Chapter 32 - Mystery Man Revealed
Nagmamadaling iniwan ni Romeo ang mga kaibigan.
Wala syang kaide ideya kung bakit sya nandito sa mall na tanging T-Shirt at boxers lang ang suot.
Naka tsinelas lang din sya.
Ramdam nya ang mga matang kanina pa nakatingin sa kanya.
Di nya akalaing makakaramdam sya ng pagkailang sa tingin ng iba, akala nya ay sanay na sya na nagiging sentro ng atensyon pero di nya malaman kung bakit tila hiyang hiya sya sa kanyang itsura sa mga oras na ito.
..
Palabas na sana sya ng mall ng may mahagip ang kanyang mga mata.
Bata pa lamang ay ugali na nya ang pagiging mapagmasid.
Bilang anak ng isang abugado, naituro na ng kanyang amang si Primero Di Carprio ang pagiging mapagmatyag sa paligid.
..
Nahinto sa paglabas sana sa mall si Romeo.
Ang mga mata ay nakapako sa may edad na lalakeng nakatulala sa isang direksyon.
Nilingon nya ang pinagmamasdan nito at lalong kumunot ang kanyang noo ng makitang ang nakatitig ito sa kanyang mga kaibigan dalaga.
Napatiim ang mga bagang ni Romeo.
Mabilis na gumana ang kanyang imahinasyon tungkol sa dahilan ng lalake.
May sinabi ito na kung anong salita pero dahil sa distansya nila at sa dami ng taong dumaraan, hindi narinig nya ito narinig.
Pinilit nyang basahin ang buka ng mga labi nito pero bigo sya dahil sa mga papasok at papalabas na tao.
"Baka phedopile. " bulong ni Romeo.
Pero mabilis itong napawi ng makita nyang inalis nito ang lumang salamin para punasan ang mga mata.
Nagtaka ang binata at napahawak sa baba.
Mannerism nya na namana sa ama kapag nahuhulog sa malalim na pag iisip.
"Problema mo tatang. Bakit ka naiiyak sa pagkakatitig sa mga kaibigan ko. " bulong nya.
Muli nyang pinagmasdan ang mga kaibigang dalaga.
Masaya pa rin itong nag kukwentuhan na parang walang problema sa mundo.
Mabilis na binalik ni Romeo ang paningin sa matanda.
BINABASA MO ANG
Kwadro Alas - Ace of Diamonds
Teen FictionAng Kwadro alas ay binubuo ng apat na binata. Pawang galing sa makapangyarihan at mayayamang angkan. Lahat Gwapo at Siraulo pero sa kabila nito pamilya ang turing nila sa isa't isa. Mabigat at sagrado para sa kanila ang salitang RESPETO. Walang iwan...