Chapter 17 : H-Ball Annual Dance

414 14 2
                                    

A/n ; Hey guys. Okay lang ba yung cover? pinalitan ko kasi hahaha kung panget sabihin niyo lang para ibahin ko ulit hahahaha. Anw. I'm sad to say pero malapit na po itong matapos. *insert BOO here* Maybe 3-5 chapters na lang. And I want to say THANK YOU !! Dahil kahit matagal akong mag update ay nandyan pa rin kayo :D !! Maraming Salamat :D !! Malapit na King of The Gil Concert :) Hope to see you guys there :) ♥ !

One love :* ♥ !

Ask lang, may 'P!ATD' fans ba dito? Hahahaha Wala lang :D ! Keep safe :*

PS : May isa akong story, 'Just the way You are' ang title. I dedicate that to my crush hahaha. Share lang. If interested kayo, basahin nyo na din ;))) !! Thaaaank you ulit :*

~~~~~~~~~

[ E's POV ]

+[ 17th Chapter ]+

This week was hell. As in, ang daming projects, assignments, experiments, sabayan mo pa ng final tournament namin. Hindi kami nag champion pero okay lang atleast 1st runner-up kami. Napaka tight ng week na to pero nawala lahat yun kahapon, Friday.

Pagkatapos na pagkatapos namin sa tournament, ay dumiretcho ako sa bahay nila Julia. Hindi ako nakipag kita sakaniya nung mga nakaraang araw kasi pinagplanuhan ko itong pag papaalam. Kaso hindi kasama sa plano ang pag dadala ko ng maayos na damit. Mukha tuloy akong taga linis ng kotse, ibawas mo ang dumi. Basa kasi ako dahil kakatapos lang mag shower, pati damit ko basa.

Pag dating ko dun sa bahay nila ay bigla akong kinabahan. Napaka dilim kasi, para bang walang tao pero ang pakiramdam mo ay ang daming naka tingin sa'yo. Malalaki ang puno na nandun at napaka luma na. Napansin ko ang itim na puno na katabi mismo ng bahay nila pero hindi ko na lang ito nilapitan kahit na pinipilit ako ng mga paa ko.

Ang Uncle ni Julia mismo ang sumalubong sa akin sa pintuan. Hindi niya na ako pinapasok at sa labas na lang kami nag usap.

"Magandang Gabi po Mr. Veran."

"Anu ang kailangan mo dito Enrique?"

"Gusto ko po kasing ipaalam ang pamangkin niyo, May annual dance po kasi ---"

Everything has ChangedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon