Chapter 9 - 1 Inch
Nakangiting bumaba ng hagdan si Dannica..
Di nya maiwasang kiligin kapag naiisip ang sitwasyon nila kanina ng binatilyo..
Parang kinikiliti ang imahinasyon nya sa isiping kanina pa pinagmamasdan ni Darius ang larawan nya..
Tila gumaan ang pakiramdam nya..
Masigla syang nagtungo sa kusina upang ipaghanda ito ng makakakain..
Naabutan nya pang nag aalmusal ang mga kasambahay ..
"Ate .. Pahanda naman po ako ng breakfast.. " nakangiting pakiusap ni Dannica..
Natigil ang dalawa sa pagsubo at nagkatinginan..
"Di ba katatapos mo lang ?.. " tanong ni Aling Miding..
Napahinto si Ekang..
Oo nga pala..
Katatapos lang nilang mag almusal ng kanyang ina..
Napangiwi sya at mabilis na pinagana ang utak..
"A-ah.. B-babaunin ko na lang po.. P-parang kulang kasi yung kinain ko kanina.. " pagdadahilan nya..
Muling nagkatinginan ang dalawang kasambahay..
"Himala.. Dati rati nagkakasya ka na sa isang papaya at hotdog.. Pero mukhang ginaganahan kang kumain ah.. Sige iha saglit lang ha?.. " nakangiting sabi ni Aling Miding..
Tumango si Ekang at naupo sa katapat na upuan ni Cely na pamangkin ni Aling Miding..
Nakatingin ito sa kanya..
Tila nagtataka.
"Oh bakit parang di ka makapaniwala ?. " nakangiting tanong ni Ekang..
Napangiti din si Cely..
"Di naman.. Nabigla lang ako.. Mula ng mamasukan ako dito sa inyo.. Bihira lang kitang nakitang kumain ng marami sa almusal.. " puna nito.
Nagkibit balikat si Ekang..
"Di ko nga po alam pero nagugutom ako.. " katwiran nya.
Di na lang ito pinansin ng kasambahay at pinagpatuloy na ang pagkain..
Lumapit si Aling Miding..
"Ilalagay ko na sa lunch box mo iha.. " sabi nito..
Tumango si Ekang..
"Palagay na rin po ng juice Ate.. " sabi nya..
Tumango si Aling Miding at mabilis na kumilos..
Ilang saglit pa ay naisilid na nito sa baunan ang mga pagkain..
Inabot nito sa dalagita ang lalagyan..
"Oh di ka pa ba magbibihis ?.. " tanong nito..
Natigilan si Ekang..
Oo nga pala..
May pasok pa sya..
Pero paano na si Darius ?..
"S-sige po ate.. " paalam ni Ekang sa mga kasambahay..
Dala ang almusal para sa binatilyo..
Tinungo nyang muli ang kwarto..
Sinipa nya ang dalawang beses ang pinto..
Pero walang tugon mula sa loob..
Nagtaka si Ekang..
Pasimple syang tumingin sa bukana ng hagdan para siguruhing walang tao..
"Joweebee !.. " impit na bulong ni Ekang..
Ngunit wala paring kasagutan mula sa loob..
Nakaramdam ng kaba ang dalagita..
Dahan dahan nyang binaba ang mga hawak bago pinihit ang seradura ng pinto..
Muli nyang kinuha ang mga pagkain at pumasok sa loob..
"Kaya naman pala.. " nangingiting sabi ni Ekang..
Nakahilata si Darius sa kama nya..
Mukhang nakatulog na ito sa kahihintay sa kanya..
Napangiti si Dannica..
Lumapit sya sa side table at binaba ang mga dala..
Sinulyapan nya si Darius na tahimik na nakahiga sa kama at nakapikit ang mga mata.
"Nakatulog ka Joweebee ah.. " bungisngis ni Ekang..
Kampanteng nakapikit ang mga mata ng binata at normal na nag tataas baba ang tyan nito..
Tanda ng himbing na pagtulog..
"Ang cute mo talaga Joweebee.. " bulong ni Ekang..
Pinagmasdan nya ang himbing na pagtulog ng binatilyo.
"You have matabang pisngi.. Small nose .. Makinis na kutis.. All in all you are handsome .. " tila wala sa loob na puri nya..
Di maiwasang mabatubalani ni Ekang..
Dahan dahang umangat ang kanang kamay nya para haplusin ang mukha nito..
Hanggang sa matauhan si Ekang at mabilis na binawi ang kamay..
Mabilis syang tumayo..
Ramdam nya ang pag iinit ng mga pisngi..
"Ano ba tong ginagawa ko ?.. " bulong nya..
Naglakad lakad sya sa paligid..
"Control Dannica.. Control... " pagkumbinsi nya sa sarili..
Huminga sya ng malalim hanggang pigilan ang unti unting bumibilis na tibok ng puso..
"My heart.. Please relax.. Inhale .. Eeeeexxxhhaaaalllleeee.. " nag stretch pa si Ekang..
Pero halos mapatili sya ng gumalaw si Darius..
Tumalikod sa kanya ang binatilyo..
Tila naging bato si Ekang ng ilang segundo..
Dahan dahan syang lumapit sa kaibigan..
"Darius ?.. " bulong na paggising ni Ekang..
Di sumagot ang binatilyo kaya nakahinga sya ng maluwag..
"Phew.. Kala ko nagising na.. Dyan ka na nga muna at maliligo lang ako.. " sabi ni Ekang..
Pumasok sya ng closet at mabilis na lumabas ulit dala ang mga gagamitin..
Sinulyapan nya lang ang nakatalikod pa ring binatilyo bago pumasok ng banyo para maligo..
Sa kabilang dako..
Tahimik na nakatalikod ang binatilyo..
Rinig sa buong kwarto ang marahang pagsara ng isang pinto.
Biglang dumilat ang isang mata ni Darius.
Di nya maiwasang mapangiti sa mga narinig.
Di naman talaga sya tulog..
Nag iisip lamang sya kanina kung paano pumayag ang kanyang Mommy na hindi sya sa bahay natulog ..
Ng biglang nakarinig sya ng dalawang beses na pagdabog sa pinto.
Kasunod noon ay ang marahang pagtawag ni Ekang sa pangalan nya.
Nuong una balak nyang gulatin ang dalagita ...
Kaya nagpasya syang mag tulug tulugan na muna pansamantala.
Ang hindi nya inaasahan ay ang mga sinabi nito.
Pabor naman lahat sa kanya.
Matagal na rin nyang alam na may lihim na pagtingin sa kanya ang kaibigan.
Pero nabigla pa rin sya sa mga narinig..
Bagama't hindi nito direktang sinabi na may gusto ito sa kanya..
Sapat na ang mga salitang binitawan nito para makumpirma ang matagal na nilang hinala..
Dahan dahan syang naupo at sumandal sa headrest ng kama..
Napapangiti pa rin sya .
Napatingin sya sa mga pagkaing dala nito..
Napasimangot...
"Hotdog at Tinapay lang ?.. Ano ba to miryenda ?.. " reklamo nya sa isip.
Mabilis nyang sinaksak sa bibig ang nasabing mga pagkain ..
Pagkatapos ay buong kasiglahang nginuya at dinampot ang isang baso ng orange juice..
Inilang lagok lamang ito.
"Nak ng teteng.. Panis ang breakfast nila dito..Parang hindi ako gaganahang gumalaw kapag ganito ng ganito araw araw ang kakainin ko sa almusal.. " reklamo nya..
Bumaba sa mula sa kama si Darius..
Naglakad lakad sya sa paligid ng marinig ang mabining pag awit..
Nagmumula ito sa banyo kaya mabilis syang lumapit at nilapat ang tenga sa pinto..
"Mahaaalll kitaa... Basta't mahal kita.. Paniwalaan mo sana ako sinta.. !.. " masiglang pag awit mula sa loob ng banyo..
Napahagikgik si Darius..
"Mahal kita.. Walang ibaaa.. Sa puso ko'y walang katulad mo... Mahal ko.. Hoo hooo... " biglang banat ni Darius..
Natigil ang pag awit sa loob..
Napahinto si Darius at napatakip sa bibig..
"Patay.. " wala sa loob na bulalas nya..
Mabilis nyang pinagana ang isip..
Yari sya kay Ekang kapag nagkataong malaman nito na nagtutulug tulugan lamang sya..
Dali dali syang tumakbo patungo sa kama at binalik ang dating pwesto nya bago pumasok ng banyo ang dalagita..
Siguradong magmamadali itong tapusin ang paliligo ..
Di nga sya nagkamali.
Ilang minuto ang lumipas..
Narinig nyang bumukas ang pinto at sumara ng malakas.
Napaigtad si Darius..
Napangiwi ng lihim at pilit na pumikit..
Rinig nya ang mararahang yabag..
Ilang saglit muna ang lumipas.
Bago nagsalita ang dalagita..
"Joweebee.. Gising ka kanina pa no ?.. " marahang tanong nito..
Pinili ni Darius na huwag sumagot dahil siguradong mapapahiya ang dalagita oras na malaman nito na narinig nya ang ginawa nitong pagsamba sa kagwapuhan nya..
Huminga ng malalim si Ekang at inulit ang tanong..
"Darius.. I know kanina ka pa gising.. Come on.. " sabi nya..
Pinalungkot nya ang boses baka sakaling tablan ang binatilyo..
Napadilat si Darius ng mahimigan ang pagtatampo sa boses ni Ekang..
Kaya nagkunwari syang kagigising lang..
Nag-inat pa sya kunwari..
"Aahhhhh.. Uy.. Andyan ka pala.." nagpunas pa kunwari sya ng muta..
Ngumiti si Ekang ng matamis.
"Kakagising mo lang ?.. " tanong nya sa binatilyo..
Tumango si Darius.
"Hellooo.. Obvious ba ?.. Look mo nga oh.. Hmmm.. " naghikab pa sya para kumpleto ang effects..
Pero unti unting sumimangot si Ekang .
"Talaga ?.. Anong mga narinig mo ?.. " tanong nya..
Ang paghikab ni Darius at nahinto sa tanong ng dalagita..
Tumawa sya ng plastik..
"Ano ba namang tanong yan ?.. Tulog nga eh.. Kakagising ko lang po.. " palusot nya..
Pero di kumbinsido ang dalagita..
"Sure ka ba talaga ?.. " muling tanong nito..
Pinaikot pa ni Darius ang mga mata nya..
Biglang sinabunutan ni Ekang ang binatilyo..
"Liar !.. " gigil na sabi nya..
Nagtatakang umiwas si Darius..
"Anong sinasabi mo ?.. " takang tanong nya..
Sumimangot si Ekang..
"Kakagising mo lang ?.." tanong nya ulit..
Tumango si Darius..
"Oo nga .. Ang kulit nito.. " sabi nya..
Pero tinuro ni Ekang ang mga plato..
"Eh sinong kumain nyan ?.. Multo ?.. " nandidilat na sabi nya..
Natulala si Darius..
Ang gagawin sana nyang paghikab ay nauwi sa pag ubo ..
Hanggang sa mauwi sa ngiwi..
"B-baka mumu.. " palusot nya..
Pero napatalon sya mula sa kama ng sugurin ng kurot ni Ekang..
Naghabulan sila paikot ng kama hanggang sa mapagod at parehong mahiga na lang ..
Nauwi sa tawanan ang paghaharutan nila..
Huminga ng malalim si Ekang ..
Nahihiya sya sa sarili..
Dahil sa mga sinabi nya..
"Narinig mo ba ?.. " nahihiyang tanong ni Ekang..
Ngumiti si Darius..
"Alin ba kasi ?.. " tanong nya..
Napanguso ang dalagita..
"Hmmp !.. Yung sinabi ko sayo nung tulog tulugan ka !.. " sigaw nya..
Natawa ang binatilyo at umiling..
"Yung pangit na boses mo lang narinig ko.. Bakit ?.. May iba ka pa bang ginawa sakin nung tulog ako ?.. " tanong nya..
Nagtaka si Ekang..
"Kelan ka ba nagising ?.. " tanong nya.
Ngumiti si Darius..
"Nung narinig ko yung pagsara ng pinyo ng banyo mo.. Bakit ?.. Ano bang ginawa mo ?.. " pagsisinungaling nya..
Naisip nya na huwag ng sabihin kay Ekang ang mga narinig para di mapahiya ang dalagita..
.
Tinantya ni Dannica ang sinabi ng binatilyo..
Naupo sya sa kama at sumandal sa headrest..
Tinitigan nya ang nakahigang binatilyo sa tabi nya..
"Di mo narinig ?.. " tanong ni Ekang..
Umiling si Darius..
"Ano ba yon ?.. Sabihin mo na ?.. Siguro sabi mo sakin I love you no ?.. " biro nya..
Namula ang mga pisngi ni Ekang..
"Muntik na nga eh . " sabi nya sa isip..
Tumawa na lang sya at pinalo ang braso nito..
Ilang saglit silang nakatulala sa kawalan ng basagin ng pagkalam ng tyan ni Darius ang katahimikan..
Nagkatinginan pa sila at sabay na natawa sa isa't isa..
"Grabe.. Andami na nga nung pagkain na hinanda ko sayo tapos gutom ka pa rin ?.. " tanong ni Ekang..
Napasimangot si Darius..
"Pagkain na pala tawag don ?.. Eh kakarampot eh.. " sabi nya..
Natawa si Ekang..
"Ay oo nga pala.. I forgot na iba pala ang appettite mo.. Sakin kasi marami na yon eh.. " sabi nya..
Napatayo si Darius at ginaya ang pagsandal ni Ekang..
Tinitigan nya ang kaibigan..
Nakaramdam ng pagkailang ang dalagita at sinaway ang binatilyo..
"Wag mo nga akong titigan.. " nahihiyang sabi nya..
Ngumiti si Darius at pinisil ang braso ni Ekang na ikinabigla nito..
"Kaya pala payatot ka eh.. " biro nya..
Napahinto si Ekang..
Unti unti syang napasimangot at mabilis na binawi ang braso sa binatilyo..
"Hmmp !.. " asar na sabi nya.
Natawa si Darius..
"Ganyan lang ba kinakain mo ?.. " tanong nya..
Asar na tumango ang dalagita..
"Di naman masama yon.. Pero sa tingin ko kulang yun eh.. Kung miryenda nga kulang din yon.. Tapos almusal pa ?.. Eh breakfast is the most important meal of the day.. " sabi nya ..
Umirap si Ekang..
"Eh sa konti lang akong mag almusal eh.. Pake mo ba ?.. " tanong nya..
Napangiti si Darius..
"Wala lang..Gaganda ka kung tataba ka ng konti.. " sabi nya..
Lalong nagsimangot si Ekang..
"Eh di inamin mo na rin na pangit ako ?.. " tampong sabi nya..
Umiling si Darius..
"Di no.. Ang gusto ko lang sabihin ay mas maganda ka kapag medyo magkalaman ka pa ng konti.. " sabi nya..
Napangiti ng lihim si Ekang sa sinabi ng binatilyo..
Pero di nya ito pinahalata..
Napanguso pa rin sya..
"Basta.. Anong magagawa ko kung kaunti ako kumain ?.. Sabi nung iba dapat daw maaga pa lang kontrolado mo na ang diet mo .. " katwiran nya..
Napailing si Darius..
"Ganyan din sabi ng iba kong kakilala.. Pero nalaman ko na masama pala ang mag diet.. Self Deprivation lang daw yon sabi ng kakilala ko. . " sabi nya..
Nacurious si Ekang.
"Sinong kakilala ?.." tanong nya..
"Basta.. Itago na lang natin sya sa codename na spades.. " landi nya.
Natawa si Dannica..
"Baliw yon no ?.. " biro nya..
Tumango si Darius..
"Tama.. Siraulo yon.. Pero maasahan.. May utang pa pala ako sa kanya.. " sabi nya..
Tumango din si Dannica..
Napakunot ang noo ni Darius ng maalala ang kinaroroonan..
"Hey Ekang.. Anong sabi ni Mommy nung pinaalam nyo na dito ako matutulog ?.. " tanong nya..
Ngumiti si Ekang at umiling..
"Hindi nila alam na nandito ka .. " sabi nya..
Nagtaka si Darius..
"H-ha ?.. Di papayag si Mommy na sa ibang bahay ako matutulog unless na ipagpaalam nyo ako .. " sabi nya..
Tumango si Ekang..
"Tama.. Pinagpaalam ka nila.. " sabi nya..
Lalong nalito si Darius..
"Sabihin mo nga lahat lahat ng di ko alam.. " asar na sabi nya..
Natawa si Ekang ..
"Easy.. First.. Ang alam ng Mom mo ay sa bahay ka nina Rhoi matutulog.. Yun yung pinaalam nung tatlo sa Mom mo.. Hindi nila alam na nandito ka.. Kahit yung Mama ko hindi alam.. kahit mga kasambahay namin dito.. Tayong anim lang ang nakakaalam.. " kwento nya..
Napanganga si Darius sa kabiglaan..
"H-ha ?.. Paano ako papasok ?.. Look at me oh. ? Ni hindi ko nga alam kung kanino itong T-Shirt na to.. " sabi nya..
Biglang lumatay ang lungkot sa mukha ni Ekang..
"That's my Papa's.. Naiwan nya yan nung umalis sya.. " sabi nya..
Napatingin si Darius sa dalagita..
Nahimigan nya ang lungkot sa boses nito..
Nuon lang din sumagi sa isip ni Darius ang isang tanong..
"N-nasan na ang Papa mo ?.. " tila nanantyang tanong nya.
Kitang kita ni Darius ang sakit na biglang dumaan sa mukha ni Ekang..
Nangilid ang mga luha sa gilid ng mga mata nito..
"H-he left me.. " mahinang pag amin nya.
Napalunok si Darius..
Di nya maintindihan ang nararamdaman..
Parang nagagalit sya sa ideyang lumuluha si Ekang sa harap nya..
Di nya napigilan ang sarili..
Umangat ang kanang kamay nya para pahirin ang tumulong luha sa kaliwang mata nito..
Napangiti si Ekang at nagpasalamat.
"Ssshhh.. It's okay to cry.. " bulong nya.
Di na sya nagdalawang isip..
Agad na bumalong ang luha sa mga mata ni Ekang..
Tuloy tuloy itong dumaloy pababa sa pisngi nya.
"I don't know his reasons.. S-siguro.. Hindi nya ako mahal .." tila isang malagim na bangungot ang nasabi nya..
Tahimik lamang si Darius..
Naalala nya ang sinabi ng ama sa mga oras na ganito..
Minsan daw kailangan talagang bumuhos ng luha..
Yun nga ang ginagawa nya..
Hinayaan nya si Ekang na ilabas ang naipong lungkot sa sistema nito.
Para kahit papaano ay gumaang ang nararamdama ng kaibigan.
Nuon lang napagtanto ni Darius na marami pa pala syang hindi nalalaman sa kaibigan..
Alam nyang kahiya hiya para dito ang kawalan ng ama..
Pero nais nyang iparamdam sa kaibigan na hindi ito dapat mahiya..
Nuon lang din naramdaman ni Darius ang kagustuhang makilala pa si Dannica ng lubos..
At magagawa lamang nya ito kung hindi na sya iiwas pa..
Ilang minuto ang lumipas..
Nahihiyang nagpunas ng luha si Ekang..
"S-sorry .. " sabi nya..
Pero umiling si Darius.
"It's okay... I admire you.. " sabi nya..
Natawa si Ekang at pinalo ng marahan ang braso ng binata..
"Wag mo na nga akong asarin.. " sabi nya..
Pero umiling si Darius..
"Really.. I admire you.. Ako.. Hirap akong ipakita sa iba na umiiyak ako.. Kasi baka isipin nila na mahina ako.. Pero ngayon ko lang napag isip isip na higit palang katapangan ang pag iyak sa harap ng iba.. Parang pagharap sa matagal mo ng kaaway.. Di ka natakot na ipakita ang nararamdaman mo.. Kaya humahanga ako sayo.." taos pusong sabi nya..
Natigilan si Ekang at napangiti..
"Wow ah.. San mo napulot yan ? .. " biro nya..
Ngumiti din si Darius..
"You are more beautiful when you're smiling.. " biglang banat nya..
Natulala si Ekang..
Natulala din si Darius..
Hanggang sa magkatitigan sila..
Tila may kung anong malakas na magnet ang nasa gitna nilang dalawa..
Hinahatak sila pareho upang lumapit..
Natulala na sila sa isa't isa..
Sa di malamang dahilan..
Tila may kung anong musika ang biglang pumailanlang para dagdagan pa ang romantikong aura ng paligid..
Sa parte ni Darius..
Parang may kung anong pwersa ang humahatak sa kanya..
Sa parte naman ni Dannica ay parang pangarap na malapit ng matupad..
Matagal na nyang gusto si Darius..
Sa panaginip lamang nya nararanasan ang ganito kaclose sa binatilyo..
Pero eto na nga..
Nasa harap nya ang kaibigan..
Ilang dipa ang layo ng mukha nito sa mukha nya..
Ramdam nya ang pagbilis ng tibok ng puso.
Biglang parang uminit ang paligid kahit na nakabukas ang aircon..
Di makapaniwala si Darius sa nararamdaman..
Gusto nyang hagkan si Ekang..
At iyon ang nakaambang mangyari kung hindi sya iiwas..
Lalo pang nagpuyos ang damdamin nya ng pumikit ang dalagita.
Napatingin sya sa maliit nitong labi na bahagyang nakabuka..
Hindi pa sya nakakahalik ng ibang babae bukod sa kanyang ina..
At mukhang eto na nga..
Samu't saring emosyon ang pareho nilang nararamdaman..
Ni hindi nila alam kung anong unang iisipin at aatupagin..
Hanggang sa pareho din nilang naisip na wala na silang pansinin..
Gawing blangko ang isipan..
At tanggapin ang nakaambang mangyari sa mga oras na iyon..
Napapikit na rin si Darius..
Gahibla na lamang ang distansya ng mga labi nila..
Halos ramdam na nila ang paghinga ng bawat isa..
Ng biglang tumunog ang cellphone ni Taba..
Nawala ang romantikong musika at napalitan ng tunog ng sumabog na bomba..
Napadilat ang dalawa..
Halos magtama na ang ilong nila..
Kumalas si Ekang at mabilis na tumayo.
Tumakbo sya sa banyo para itago ang pamumula ng pisngi..
Inis na nilabas ni Darius ang cellphone para tukuyin ang nag text..
Para lamang maasar ng makita ang pangalan ni Romeo.
Pero medyo nabahala sya..
Bihira lang mag text ang kaibigan nya..
Importante lamang ang sinasabi nito dahil sa katamaran nito.
Kaya paniguradong importante ang laman ng mensahe..
"Gud Am tol, papasa nga ng 2 pesos.. " sabi sa text..
Napasigaw si Darius sa sobrang inis..
"Yun lang ?.. Buwisitttt !!.. " gigil na sabi nya.
Napalabas si Ekang sa CR ..
"SSsshhh.. Wag kang maingay !.. " awat nya..
Nagtitigan sila.
Takbo ulit si Ekang sa loob ng banyo..
Inis na tumipa ng text si Darius..
"Hayup ka !.. Magkakafirst kiss na sana ako !.. Pakyyuuuuu.. !!!.. " gigil na sabi nya sa text..
Mabilis na nagreply si Romeo..
"Why tol ?.. Binati ka na nga ng Good Morning eh.. Unli kasi ako eh.. Azteg nga eh.. Pasahan mo nga ako ng dos tol para may silbi ka naman.. " text nito..
Gigil na nagpasa si Darius ng dalawang piso sa kaibigan ..
Muling nagreply si Romeo..
"Thanks tol.. Ambait mo talaga.. Muah !.. " sabi sa text..
Inis na nagreply si Darius..
"Bobo !.. Wag ka na magtext , sayang load.. " text nya..
Pero nagreply ulit si Romeo..
"Ok .. " sabi nito..
Sa inis..
Pinatay ni Darius ang cellphone at nahiga sa kama ..
Namawis bigla ang noo nya dahil sa tindi ng intensidad ng muntikan na nilang paghahalikan ni Ekang..
Napatingin sya sa banyo..
Sarado ito..
Siguro nahihiya ang dalagita na lumabas..
Di nya masisisi si Ekang dahil talagang maging sya ay nahihiya sa nangyari..
Pero nanghihinayang sya.
Sa di nya malamang dahilan..
Kinapa ni Darius ang bulsa para ilabas ang panyo.
Pinunasan nya ang noo at namamawis na ilong sabay silid ulit ng panyo sa bulsa..
Pero natigilan sya at muli itong nilabas..
"Bakit may panty dito ?.. " tanong nya..
Bigla syang napangisi at napatingin sa pinto ..
"Sayang yung 1 inch .. Pero may susunod pa siguro.. " bulong nya sabay ngisi na parang demonyo..
BINABASA MO ANG
Kwadro Alas - Ace of Diamonds
Teen FictionAng Kwadro alas ay binubuo ng apat na binata. Pawang galing sa makapangyarihan at mayayamang angkan. Lahat Gwapo at Siraulo pero sa kabila nito pamilya ang turing nila sa isa't isa. Mabigat at sagrado para sa kanila ang salitang RESPETO. Walang iwan...