Original Story by TOYANTZ
Prologue..
Umalingawngaw ang tunog ng alarm clock..
Kahit na sinong tao na may normal na pagtulog ay magigising sa lakas ng pagngawa nito..
Pero ibahin natin si Darius..
Eksperto sya sa lahat ng sikreto ng pagtulog..
Di lang pagkain ang mahigpit nyang pinag aralan..
Pati pagtulog ay na-master na nya..Nakanganga pa syang natutulog at tumutulo ang laway sa gilid ng bibig..
Nakataas ang damit pantulog at lantad ang bilugang tyan kung saan nya inaaruga ang kanyang mga sawa..
Ilang saglit pa ay pabalagbag na bumukas ang pinto..
Dali daling nilapitan ni ama nyang si Denzel ang nasabing alarm clock para wakasan na ang pagiingay nito..
Pupungas pungas ding sumunod si Annette..
Nakaroba pa at nagmamadaling nilapitan ang kabiyak.."For God's sake Honey.. Di ko na alam kung saan mo pinaglihi itong anak mo.. Ni hindi man lang apektado sa alarm clock nya samantalang baka nagising na natin yung mga security ng subdivision sa lakas ng alarm.. " napapailing na sabi ni Denzel.
Napabungisngis si Annette.."Hayaan mo na ang anak mo.. Look at him.. He's so cute.. " masuyong kinumutan ni Annette ang anak..
Napangisi si Denzel..
"Mana saken eh.. " pagyayabang nya..
Natawa si Annette..
"Yes Hon.. Pero di lang yung kagwapuhan nya ang namana nya.. Pati yung lakas mo sa pagkain. " biro nya..
Natawa na din si Denzel at umikot sa gilid ng natutulog na anak.."Sleep pa tayo Hon.. Masyado pang maaga.. Teka nga.. Bakit ba nag alarm yang anak mo ng ganitong oras ?.. It's only past 3 in the morning.. " nahihiwagaang sabi ng ama..
Maging si Annette ay nagtaka.."I don't know either.. Let's ask him when he woke up.. Hmm.. " niyakap nya ang matabang anak.
Ngumiti na lang si Denzel at nagkibit balikat..
Hinalikan nya ang noo ng kabiyak pagkuwa'y ang anak sabay pumikit na rin at natulog..Ilang saglit pa ay biglang nagising si Darius..
BINABASA MO ANG
Kwadro Alas - Ace of Diamonds
Teen FictionAng Kwadro alas ay binubuo ng apat na binata. Pawang galing sa makapangyarihan at mayayamang angkan. Lahat Gwapo at Siraulo pero sa kabila nito pamilya ang turing nila sa isa't isa. Mabigat at sagrado para sa kanila ang salitang RESPETO. Walang iwan...