Chapter 18 - New Friend
Araw ng sabado, kasalukuyang nasa isang fast food resto si Ekang.
Kumakain syang mag isa habang hinihintay ang susunod na screening ng pelikula..
..
"Dapat talaga inaya ko na si Krissia eh.. " asar na sabi ni Ekang.
Sinubukan nyang tawagan ang kaibigan pero nakapatay ang phone nito..
Hanggang sa maubos ni Ekang ang kinakain..
Sinulyapan nya ang oras sa kanyang cellphone..
5 minutes na lang at magsisimula na ang movie..
Nagkibit balikat na lang sya at nagpasyang manuod mag isa..
..
Di na natapos ni Ekang ang palabas.
Tinamad na sya kaya nagpasya na syang lumabas na lang at mag window shopping..
"Hmm, may bago kaya si Toyantz ?.. " tanong ni Ekang sa sarili ..
Pumasok sya sa National Book Store at tinungo ang isang panig kung saan nakadisplay ang mga gawa ng paboritong author nya..
Pero sa kasamaang palad ay walang nakadisplay..
Nagtaka si Ekang, nilapitan nya ang isang babaeng nag-aayos ng mga libro sa isang shelf..
"Miss, pwede magtanong ?.. " tanong ni Ekang.
Lumingon ang babae at ngumiti..
"Ano po yun Ma'am ?.." magalang na sagot nito..
Ngumiti si Ekang at tinuro ang isang panig..
"Di po ba dun nakadisplay kadalasan yung mga gawa ni Toyantz ?.. yung sikat na writer ?.. bakit parang wala na ata ?.. " tanong nya.
Sinulyapan ng babae ang tinuro nya.
"Ah, si Toyantz po pala, favorite ko rin po yun eh, kaso last week pa po nag out of stock yung mga books nya.. Di ko po alam kung kelan magkakaroon ng display eh.. " sagot nito..
Nakadama ng panghihinayang si Ekang..
"Ganun ba ?.. Sayang naman.. Miss ko na kasing magbasa eh.. Anyway, thank you po.. " sabi nya..
Magalang na tumango ang staff at muling bumalik sa pag aayos ng mga libro..
Nagpasya na si Ekang na lumabas ng NBS at nag ikot ikot ulit..
Abala sya sa pagmamasid ng mga display na damit ng may bumangga sa kanyang lalaki..
Napaatras si Ekang at muntik ng ma-out of balance..
Buti na lang at maagap din ang nakabunggo sa kanya at mabilis syang nasalo.
"Oopss, sorry miss.. " sabi nito.
Gustong magtaray ni Ekang..
Pero magmumukha syang masama dahil nagsorry naman ang lalaki..
Kaya sa halip ay pinili na lamang nyang ngumiti..
"It's okay.. Aksidente naman eh.. " sabi nya..
Tumango ang lalaki..
Natahimik ito.
Napatingin si Ekang sa kanyang mukha..
Nagtataka..
"P-parang nakita na kita.. " sabi ni Ekang..
BINABASA MO ANG
Kwadro Alas - Ace of Diamonds
Teen FictionAng Kwadro alas ay binubuo ng apat na binata. Pawang galing sa makapangyarihan at mayayamang angkan. Lahat Gwapo at Siraulo pero sa kabila nito pamilya ang turing nila sa isa't isa. Mabigat at sagrado para sa kanila ang salitang RESPETO. Walang iwan...