Chapter 13 - Like Father, Like Son

14.8K 161 4
                                    

Chapter 13 - Like Father, Like Son

Mainit ang sikat ng araw..

Alas otso ng umaga..

Araw ng linggo nuon..

Kasama ang mga kaibigan ng mga ama..

Ginawa nila ang isa sa mga weekly bonding ng pamilya..

5 on 5 ang laban..

Sa isang team..

Ang mag amang Aldrin at Nestor, Kasama ang Mag amang Rhoi at Vincent .. Pang lima nila si Rigor na long time friend ng mga ama..

Sa kabila naman ay ang mag aamang Primo - Romeo at Denzel - Darius.. Sentro nila ang nag iisang anak ni Rigor na si Danilo Dimagiba.. Kaibigan din ng Kwadro Alas..

Sumipol si Gustavo na tumatayong epal sa laro..

"Okay.. Jumpball !.. " sigaw nya..

Nagkamay muna silang lahat bago magsimula..

Pumwesto sa gitna ang mag amang Rigor at Danilo..

Napangiti sa isa't isa..

"Talunin mo yan Kuya Dan !.. " pag cheer ni Romeo sa kaibigan..

Napangisi si Danilo..

Alam nya ang kapasidad ng ama..

Napangisi din si Rigor..

Halos singtangkad na nya ang anak..

Sa batang edad nitong katorse, alam na alam nya ang lakas nito sa pagtalon..

Sa bahay nila sa kabilang subdivision, mayroon din silang mini court..

At taon taon, sinusukat ni Danilo ang taas nito sa pagtalon..

Pataas ng pataas bawat taon.. Kaya alam nya na hindi sya mananalo dito..

Yun ay kung patas ang laban..

Bata pa ang anak nya..

Lalo syang napangisi..

"Tatay.. Pasensya na lang muna.. Kami ang mananalo.. " kampanteng sabi ni Danilo sa ama..

"KDOT .. " landi ni Rigor..

Nagtawanan sila..

Lumapit si Gustavo hawak ang bola..

"Okay, Team Di - Naliligo laban sa Team Di - Nagtotoothbrush.. Are you ready guys ?.. " biro nya..

Lalong silang nagtawanan..

"But before anything else.. I would like to thank Dr. Jose Rizal, para sa slogan na "Ang Kabataan ay ang Pag asa ng Bayan", kaya marami sa ngayong panahon ang gumagawa ng bata.. Sa ina at ama ng Demokrasya, dahil kung di dahil sa kanila.. May curfew pa rin ngayon na hanggang 10 PM lang sa kalye.. Ang hassle kaya non. And ofcourse, makakalimutan ko ba naman ang gwapong gwapo at walang kapantay sa kabaitan na si Toyantz.. Kung di dahil sa kanya.. Di mangyayari ang event na ito.. Kung di sya nantrip na isulat tayo.. Malamang.. Oh shet, naiiyak ako.. " naglabas si Gustavo ng eye-mo at pinahiran ang gilid ng magkabilang mata..

Nakatikim sya ng batok sa mga kaibigan..

"Arte pota.. " reklamo ni Rigor..

"Tangnang to.. Extra na nga lang tayo dito tapos di ko pa hahabaan ang linya ko.. " katwiran ni Gustavo..

Napaisip din ang kapre..

"Sabagay.. May point ka friendship.. " sagot nya at nag apir sila..

Tawanan again..

Kwadro Alas - Ace of DiamondsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon