"Pare, kalawang na kalawang ka na ah?"
"Yan, puro babae kasi inaatupag mo eh."
Panay ang kantiyaw na nakuha ni Prince sa mga teammates niya matapos ang 30-minute game nila.
Sa halip inumin, ibinuhos ni Prince ang kalahating laman ng boteng hawak niya.
"Hoy, bawal maligo rito," saway sa kanya ni Ivan.
Bumuntong-hininga si Prince. "Edi ima-mop ko mamaya!"
"Mop-mop ka dyan! Baka mamaya magpaalam ka na naman dahil hinahanap ka ni Miss Shin!"
"Hindi yan!" nangingiting sabi ni Prince bago ininom ang natitira niyang tubig. "Good mood yun ngayon eh."
"Talaga?" ang tila di makapaniwalang tugon ni Ivan. "Astig ah. Balita ko umiyak daw siya nung Acquaintance Party eh, dahil sa break up nila nung Zach? Pero okay na siya ngayon."
"Oo, okay na siya," ang malamig na tugon ni Prince.
Napatingin tuloy si Ivan sa kanya. Kitang-kita nito ang nakakunot na noo ng kaibigan.
He added, "Tama lang na naghiwalay na sila. Hindi naman sila bagay ng gagong yun eh."
Tumangu-tango na lang si Ivan. Hindi naman na nagsalita pa si Prince. Maya-maya pa ay naramdaman niya ang presensya ng isang taong nakamasid sa kanila mula sa di-kalayuan.
Napatingin siya sa direksyon ng taong iyon at nakita niya si Stephanie. Nakatayo ito malapit sa malaking pinto ng gym, hindi iyon kalayuan mula sa kinatatayuan niya.
Hindi siya nagsalita. Nakipagtitigan lang siya sa tahimik lang ding dalaga. Sa kabila ng distansya nila, kita niya ang pagsusumamo sa mga mata nito.
Napansin ni Ivan ang pagkakapako ng mga mata ni Prince sa pinto ng gym kaya napatingin rin siya doon. "O, may bisita ka pala? O sundo mo ba yan?"
Sandaling binalingan ni Prince si Ivan, "Pare, saglit lang ah? May kakausapin lang ako."
"Sige lang pre. Basta bumalik ka at may ima-mop ka pang sahig!" biro na naman ni Ivan na hindi na nagawang patulan ni Prince. Naglakad na kasi siya palapit kay Stephanie.
Laking gulat na nga lang ni Ivan nang makita ang kakaibang pakikitungo ng kaibigan niya sa bisita nito. Basta na lang kasing hinawakan ni Prince si Stephanie sa braso at hinigit palayo.
"Ah—aray!" reklamo ni Stephanie ngunit panay naman ang pagpapakaladkad niya sa binata. "Prince... nasasaktan ako!"
Lumiko sila papasok sa isang silid na di-kalayuan sa gym. Iyon ang locker room ng mga varsity player ng Waltz Academy. Isinara ni Prince ang pinto ng locker room saka marahas na binitawan ang ngayo'y namumula nang braso ni Stephanie. Maikli ang manggas ng uniporme ni Stephanie kaya kitang-kita ang bakas ng kamay ni Prince sa maputi niyang braso.
Halos itulak siya ni Prince kaya tumama nang bahagya ang likod niya sa isa sa dalawang naglalakihang locker-cabinet sa kwarto. Nasaktan si Stephanie sa nangyari ngunit hindi siya umimik. Napahawak na lang siya sa likod ng kaliwang balikat niya. Hindi naman siguro sinadya ni Prince ang itulak siya sa locker na iyon, sa isip-isip niya. Kahit kailan kasi ay hindi siya nito pinagbuhatan ng kamay.
Kagat-kagat ni Stephanie ang mga labi niya, para bang pinipigilan niya ang sariling makaramdam ng sakit. Sa wakas ay napansin iyon ni Prince. Nang matanto ng binata kung anong nagawa niya, nasapo na lang niya ang ulo niya. Napasabunot pa siya sa sariling buhok pagkatapos.
"I'm sorry."
Umiling si Stephanie, "O-Okay lang. Okay lang ako."
"Ano ba kasing kailangan mo?" ang malamig niyang tugon pagkatapos.
Agad napatingin si Stephanie kay Prince. Nakalinga naman ito sa ibang direksyon, nakapamaywang at tila naiinip na.
"My Prince..."
"Don't call me that."
"Pero—"
"Stephanie," putol niya sa sinasabi ng dalaga sabay harap dito. "Wala na tayo. Alam mo yan."
Napayuko na lang si Stephanie. Natutop niya pa ang sarado niyang bibig gamit ang likod ng kanan niyang palad.
"Stephanie please, tanggapin mo na lang. Wag mo nang pahirapan pa ang sarili mo."
Tuluyan nang napaluha si Stephanie. Mahal na mahal niya talaga si Prince at ayaw niya itong mawala.
Muling bumuntong-hininga si Prince. "I'm sorry. I'm really sorry, Stephanie. Pero hanggang dito na lang talaga tayo."
Matapos sabihin iyon ay tinalikuran na ni Prince ang umiiyak pa ring babae. Kahit ayaw niyang nakakakita ng babaeng umiiyak, wala na siyang magagawa. Hindi niya maaaring aluhin ito. Ayaw niya itong paasahin sa wala.
Hindi niya mahal si Stephanie. Sinubukan niya, pinilit niya ang sarili niya. Pero hindi niya magawa. Kahit paano niyang itulak ang sarili sa dalaga, hindi niya ito magawang mahalin.
Minahal si Stephanie? Isa lang iyong malaking kasinungalingan. Same goes for all his exes.
"My Prince!" habol ng makulit na babae. Niyakap niya pa si Prince mula sa likod para pigilan itong humakbang. "Wag mong gawin sa'kin 'to, please? Wag mo 'kong iwan! Hindi ko kaya."
Hindi sigurado ni Prince kung pang-ilang buntong-hininga na ang pinawalan niya. Hinawakan niya ang kamay ni Stephanie. Aalisin niya sana ito. Pero lalong hinigpitan ni Stephanie ang yakap sa kanya.
"Stephanie, stop. Stop it. Tama na."
"Ayoko!" umiiyak na sabi ni Stephanie. "Ayokong mawala ka. Hindi ko kaya. Mamamatay ako, Prince! Magpapakamatay ako pag iniwan mo 'ko!"
Naipikit na lang ni Prince ang kanyang mga mata. Heto na naman si Stephanie at ang mga pagbabanta nito sa sariling buhay.
Pilit na kumalas si Prince sa yakap ng dalaga sabay harap dito. Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat.
"Stephanie, ano ka ba? Hindi mo ba naiintindihang sa ginagawa mo, lalo mo lang pinapahirapan ang sarili mo?"
"Prince, mahal kita. Mahal na mahal kita. Balikan mo na lang kasi ako."
Pag-iling lang ang nagawa ni Prince. "Sorry. Hindi pwede."
"Bakit hindi?"
"Wag na. Ikaw lang din ang mahihirapan. Kaya wag na."
"Prince, hindi. Okay lang. Okay lang ako. Kahit itago na lang natin yung relasyon natin. Kahit hindi kita palaging kasama. Kahit si Cindy yung palagi mong unahin, okay lang. Hindi na 'ko magseselos o magrereklamo. Makukuntento na 'ko basta akin ka. Kaya please, balikan mo na 'ko."
Umiling lang ulit si Prince. Hindi siya pwedeng pumayag sa gusto nito. Pag nalaman pa iyon ni Cindy, paniguradong mag-aaway na naman sila.
"Stephanie... alam mo, walang pupuntahan 'tong usapang 'to. Hindi ka naman marunong makinig eh!"
Tinalikuran na ni Prince si Stephanie at nagdiretso sa saradong pinto. Pagkabukas na pagkabukas niya ng pinto, humakbang na siya palabas ng locker room.
Sa paglabas niya sa silid na iyon, nakasalubong naman niya ang isang pamilyar na lalaki—si Zach. May malaki itong pasa sa kaliwang pisngi, maraming galos at gasgas sa magkabilang mga braso at may saklay na gamit.
Masama ang tingin nito sa kanya. Parang anumang oras, kahit iika-ika pa itong maglakad, ay handa itong sugurin at gantihan siya, bagay na agad nga nitong ginawa, dahilan naman para mapasigaw si Stephanie.
BINABASA MO ANG
The Wicked Cinderella
Romance[BOOK 1, completed, unedited] Wala raw permanente sa mundo kundi pagbabago. Siya na ngayon ang malupit na kontrabida habang ang dapat sana'y magiting na prinsipe niya ay parang aso na lamang na sunod nang sunod sa lahat ng gusto niya. Sounds weird...