Chapter 22 - Sadness
Mabilis na lumipas ang panahon.
3rd year high school na ang Kwadro Alas kasama pa rin sina Krissia at Dannica.
Naging mas popular sila sa bawat sulok ng paaralan pati na sa mga kalapit na schools.
..
Ang pag riring ng cellphone ang gumising kay Dannica ng umagang iyon.
Nakapikit pa ang kanyang mga mata habang kinakapa ito sa paligid ng kanyang hinihigaan.
"Helloo.." garalgal na sagot ni Ekang.
Ngunit nanatiling walang sagot sa kabilang linya.
Napadilat ang dalaga.
Sinulyapan nya ang phone at napasimangot ng makitang unregistered number na naman ito.
"Randy? , for God's sake, anu na naman to ?. " tanong nya.
Pero wala pa ring sumasagot.
"Kapag hindi ka nagsalita within 5 seconds, i'll block you from my phone. " banta nya.
Ngunit wala pa rin.
"5 , 4 , 3 , 2, 1 !, that's it. Bye !. " asar na sabi ni Ekang.
Akmang ibababa na nya ang phone ng may marinig syang bulong.
"B-baby. " garalgal na boses ng lalaki ang nasa kabilang linya.
Napakunot ang noo ni Ekang.
"Baby ?, who are you ?. " tanong nya.
Pero di pa rin nagsalita ang lalaki.
Pilit na tinandaan ni Ekang ang boses dahil parang pamilyar sa kanya.
Hanggang sa matulala sya ng maalala ang nag iisang taong tumatawag sa kanya ng "Baby".
Mabilis nyang binalik ang phone sa tenga.
"D-dad ?, is that you?, Daddy !.. Please Dad answer me !. " sigaw nya.
Natawa ng mahina ang nasa kabilang linya.
"I still love you baby, no matter what. Please take care of yourself and you mother. We will see each other soon. Forgive me. " sabi ng nasa kabila.
Naiyak si Ekang.
"Daddy !, please !, umuwi na po kayo.. I terribly missed you !. " sigaw nya para maawa ang ama.
Alam ni Dannica sa sarili na ang ama ang nasa kabilang linya.
"Daddy !.. " pagtawag ni Ekang.
"S-sorry baby, di pa pwede. Always remember that you're my only baby. I love you so much !. " sabi ng lalaki at namatay na ang tawag.
Iyak ng iyak si Ekang.
Akala nya ay pinabayaan na sya ng ama.
Pero mukhang may problema ito, base sa tinig ng ama, nahihirapan din ito. Pero bakit ayaw nitong umuwi na lang sa bahay nila at alagaan sila ng kanyang mommy.
Sari saring emosyon ang nararamdaman ni Ekang ng mga oras na iyon.
Masaya sya at malungkot at the same time.
Masaya dahil tumawag ang ama.
Malungkot dahil hindi nito sinabi kung bakit di pa ito pwedeng umuwi.
..
Tahimik na nag aalmusal ang mag ina.
Iniisip pa rin ni Ekang ang ginawang pag tawag ng ama.
BINABASA MO ANG
Kwadro Alas - Ace of Diamonds
Teen FictionAng Kwadro alas ay binubuo ng apat na binata. Pawang galing sa makapangyarihan at mayayamang angkan. Lahat Gwapo at Siraulo pero sa kabila nito pamilya ang turing nila sa isa't isa. Mabigat at sagrado para sa kanila ang salitang RESPETO. Walang iwan...