Wicked Chapter Thirty-Eight

5.4K 119 3
                                    

Sabi ko talaga sa sarili ko hindi na ko mangangarap ng mataas...

5,000. magkaron lang ng 5K reads si cindy masaya na ko... at mejo malapit ko nang maabot yun. sana bago matapos 'tong story umabot ng 5K *cross fingers*

Salamat nga pala sa lahat ng bumuo sa 3,871 reads as of 10/15/2014

-----

Wicked Chapter Thirty-Eight

"G-Girlfriend?" nanlulumong pag-uulit ni Cindy sa narinig.

Ngumiti ang kaharap niyang babaeng nagpakilala bilang Stephanie Ann Laycano.

"Oo, girlfriend ako ni Prince. May problema ba don?" Ibinaba na ni Stephanie ang kamay niya lalo't halata niyang walang balak si Cindy na abutin iyon.

Yumuko si Cindy at bahagyang umiling. "Hindi, nagulat lang ako. Wala kasi siyang nabanggit tungkol sa'yo."

"Well, hindi naman lahat ng bagay tungkol sa kanya kailangan mong malaman eh. Sino ka manlang ba sa buhay niya di ba? Teka, alam mo man lang ba kung sino ka sa buhay niya? O kung may papel ka nga ba sa buhay niya?"

Nakayuko pa rin, humigpit ang hawak ni Cindy sa kanyang mga gamit. "Ang sabi ni Prince para na daw kaming magkapatid na dalawa."

"Magkapatid?" tila natatawang pag-uulit ni Stephanie. Pero mas mainam na nga naman para sa kanya kung gayon ang iisipin ni Cindy.

Humakbang si Stephanie palapit sa mailap na dalaga. Hinawakan niya pa ito sa magkabilang balikat.

"Right, right! Para nga kayong magkapatid," aniya habang gamit ang kanan niyang kamay para hawiin ang buhok sa gilid ng mukha ni Cindy.  

"Para mo na siyang kuya," pagpapatuloy niya. "Kaya inaalagaan ka niya, pinoprotektahan at kung anu-ano pa. Pero hanggang dun lang yon kaya wag mo sanang bibigyan ng malisya."

Agad naitaas ni Cindy ang kanyang paningin kay Stephanie. Pakiramdam niya kasi ay may pinaghuhugutan ito.

"Kasi ako," dagdag ni Stephanie. "Ako ang girlfriend niya. Ako lang. Akin lang siya. Kuha mo ba?"

Muling napayuko si Cindy. Labag man sa loob niya ay wala na siyang nagawa kundi ang tumango.

"Good!" nangingiting ani Stephanie sabay tapik sa balikat ni Cindy. "At least nagkakaintindihan tayo. Sige ha, una na 'ko. See yah!"

Iyon lang at lumabas na nga ng banyo si Stephanie. Naiwan naman doon si Cindy na halos bumagsak na mula sa kinatatayuan. Bigla-bigla niya na lang kasing naramdaman ang panghihina ng kanyang mga tuhod.

***

Nakapamulsa si Prince habang naglalakad papunta sa building nina Cindy. Ang laki ng ngiti niya at mistula siyang lumulutang sa gaan ng kanyang bawat hakbang.

Sabay silang manananghalian ngayon. Excited na siya at halata iyon sa maganda niyang aura. Kulang na nga lang ay masayang background music at paniguradong mapapasayaw na siya.

Hindi naman kalayuan ang building niya sa building nina Cindy kaya narating niya rin iyon agad. Nang nasa entrance na siya, naisipan niyang tawagan si Cindy. Pero hindi niya ito matawagan. Nakapatay ang cellphone nito.

Nagtaka si Prince kaya sinubukan niya ulit na tawagan si Cindy. Ganun lang ulit. Operator ang sumagot para sabihing hindi maiikonekta ang tawag.

"Tignan mo nga naman! Anong ginagawa mo rito?"

The Wicked CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon