Kabanata 28

879 17 0
                                    

Kabanata 28

Bistado.

That night was so special, hindi masyadong magarbo kung tutuusin nga napaka simple lang ng gabing iyon. The beautiful over looking view of Baguio from the campus, ang katahimikan ng paligid ay perpekto sa lamig ng simoy ng hangin at tanging kaming dalawa lang ni Zack ang kukumpleto ng lugar. It was a romantic night, hindi na kailangan pang sa mamahaling restaurant at romantikong aura para lang maging special ang gabing iyon. Isang linggo ang lumipas at natutuwa ako na sa nag daang linggo ay mas napanatili namin ni Zack ang sikreto namin.

Mabuti na rin at hindi na ako masyadong binabantayan ng mga pinsan ko at paminsan-minsan ay tinutulungan din ako ni Zea na makawala sakanila kapag kailangan naming mag kita ni Zack. I know hindi namin matatagalan ang pagtatago sa ibang tao pero humahanap lang talaga ako ng magandang tyempo sa mga pinsan ko. Mabuti na lang at abala si Lance sa nalalapit na sportfest ng school.

"Lorry, hindi ka ba sasali sa cheerdance?" Tanong sa akin ni Louise, mag kakasama kami ngayon dito sa court para panoorin ang practice game nila Lance.

"Baka next year na lang, ngayon na lang ulit kasi ako nakakahabol sa mga lesson ko" sagot ko habang pinagmamasdan ang mga player na papasok.

"Mabuti naman, dahil kasali si Louise sa cheerdance ng business" nahihimigan kong masaya si Zea sa sinabi niya.

I and Louise love to dance, noong high school kami ay parehas kaming kasali sa dance group ng school. First year college naman ng mag try out ako para sa cheerdance ng engineering at last year ang unang sabak ko doon. Hindi nga lang ako sumali ngayon dahil naging busy ako sa pageant na sinalihan ko.

"Kaya ka pala laging wala noon, akala ko lagi kayong mag kasama ni Chard" natatawang biro ko.

"Lower down your voice Lorry" pagbabanta sa akin ni Louise.

Nilingon ko ang gilid ko at nakitang papunta na sina Zue at Krisha. Kaya naman pala sinasaway na ako nitong si Louise dahil baka mabuko na siya.

"Hey, Lorry. ilang araw rin kitang hindi nakita" nakangising bati sa akin ni Zue.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Okay nga yun eh, para hindi na sisira ang araw ko" umirap pa ako sa kawalan.

"Hindi masisira ang araw mo sa gwapo kong mukha" pang iinis niya pa.

"Aba, hangin mo na ata ngayon cous" ani ko.

"Psh, mag uumpisa na yung game, wag mo ng asarin si Lorry, kuya" saway ni Zea na nasa left ko.

"Hindi ko naman inaasar si Lorry, na miss ko lang talaga siya" at ang mokong inakbayan pa ako dahil nasa kanan ko siya umupo.

Tinatanggal ko yung mabigat niyang braso na nakaakbay sa balikat ko, sila talaga ni Lance ang lakas nila akong inisin. Makita ko pa lang sila inis na inis na ako, ewan ko ba kung bakit sumama pa ako sakanila na manood ngayon, eh mag papasikat lang naman yang si Lance samin.

"Tanga naman ni Lance mag laro, captain ball ba talaga yan!" ani ni Zea.

"Bobo talaga kahit saan yang si kuya, mabuti na lang at practice game lang" gatong pa ni Louise, natatawa ako sa mga reaksyon nila. Malamang naman ay pinaglalaruan lang nila ang game ngayon.

"Literal na nag lalaro lang silang lahat" irap na sabi ko.

"WHOO! PARA KANG TANGA MAG LARO LANCE!" nagulat kami ng biglang sumigaw si Zue, halos lahat na ata ng taong nanonood ay tumingin sa gawi namin.

Si Lance naman ay lumilipad na sa himpapawid ang middle finger niya habang tumatakbo para habulin ang bola. Puro talaga kalokohan ang alam ng mga lalaki kong pinsan. Noon akala ko si Kuya Kit ang matino sakanilang tatlo pero tulad din ng mga akala, ay mali rin ang akala ko. Ewan ko ba kung bakit ganyan yang mga yan, sila tong mag dadala ng pangalang Sarmiento tapos nag loloko.

I Love You The Most (Book 1: Completed)Where stories live. Discover now