This is the last chapter guys. I want to thank you guys for the support. Sa lahat ng works ko ito ang may pinaka maraming reads and I'm really really really happy about it :) ! Hindi ko yun ineexpect kaya maraming salamat talaga :) ! Especially sa votes :) !
I will write a sequel kung mag rerequest kayo. Hahaha it will depends on you guys para alam ko din kung may mag babasa nun :) ! So again, maraming maraming salamat sa inyong lahat :) !
May bago akong sinulat, its a KathQuen story at Enrique Gil story. You can check it out if you want :) !
So here's the last chapter loves :* :) ! Enjoy ♥ !
+[ Last Chapter ]+
[ No one's POV ]
Malawak ang lugar na kinatatayuan nila. Dalawang puno lamang ang makikita mo dito at wala ng iba. Isa tong bakantemg lote na walang nag mamay-ari sa dulo ng breakville. Malamig ang simoy ng hangin. Madilim ang paligid dahil lumubog na ang araw. Mga bituin na kumikinang ang nag papaganda sa langit. Ang liwanag ng buwan ang nag bibigay ilaw sakanila. Hampas ng mga dahon sa puno ang tanging maririnig at ang ingay ng pakpak ng mga paniki.
Nahahati sa dalawang grupo ang mga taong nasa gitna ng lote. Pantay lang ang bilang nila. Hindi mo masasabi kung sino ang masama at mabait dahil pareho silang mga naka itim. Pero malalaman mo kung sino ang talagang mag kalaban dahil ang kabilang grupo ay mapupula ang mga mata at ang kabila naman ay kulay ginto.
Sa harapan ng bawat grupo ay may tig-isang kabataan na tumatayong lider ng grupo. Makikita mo sa mukha ng babae na ayaw niya ang kaguluhang ito. Ayaw niya kalabanin ang binata nasa tapat niya, samantalang ang binata naman ay tuwang-tuwa. Tuwang-tuwa dahil magagawa niya ang gusto niya. Tuwang-tuwa dahil makakapanakit siya ng tao. Puno ng tapang ang mukha ng binata at kalungkutan naman ang nasa dalaga.
Ramdam mong hindi sila natatakot at pareho silang malakas. Sadyang ayaw lang manakit ng dalaga dahil mahal na mahal niya ang binata kahit bigla na lang nawala ang nararamdaman nito sa kaniya na ikinagulat ng mga kakilala niya. Sinabihan siya ng kaniyang ama na posibleng ginamitan ito ng kapangyarihan ng kanyang ka-uri. Malalakas ang mga protectors. Kayang-kaya nilang gawin lahat ng gusto nila.
Nag lakad sa gitna si Gabriel at Melina. Si Xander at Daryl naman ang sumunod. Nag titigan lang sila.
"Good evening my friends. Long time no see." sabi ni melina na sinira at katahimikan ng paligid.
BINABASA MO ANG
Everything has Changed
FanfictionIn a small town called Breakville, things are always the same since it started. Starting from the stores upto their Church. The set-up is very old and vintage. They don't have Mcdonalds, even 7-11. People still wear coat and ties, and dresses when g...