Chapter 19 : Between the two of you

449 20 1
                                    

A/N : Heeeeeeey mga taong nag mamahal kay Enrique :D !!!! Ang saya ng Concert, as in :)))) !!! Grabeee, super worth it. The best talaga siya. Super successful ang concert.

I wrote my experience and na upload ko na din. Feel free to read :D ! The title is "King of the Gil Concert" :D ! Thaaank you :D

One love guys :* ♥ !!

+[ 19th Chapter ]+

Pag pasok namin sa bahay ay nagulat ako sa nakita ko. Naka upo sa dining room ang mga kamag anak ko. Ang mga relatives ko na sa side ni mama, ang relatives ko na makapangyarihan, ang mga taong gustong mawala si Julia.

Napa bitaw si Julia sa aking kamay. Nabalot ng takot ang kanyang katawan. Alam niyang hindi siya gusto ng mga ito, lalu na't naibalik niya ang memorya ko. Tumayo lang siya sa tabi ko at nag panggap na parang walang nangyari kanina.

"Good afternoon Enrique." bati sa akin ni Auntie Melina. Pero hindi siya naka tingin sa akin. Iba ang pakiramdam ko. Hindi ko alam kung anu ang ginagawa nila dito.

"Hi auntie." bati ko sakaniya sabay halik sa pisngi. Ganoon din ang ginawa ko sa dalawa ko pang auntie na si Katrina at Harvelle. Kasama nila ang pinsan ko na si Dindo at Drenver.

Wala silang emotion sa mukha. Blanko lang ito. Hindi ako pwedeng mag pahalata na alam ko na ang lahat. Sabi sa akin ni Julia, alam ng mga Protectors at Creators na nabura ang memorya ko. Na iba ang laman nito. Kailangan ko mag isip ng tama para hindi ako mag kamali ng sasabihin.

"Anu po ang ginagawa niyo dito?" tanung ko sakanila. Umiinom sila ng kape, wala naman si Isa, hindi ko alam kung sino ang nag handa sa kanila.

"Hindi mo ba ipapakilala sa amin ang kasama mo?" biglang tanung ni Auntie Melina. May halong katarayan ang kanyang boses. Halatang hindi niya gusto si Julia.

Hinawakan ko ang kamay ni Julia at hinila siya sa tabi ko. Nanginginig ang katawan niya pero nakikita ko na hindi niya pinapahalata na takot siya.

"This is Julia." sabi ko habang nakatingin sa kaniya. "She's my girlfriend." sabay tingin kila Auntie. Wala pa ring nag bago sa expression ng kanilang mukha. Para bang mga manhid sila. Ngumiti ng maliit si Drenver. Iba ang tingin niya kay Julia.

"Is there something wrong Enrique?" tanung ni Auntie Harvelle. Umiling lang ako.

"We know that you're wondering why we're here. And I'm sure, your girlfriend knows the answer."

Everything has ChangedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon