Wicked Chapter Thirty-Four

5.8K 113 17
                                    

dedicated sa taong nagpower vote sa mga nakalipas na chapter. salamat din sa comments ^_^

Wicked Chapter Thirty-Four

"Excuse me," hinihingal na ika ng humahangos na si Prince. Halos madapa siya sa pagmamadaling makalapit sa front desk.

"Yes sir?"

"I'm Prince Merced, ako yung guardian ni Cindy, Cindy Aynera. Ah, hindi ko alam kung may ID siyang dala eh. Anyway, may tumawag kasi sa'kin. Asan na ba siya? Siya yung babaeng dinala rito kanila lang, yung naaksidente sa kotse? Kamusta na ba siya? M-May nangyari bang hindi maganda sa kanya? Nasan siya? Anong lagay niya?"

"Sir, huminahon po muna kayo," anang nurse na kaharap niya. "Nasa emergency room pa po siya. Pero kung kayo po yung guardian niya, paki-fill up-an na lang po muna nito."

May inabot na papel at ballpen ang nurse kay Prince. Sandali niyang kinalma ang sarili nang masagutan niya ang mga hinihinging detalye ng kadarating lang na pasyente.

"Hindi pa lumalabas si doc kaya hindi pa namin sigurado yung lagay niya. Pagkatapos niyo po dyan, hintayin n'yo na lang si doc sa labas ng ER."

Tumangu-tango si Prince. "S-Saan ba yung ER n'yo?"

"Doon po sir," sagot ng nurse sabay turo sa direksyon papunta sa emergency room ng ospital.

Kahit nanginginig ang mga kamay, tinapos ni Prince ang sinusulat niya tapos ay agad siyang pumunta sa emergency room para abangan ang doktor na tumingin kay Cindy.

May ilang upuan naman sa labas ng ER pero hindi niya magawang pumirmi roon. Nakatayo siya sa harap ng sarado pa ring silid. Palakad-lakad siya at hindi mapakali.

Labis-labis ang pag-aalala niya sa dalagang nasa loob ng kwartong iyon. Sinisisi niya ang sarili sa nangyari.

Kung nag-ingat lang ako, kung hindi niya nakita yung diary... kung hindi niya yon nabasa... hindi siya umalis. Hindi siya maaaksidente.

Maya't-maya kung sabunutan niya ang sarili. Kulang na nga lang ay suntukin niya ang pader sa inis. Hindi niya yata kakayanin kapag may nangyaring hindi maganda sa kanyang prinsesa.

Agad siyang napatingin sa direksyon ng emergency room nang marinig niya ang pagbukas ng pinto. Sinalubong niya agad ang doktor na lumabas mula roon.

"Excuse me, yung pasyente sa loob, kamusta na siya?"

Bakas na bakas sa nanginginig niyang tinig at sa ekspresyon ng kanyang mukha ang labis niyang pag-aalala.

"Stable na ang lagay ng pasyente," panimula ng doktor matapos bahagyang ngumiti. Dahil sa narinig, kahit papaano ay nakahinga na rin nang maluwag si Prince.

Nagpatuloy ang doktor. "Nagkaron lang siya ng head injury dahil tumama ang ulo niya sa manibela pero maayos naman na ang lagay niya. Pwede na rin siyang ilipat sa ibang kwarto. Hintayin na lang muna natin siyang magising para makasiguro tayo kung may iba pa siyang nararamdaman."

Bumuntong-hininga si Prince saka tumangu-tango. "Pwede ko ba siyang puntahan? Pwede ko ba siyang makita?"

Tumingin ang doktor sa relo niya. "Tapos na kasi ang visiting hours pero sige, hahayaan kitang silipin siya sandali. Maya-maya, ililipat na rin siya sa ibang kwarto, bawal na ang dalaw. Hayaan mo na rin muna siyang magpahinga."

Tumango lang muli si Prince. "Naiintindihan ko po, doc, salamat."

"Okay," anang doktor saka tinapik ang balikat ni Prince at nag-umpisang maglakad palayo.

Agad na pumasok si Prince sa emergency room

Inabutan niya si Cindy na natutulog sa gitna ng makitid na kama. May naka-tape na gasa sa kaliwa nitong noo ngunit wala namang anumang aparatong nakakabit rito. Mabuti naman.

The Wicked CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon