakapatong ang parehong pulsuhan ni Aya sa itim na manibela. Nakaupo sa tabi niya si Cindy. Pareho silang nakatanaw sa papaalis na kotse ni Prince. Maya-maya pa, lulan ang binata, umandar na ang sasakyan.

"Wala ka naman palang balak kausapin siya, ano pang ipinunta natin dito?" tanong ni Aya.

Nakasunod pa rin ang mga mata ni Cindy sa palayong kotse nang sumagot siya. "Pumayag ka naman na, di ba? Pansamantala, dun muna 'ko sa inyo."

"Yup," tango ni Aya. "Does that have anything to do with us being here?"

Si Cindy naman ang tumango. "Sandali lang ako. Kukunin ko lang ang mga gamit ko."

Noon din ay binuksan ni Cindy ang pinto sa kanan niya para bumaba. Dire-diretso lang siya papasok ng mansyon. Walang tao. Dali-dali siyang umakyat ng hagdan para pumunta sa sariling kwarto. Nasa kalagitnaan na siya ng tahimik niyang paghakbang nang may dumating sa sala at makita siya.

"Cindy?" tila nag-aalangang tawag nito, si Regina.

Hindi kinailangan ni Cindy na lumingon para malamang naglalakad na si Regina pasunod sa kanya. Rinig niya kasi ang bawat pagtama ng mabigat nitong takong sa baitang ng hagdan. Malamang ay bihis na bihis na naman ito para pumunta sa kung saan. Hindi niya pa kilala si Regina ngunit naglalaro sa isipan niya ang elegante nitong imahe. Panigurado siyang posturang-postura ito kahit habang naglalakad palapit sa kanya.

"Where were you last night? Prince was worried about you."

Itinuloy ni Cindy ang paghakbang matapos sabihing, "Alam niya kung nasa'an ako. Bakit siyang mag-aalala?"

"Cindy."

Muling natigilan si Cindy nang banggitin ni Regina ang pangalan niya. Damang-dama niya ang autoridad nito.

"Is that the right way to answer me? I was just trying to make a conversation. I thought you've changed." Nakahalukipkip, makailang ulit na umiling si Regina. "I'm disappointed to know I was wrong."

Lumunok si Cindy bago siyang dahan-dahang umikot paharap kay Regina. Isang hakbang lang ang pagitan nila. Nasa mas mataas na hakbang si Cindy ngunit pantay lang ang mga mata nila ng ginang.

"Pasensya na po kayo kung na-disappoint ko kayo. Pero hindi lang naman kayo ang may karapatang ma-disappoint di ba? Ang totoo masama din yung loob ko. Siguro hindi n'yo alam kung bakit. Hindi na rin naman mahalagang malaman n'yo eh. Sana lang hayaan n'yo na 'ko."

"Hayaan? Hayaan saan?"

Sa halip sumagot, nakayukong tinalikuran ni Cindy si Regina.

"Kinakausap pa kita," habol ni Regina sabay hawak sa braso ni Cindy. Napaharap si Cindy sa ginang. Agad niyang binawi ang kamay niya. Nang pwersahin niyang alisin ang sarili sa hawak ni Regina, hindi sinasadyang masira niya ang balanse nito, dahilan para mahulog ito sa hagdan.

Nanlaki na lang ang mga mata ni Cindy. Wala siyang ibang nagawa kundi ang panoorin kung paanong gumulong pababa ng hagdan si Regina. Tuluyan nitong narating ang ibaba ng hagdan. Wala na itong malay. Magulo na ang kanina'y nakapusod nitong buhok. Gayunman ay kitang-kita ni Cindy ang natamo nitong sugat sa noo.

Nanginginig ang kamay ni Cindy. Naitakip na lang niya iyon sa kanyang bahagyang nakabukas na bibig. Hindi niya alam ang sasabihin. Hindi niya sigurado kung dapat ba siyang sumigaw. Nakatulala na lang siya. Ni hindi niya magawang gumalaw at lapitan ang nakahandusay na babae.

The Wicked CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon