Chapter 16 : Part of me

418 20 2
                                    

Mga friends !! Napanuod niyo ba ang GGV guesting ni Quen?! Wahahaha. Nakakaloka no !! Malapit na concert niya, hoping to meet some of you :D !

   ~~Author

+[ 16th Chapter ]+

     [ No One's POV ]

Nag sisigawan ang mga tao. Sa limang players ng Breakville, apat doon ang natapos na at nanalo. Yung isa ay hindi natapos ang isang lap dahil sa pulikat. Last round na ito at parehong tie ang Breakville at ang Phaseform. Naka salalay kay Enrique ang huling score.

"Okay boy, know you can do this. Nag practice tayo nito. Just focus at wag kakabahan. Just relax. You can win this." sabi ng coach nila kay Enrique. Tumutungo lang si Enrique. Medyo nanginginig siya hindi dahil sa lamig, kungdi dahil sa kaba. Never pa siyang kinabahan ng ganito.

Five more minutes bago ang laban. Lumingon lingon siya sa paligid at ang kabang nararamdaman niya ay biglang nawala.

Ten feet away from him, behind all those people stood a beautiful woman. Ang babaeng kahapon niya lang nakausap pero parang matagal na niyang kilala. Ang babaeng inspirasyon niya ngayong araw, hindi niya ito inaasahan, pero dumating siya. Ngumiti si Enrique at nawala ang lamig na nararamdaman niya. Napalitan ito ng init na umabot hanggang sa kaniyang pisngi. Sinubukan niyang kumaway pero hindi siya nakita nito.

" Come Quen, ikaw na ang lalaban." 

Pumwesto na siya sa board. Hinubad niya ang kanyang tshirt at nag tilian naman ang mga babae. Hinanap niya muli si Julia, at nung nakita niya ay napa ngiti na naman siya. Naka tingin sa kaniya ito at kumaway.

" Ladies and Gentlemen. For the last round and for the tie-breaker, may present to you :  Mr. Jonathan Enrique Lucien, from Breakville and Mr. Liam Daniel Lim from Phaseform. Whoever wins this round will be the winner and will compete for the finals. Good luck to the both of you. " 

Sinuot na ni Enrique ang kanyang googles at headcap. Nag bend ng kaunti para may bwelo.

BANG 

Sabay silang tumalon. Nag sigawan ang mga tao at nag talunan. Pantay na panatay silang dalawa. 20 feet ang haba ng swimming pool, kailangan nilang umabot sa dulo at bumalik sa umpisa.

" Woooooooh !! Go Enrique !! " , " Laban lang Liam !! " , " You can do it Quen  "  , " Go Liam !! " ito ang sigaw ng mga tao sa loob ng school. Tahimik lang si Julia sa kanyang kinatatayuan pero kita mo sa kanyang ngiti na gusto niyang sumigaw, na tuwang tuwa siya para kay Enrique.

Everything has ChangedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon