Kabanata 21

1K 24 0
                                    

Kabanata 21

Merry Christmas.


Ilang araw na din mag mula ng mag stay ako dito. Pero parang hindi naman ako nalayo sa Baguio kahit ilang milya pa ang layo ng New York sa pilipinas. Maagang umaalis sina mommy at gabing gabi naman ang uwi nila, hindi ko maintindihan kung bakit nag patayo pa sila ng malaking bahay, samantalang bihira lang silang umuwi dito. Nasa ibang lugar nga ako, malapit sa mga parents ko pero hindi pa rin napupunan yung kulang saakin.


"Oy, Lorry are you alright?" Tanong saakin ni kuya Kit.

Imbis na sumagot tumango lang ako sakanya, ilang araw na din sya ang kasama ko sa pag lilibot sa New York.

"Kuya lagi ka bang mag isa? Masaya ka ba?" Biglang tanong ko habang iniinom yung kape.

Tinignan nya ako at biglang ngumisi. "Ako? Iba ibang babae ang lagi kong kasama araw araw. Masaya na ako doon kasi ibang iba ang saya na binibigay nila saakin" humalakhak pa sya.

"Seryoso kasi kuya" sabi ko at hinampas ko sya sa braso.

"Bakit ba hindi ka masaya dito?" Umiling sya. "Kung ako sayo sama ka saakin, sa mga club at bar na pinupuntahan ko para naman mag enjoy ka sa pag stay mo dito" tawa pa sya ng tawa.

"Ano ba kuya!" Inis na sabi ko.

"Haha, biro lang ito naman. Saan mo pa gustong pumunta?" At inubos na nya yung kape nya.

"Hindi mo ba namimiss yung lamig sa Baguio, yung ganda ng tanawin don, tsaka yung kapatid mo?" I asked.

"Mas malamig dito" sabay kiskis sa dalawa nyang palad. "Tsaka mas maganda dito madaming maganda. Kaya naman pumunta ni Krisha dito pag na miss nya ako pumunta na lang sya" sabi nya pa.

Ibang klase talaga ang lalaking to, bato na ata yung puso nya eh. Hindi nya ba namimiss yung parents nya? Iba pala talaga ang impluwensya ng ibang bansa.

"Ano ba kasi yung dahilan kung bakit ayaw mo umuwi?" Tanong ko ulit, alam ko naman na si ate Yna ang dahilan.

"Kapag nakita ko na sya" he said.

"Uuwi ka na?" Tanong ko ulit.

"Kung sasama syang umuwi" tumawa sya at inakbayan ako. "Tara sa central park" sabay kaming nag lakad.

Ibang iba talaga ang lugar na ito, para bang kinocomfort ka ng mga nakikita mo. Para bang ayaw nito makita na malungkot ang mga taong pumupunta dito.

"Lorry, ito payo lang. Wag kang papayag na kontrolin ng parents mo. Kung ano ang gusto ng puso mo iyon ang sundin mo" seryosong sabi nya saakin.

"Kaya ba nandito ka kasi sinunod mo yung puso mo?" Tanong ko. Natawa naman sya sinabi ko.

"Idol ko nga ate mo. She can break the rules" at ginulo nya pa yung buhok ko. "Tibay talaga ni Larry" sabi pa nya at iniwan ako dahil binilisan nya yung lakad nya.

Break the rule? What rule? Sinundan ko na sya habang sinisigaw ang pangalan nya, aba ang loko tinakbuhan pa ako.

"Weak ka pa rin Lorry" sabi pa nya habang tumatawa. Ako naman nag hahabol na ng hininga.

"Time out muna" sabi ko habang nakahawak sa dibdib ko, umupo naman ako sa isang bench.

"Weak ka talaga" sabay abot nya saakin ng isang mineral water.

I Love You The Most (Book 1: Completed)Where stories live. Discover now