Chapter 25 - Textmate

13.7K 171 11
                                    

Chapter 25 -      Textmate

Sabik na binuksan ni Darius ang bagong cellphone.

Binuksan nya ang lumang cp at kinuha ang sim.

Bumukas ang pinto at pumasok ang kanyang ina.

..

"Nak, kamusta ang bagong phone ?. " nakangiting tanong ni Annette.

Napangisi si Darius at nag thumbs up.

"Aztig ka talaga Mom. " sabi nya.

Lumapit si Annette sa drawer ng anak at binuksan ito.

..

"Anak, ang gulo gulo ng damitan mo. Teka ano to ?. " tanong ng ina.

Napatingin si Darius at biglang nanlaki ang kanyang mga mata.

Mabilis syang tumalon mula sa kama at dinamba ang hawak ng ina.

Di nya napansin na tumalsik ang simcard nya sa kung saan.

..

"Mom, wait. " agaw ni Darius.

Nagtaka si Annette.

"Ano ba yan anak ?. " tanong nya.

Umiling si Darius.

"W-wala po. " sabi nya.

Pero di kumbinsido ang ina.

Nilahad nya ang kamay at tinaas ang isang kilay.

"Patingin nga." sabi ni Annette.

Pero umiling si Darius at tinago ang hawak.

"W-wala nga po ito. " nakangiting sabi nya.

Tumango si Annette. Pinalungkot ang mukha.

"May secret ka na sa Mommy. Di mo na ata ako love. " tampong sabi nya.

Napahinga ng malalim si Tabar.

Di nya kayang tiisin ang ina kapag ganitong nagpapacute sa kanya.

Kaya kahit na nahihiya, nilabas nya ang hawak.

Pinakita ito sa ina.

..

Napangiti si Annette at tinanggap ang inabot ng anak.

Umupo sya sa kama at tiningnan kung ano ba itong tinatago ni Darius.

..

Tahimik namang naupo si Tabar sa tabi ng ina..

Ilang saglit lang, napangiti si Annette.

"You have a diary ?, oowwww.. Sweet ng baby ko.. " gigil na pinisil ni Annette ang pisngi ng anak.

Napasimangot si Tabar.

"Wag nyong ipagsasabi kahit kanino Mom. " banta nya.

Natawa si Annette.

"Sa Dad mo. " sabi nya.

Pero nagkandailing si Tabar.

"Noo !!, lolokohin lang po ako ni Dad eh. " reklamo nya.

Napabungisngis si Annette at sinara ang diary.

Niyakap nya ang anak ng mahigpit.

"It's not bad to have a diary anak. Ako nga, naka 10 plus na ata akong diaries. It's fun actually, you are keeping important memories. You wrote them down para kahit na makalimutan mo man yon, maaalala mo pa rin balang araw when you look at your diary. " paliwanag nya.

Kwadro Alas - Ace of DiamondsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon