Chapter 15 : Make him forget

464 18 4
                                        

Author's Note ; Again, i want to apologize for ruining for moments. Actually na upload ko na ang buong chapter 15, then when I looked at my phone, nag upload kusa yung nasa phone ko. I use to devices kasi sa wattpad kaya medyo magulo talaga. So im here to type everything again. Im sorry guys. Hope you're not mad at me :) :( ! Medyo maiiba ang story kesa dun sa una kong tinaype hahaha, nkalimutan ko na kasi yung una kong natype hahahaha. Anyway, hope you guys will love this :D

PS. This chapter will be a little different. Wag po kayong maguguluhan ah hahaha :) Love you all :* !! One Love <3 !!

+[ 15th Chapter ]+

" Ui Pre ! Alam mo buti na lang at nakalabas ka na sa hospital, kasi kung nandun ka pa din hanggang ngayon, iisipin ko ng dun ka na nakatira." banat ni Javy sa akin habang nag dadrive ng kanyang sasakyan papuntang school. Kakalabas ko lang kasi ng ospital nung Sunday, halos dalawang linggo ako dun, hindi dahil sa sugat ko kung di dahil sa mataas kong lagnat. Umaabot sa 42 - 44degree celsius ang lagnat ko. At sa huli, bigla na lang ito nawala. Nag papasalamat na lang din ako dahil may tournament kami bukas. Pero pag kalabas ko ng ospital, iba ang pakiramdam ko, parang may nag bago sa akin. Hindi ko masabi kung anu ito. Para akong may hinahanap na hindi ko makita. Parang may gusto akong makasama na hindi ko kilala.

"Oi Enrique !! Nakikinig ka ba?" tanung sa akin ni Javy habang tumitingin sa rearview mirror niya.

"Ah okay lang ako. Anu nga ulit yung sinasabi mo?"

"Tanung ko kung may ka date ka na ba sa annual H-ball dance?"

"Oo naman. Ako pa.'

"Ang yabang talaga ni Enrique !! Wala ka ngang girlfriend dyan eh. Si Liza na lang ulit ayain mo, si Kathryn ang kasama ko."

"Si Liza na naman?! Anu ba pre, marunong din akong mag sawa no."

"Edi sino ang aayain mo?"

Natahimik ako sa tanung ni Javy. Sino nga ba ang aayain ko, ayokong si Liza na naman. Laging siya ang kasama ko tapos boring naman. Since 1st year hanggang 3rd year siya ang kasama ko. Kahit isang beses hindi ako nag enjoy at walang memorable memories akong nakuha. 

Nadaanan namin ang roadway papasok sa lugar ni Mr. Veran. May naramadaman ako na kakaiba. Hindi ko inalis ang tingin ko dito, hanggang sa malayo na kami. Tsaka lang ako umupo ng maayos at nag isip ng mataimtim. Biglang pumasok sa akin ang bahay ni Mr. Veran, bigla ko itong na alala. Hindi ko matandaan kung kailan, pero nakapasok na ako dito. Siguro nung bata ako nun.

"Hoy, okay ka lang ba? Kanina pa ako nag aalala sa'yo ah." sabi sa akin ni Javy habang nakatingin sa daan. Malapit na kami sa school.

"Ah wala. Na curious lang ako dun sa bahay ni Mr. Veran."

"Bakit na naman? This whole, halos araw-araw mong tinatanung sa akin yan. Di ba sinabi ko sa'yo na ang nakatira dun ngayon ay siya at ang kanyang pamangkin na classmate natin."

"Ganun ba."

"Oo pre. Talaga bang magaling ka na? Simula nung lumabas ka sa ospital para kang wala sa sarili. Okay ka lang ba talaga?"

Sinandal ko na lang ang aking ulo sa bintana at tumahimik. Hindi ko masagot ang tanung ni Javy dahil kahit ako ay hindi alam ang isasagot. Simula nung lumabas ako sa ospital, ang dami kong tanung. Hindi ko nga alam kung saan ko nakuha ang mga sugat ko. Sabi ni Isa nadapa daw ako at tumama sa vase. Nadaganan ko daw ito kaya ako nasugatan.

Everything has ChangedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon