Wooooooooh !! Sa Friday na :D ! Naisip ko na after nung concert, I will write my experience here sa wattpad. Ishashare ko ang nangyari buong concert ;) ! What do you think? hahahaha.
I dedicate this chapter to @bubble_eyes :D !! I hope this chapter will answer your question :) ! Love lots dear and thank you :* ♥ !!
Thank you for all the reads loves :* !! All of you are awesome !! I will write a 'KathQuen' story soon. Wait for it guys :D !
+[ 18th Chapter ]+
I groan as I get up. The knock on my door woke me up from my peaceful sleep. I saw myself on the mirror as I passed by it. I look like a zombie. Messy hair, bags under my eyes, pale and dry lips. I don't have a shirt on and just wearing my pink boxers. Don't ask why I have those.
Christmas vacation namin ngayon, yes I know napa aga. Nung inannounce sa amin yun grabe ang tuwa namin pero nabawi din yun ng sabihin na maaga din ang exam. Isa yun sa dahilan kung bakit ako nag karoon ng eyebags. Biruin mo, ilang linggo kaming wala dahil sa practice at tournament pero kung tratuhin kami ay para bang araw-araw kaming nandoon.
Buti na lang nandyan ang girlfriend ko. Oo, girlfriend, kaibigan na babae. Panget kasi pag tagalog, kaya english na lang. Hindi ko tinatawag ng ganun si Julia pag kaharap ko siya, sa isip lang.
This past weeks ay napaka saya. Madalas akong tumambay sa bahay ni Julia. Nasanay na ako sa kakaibang panahon dun. Paanong kakaiba? Minsan napaka lamig, minsan napaka init, minsan naman nagiging taglagas tapos kinabukasan may mga dahon na. Halos araw-araw akong nandun kaya napapansin ko yun.
Nagising ang utak ko sa katok sa may pintuan. Kinakamot ko ang ulo ko at iritable sa istorbong ito. Baka si Javy na naman ito o kaya si Isa. Lumingon ako sa orasan.
4:48pm
Baka nga si Isa ito at sasabihin sa akin na hapom na. Bumabawi lang ako sa dalawang linggong kapuyatan. Nag hikab ako ng napaka laki at sabay bukas ng pinto. Automatic sumara ang bibig ko at ang mga mata ko naman ang nanlaki. Hindi ko inaasahan ito. Si Julia ang kumakatok. Si Julia ay nasa bahay ko. Si Julia ay nakatayo sa harapan ko.
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at huminto sa kala gitnaan. Natawa siya at tinakpan at bibig. Tsaka ko lang na alala na naka boxers lang ako. Bigla kong sinarado ng malakas ang pintuan sa mukha niya at sumandal dito. Ang lakas ng aking pag hinga. Binuksan ko ulit ang pinto at nilabas ang aking ulo.
"Saglit lang ah. Mag bihis lang ako." ngumiti lang siya sa akin at takbo ako agad sa banyo. Yun na siguro ang pinaka mabilis kong ligo buti na lang uso ang shower sa Breakville. Kumuha ako ng damit at sinuot ito agad. Nag spray ng kaunting pabango at inayos ang basang buhok na medyo tumutulo pa. Nag mumog ako ng konting moithwash at lumabas na.
BINABASA MO ANG
Everything has Changed
FanfictionIn a small town called Breakville, things are always the same since it started. Starting from the stores upto their Church. The set-up is very old and vintage. They don't have Mcdonalds, even 7-11. People still wear coat and ties, and dresses when g...