Chapter 21 - Just Married
Biyernes ng umaga.
Abala ang mga estudyante para sa mangyayaring foundation week ng eskwelahan.
Paroo't parito ang mga kabataan. Kanya kanya ng gagawin.
..
Bawat section ay may naka assign na booth.
Kung anu anong pakulo.
..
Abala sa pagkaklase ang section kampupot.
Nasa kalagitnaan ng pagtuturo ang adviser nila na si Mrs. Pugoy, nang biglang umungol si Romeo.
Napatingin ang lahat sa kanya pati na ang guro.
"What is it this time Romeo ?. " tanong nito.
Ngumiti ang binatilyo at siniko ang kaibigang si Darius.
"Oh bakit ako ?. Ikaw itong kanina pa ungot ng ungot saken eh. " reklamo nya.
Kumunot ang noo ng guro.
"Come on kids, sabihin nyo na ang kailangan nyo para makapag proceed na tayo sa lesson. " sabi nito.
Ngumiti si Romeo.
"Wala po ma'am, ngayon lang po namin talaga napatunayan ang isang bagay. " sabi nya.
Lalong kumunot ang noo ng teacher.
"Anu yon ?. " tanong nito.
Siniko ni Romeo si Darius at napangiwi ang binatilyo.
"Na napakasipag nyo po ma'am. Yan po ang sabi ni Romeo kanina pa." pag amin ni Darius.
Napa "awwwww" ang bugong klase.
Natouched ang guro at ngumiti ng kimi.
"Thank you Romeo. " sabi nito at muling nagsulat sa board.
Pero ilang saglit lang ay muli nyang sinulyapan ang kwadro alas.
"Oh come on, what's the catch ?. " natatawang tanong ng guro.
Napangisi sina Aldrin.
Nginuso ang labas ng binata.
Napatingin naman ang ibang mga estudyante.
"Ano ba kasi yon ? . " tanong ng guro.
Nagkatinginan ang kwadro alas.
Tinapik ni Romeo si Darius para ito na ang magsabi.
"Wala po ma'am. Napansin lang naman namin na sa sobrang sipag nyo, nakaligtaan nyo na ang gagawin natin sa foundation day. " sabi ni Darius.
Natahimik ang lahat.
Kumunot ang noo ng guro at napatingin rin sa labas.
Kita nya na may nag seset up na ng mga booth sa school ground.
Nuon nya naalala ang nalalapit na kaarawan ng eskwelahan at eto sya, nagtuturo pa rin.
Di nya maiwasang mapangiti.
Bilang pagsuko.
Sinara ng guro ang hawak na libro at binaba ang chalk sa mesa.
"How inconsederate of me naman. Oo nga pala, foundation day na ng school sa monday at heto ako, tinuturuan pa rin kayo. Sorry guys, it's just that I love teaching you. Lahat kasi kayo madaling maka unawa sa mga gusto kong ituro at lahat kayo ay mukhang mga interesado. Sorry, pagpasensyahan nyo na at tumatanda na si Ma'am. " drama ni Mrs. Pugoy.
BINABASA MO ANG
Kwadro Alas - Ace of Diamonds
Novela JuvenilAng Kwadro alas ay binubuo ng apat na binata. Pawang galing sa makapangyarihan at mayayamang angkan. Lahat Gwapo at Siraulo pero sa kabila nito pamilya ang turing nila sa isa't isa. Mabigat at sagrado para sa kanila ang salitang RESPETO. Walang iwan...