Wicked Chapter Thirty-Six

6.4K 114 7
                                    

Medyo mahaba 'to. Dalawang chapter kasi (yata) talaga dapat 'to pero pinag-isa ko na lang. Nakornihan kasi ako sa first part kaya idinugtong ko na yung isa pa.

-----

Wicked Chapter Thirty-Six

Mula sa sariling kwarto, dire-diretso ang lakad ni Cindy papunta sa katabing silid. Dahil nasanay ang katawan niyang pumapasok na lang basta sa silid ng binata, awtomatikong humawak ang kamay niya sa seradura. Pipihitin na nga sana niya ito nang maalala niyang dapat pala muna siyang kumatok. Agad tuloy siyang napabitaw sa malamig na doorknob.

Bumuntong-hininga siya, pumikit at tahimik na pinagalitan ang sarili. Itinaas na niya ang sarado niyang kamao para simulan ang pagkatok. Pero hindi niya magawa. Kung nahihiya siya kay Prince o ano, hindi niya rin alam.

Muli niyang hinawakan ang doorknob. Pakiramdam niya, mas kaya niyang buksan ang pinto nang walang pasintabi kaysa ang kumatok at maghintay ng sagot mula sa loob. Muli niyang ipinikit ang kanyang mga mata. Muli rin siyang bumuntong hininga.

Sinimulan niyang magbilang sa kanyang isipan.

One... two—

Nanlaki na lang ang mga mata niya nang maramdaman niya ang pagpihit ng seradura mula sa kabila ng pinto. Kusa na itong bumukas. Mabilis. Halos madala siya nito papasok ng kwarto. Palabas naman sana noon si Prince kaya nagtama ang mga katawan nila. Nauntog pa siya sa dibdib ng binata. Nasalo siya ng kapwa niya nagulat na lalaki. Halos mapayakap pa nga ito sa kanya.

Si Cindy rin ang unang nakabawi sa nangyari. Nakayuko niyang inilayo ang sarili kay Prince. "S-Sorry!"

Sorry.

Napangiti na lang si Prince sa narinig, ngiting may halong pagkaasar. Inamnesia lang ang kanyang prinsesa ay natuto na itong humingi ng tawad. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o maiinis.

Suot pa rin ang isang sarkastikong ngiti, umiling si Prince. "Ba't ka naman nagsosori? Wala ka namang ginawa ah?"

Lalong napayuko si Cindy. Napakamot na lang siya malapit sa kanyang tenga. "Ano... kasi..."

"Ano ba yun?" putol ni Prince sa paghahanap ng sagot ni Cindy. "May sasabihin ka ba?"

Nakayuko pa rin, kinagat ni Cindy ang kanyang mga labi at tumango.

"Wag kang masyadong tumungo, wala naman ako sa paanan mo eh."

Agad inangat ni Cindy ang mukha sa narinig.

"Ano ba yung sasabihin mo? Sige na, sabihin mo lang. Wag kang mahiya sa'kin."

Pinagdaop ni Cindy ang kanyang mga palad. Sinimulan niyang laruin ang kanyang mga daliri. Nakayuko na naman siya. Hindi kasi siya makatingin ng matagal sa binatang kaharap. Nahihiya siya. Naiilang siya. Ni hindi niya sigurado kung makakaya niyang itanong dito ang bagay na gusto niyang malaman.

Hinawakan ni Prince ang baba ni Cindy at pilit itong pinaharap na naman sa kanya. "Ano ba kasi yung sasabihin mo?"

Agad napalunok si Cindy. Ramdam niya ang pag-akyat ng dugo niya sa mukha. Agad din tuloy siyang nag-iwas ng tingin nang pasimple niyang maialis ang mukha sa kamay ng binata.

"Ano... itatanong ko lang kasi sana..." talaga bang magkapatid ang turingan nating dalawa? Pati ba ako? Kuya ba talaga ang tingin ko sa'yo? Kasi... iba kasi ang nararamdaman ko. Sa tingin ko... sa tingin ko...

"Ano ba kasi talaga yon?" tila naiinip nang tanong ni Prince. "Sabi naman sa'yo wag kang mahiya sa'kin di ba?"

Bumuntong hininga si Cindy. Hindi niya magawang pakawalan ang mga salitang naglalaro sa isip niya.

The Wicked CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon