Chapter 10 - Ekang

16K 177 1
                                    

Chapter 10 -      Ekang

 

Napasimangot si Darius sa ginawa ng kaibigan..

           "Konti na lang yun ah.. Bwisit ka talaga Rom !.. " gigil nyang bulong ..

 Tumayo sya at dahan dahang lumapit sa pinto ng banyo..

 Inangat nya ang kamao para kumatok pero sa huli ay pinigilan nya ang sarili..

Ano ang sasabihin nya kay Ekang?

Hanggang sa magdesisyon sya na ipaubaya na ito kay bahala na..

Inangat nyang muli ang kamay at dahan dahang kumatok..

Napaigtad si Ekang sa kabilang bahagi ng pinto..

Mabilis ang tibok ng puso nya dahil sa muntikan nilang pag iisang labi ni Darius..
 
Tila uhaw na uhaw sya..

          "S-sino yan ?.. " tanong ni Ekang..

Natawa si Darius..

          "Delivery po.. " biro nya.

Natawa din si Dannica ..

          "Delivery ?, diretso hanggang kwarto ko ?.. " sagot nya..

Nagtawanan sila..

          "Buksan mo na to Ekang.. " bulong ni Darius..

..

Natigilan sa pagtawa si Dannica..

Huminga sya ng malalim para payapain ang mabilis na tibok ng puso..

Pero ayaw nitong makisama.

Lalo pa itong nagwala..

Tila nais ng lumabas sa kinalalagyan..

           "B-bakit ?.. " tanong ni Dannica..

 Natahimik si Darius..

 Bakit nga ba ?..

          "Ano bang gagawin mo dyan ?.. Papasok ka ba ? " tanong nya..

Napaisip din si Dannica..

Kung di sya papasok ay siguradong mapapagalitan sya ng ina..

Sigurado namang isusumbong sya ng mga kasambahay..

           "Labas ka na Ekang.. " muling pagtawag ni Darius..
 
Napahinga muli ng malalim si Ekang bago umalis sa pagkakasandal sa pinto.

Inalis nya ang pagkakalock at dahan dahang pinihit ang seradura..

Nagtama ang mga mata nila ng binatilyo..

Muli, hindi nila pareho alam ang damdaming lumulukob sa kanila..

Sa batang isip ay wala silang kayang ipangalan sa pakiramdam na iyon..

Ngumiti ng kimi si Darius at humakbang paatras , pabalik sa kama at muling naupo..

..

Napangiti din si Ekang..


Dahan dahan syang lumapit sa binatilyo at naupo sa tabi nito..

Tahimik silang nagpakiramdaman..

Ramdam nila ang malalim na paghinga ng bawat isa..

          "P-papasok ka ba ?. " muling tanong ni Darius..

 Napaisip si Dannica..

Sinulyapan nya ang binatilyo pero muli nya itong inalis dahil ramdam nya ang pamumula ng mga pisngi..

          "D-di ko alam.. I-ikaw ?.. " tanong nya..

Nagkibit balikat si Darius..

Nag inat sya at binagsak ang kalahating katawan sa kama..

          "Di ko din alam eh.. Tinatamad ako.. Masakit pa nga katawan ko.. " sabi nya..

Napatingin si Dannica..

           "San ang masakit sayo Joweebee ?.. " nag aalalang tanong nya..

 Napangiti si Darius..

           "I'm fine.. Konting rest lang ito and I'm sure na back to normal na ko.. Wala naman sigurong broken bones eh.. " sabi nya..

 Nagtitigan sila..

 

Muli na namang namayani ang katahimikan..

 

Hanggang sa nag-iwas ng tingin si Ekang ..

          "Tinatamad ako pumasok.. " sabi nya..

Natahimik silang muli..

Ng makarinig ng pagkatok mula sa pinto..

Nataranta ang dalawa..

 
          "Dannica, iha.. Late ka na.. " boses ni Aling Miding..

 Nagpanic si Ekang..

           "Hala.. Anong gagawin natin !.. " tarantang sabi nya..

Mabilis na tumakbo patunong banyo si Darius..

           "Wag mong papuntahin dito ha !.. " impit na sigaw nya..

 Tumango si Ekang..

Inayos nya ang sarili at lumapit sa pinto..

 ..       

Nagpraktis sya ng ngiti bago ito binuksan.
 
         "Good morning po .. " bati ni Ekang..

Napakunot noo ang kasambahay..

          "Gandang umaga naman.. Late ka na o.. " puna nito..

Tumango si Ekang..

Kwadro Alas - Ace of DiamondsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon