Kabanata 6

1.4K 31 0
                                    

Kabanata 6

Palagi na lang.



"Lorry before 9 aalis na tayo" sabi ni ate nang sabay kaming mag almusal.

"Ah. Oh..kay" sabi ko na may awkward saaming dalawa.


Today is the day. It's kuya Lance and Ate Edz Wedding day. Pagkatapos naming kumain ay agad naman akong nag handa, sa hotel na kami mag bibihis at mag aayos dahil mas malapit ito sa venue ng kasal. Mamayang hapon pa ito pero kailangan maaga kami sa hotel dahil marami pang dapat asikasuhin.


Si ate ang nag drive ng vios ko papunta sa hotel, dala namin ang mga gown na susuotin naming dalawa.


"Sila mommy sa hotel na daw didiretso" wika nito habang binabagtas naming ang kalsadang papunta sa hotel.

"Mag tatagal ba sila dito?" tanong ko. Masyado kaming tahimik pag mag kasama kami ni ate, hindi tulad noon kapag nag uusap kami sa skype.

"I think 3 days lang sila. Babalik agad sila ng New York. Baka sumama ako sa pag balik nila" sabi nya na diretso pa din ang tingin sa daan.

"Hindi ka mag eextend ng bakasyon" normal na sabi ko.


Umiling naman sya bilang sagot. Ilang linggo lang ang nilagi nya dito tapos hindi pa kami okay, wala pa nga akong masasabing nakapag bonding na kaming dalawa. Tahimik lang ako nang mag salita na sya ulit.


"Bakit hindi ka mag bakasyon sa New York, total mag se-sembreak na din kayo" sabi nya at tinignan na din ako.

"Sandali lang naman yung sembreak namin, kakapusin lang sa araw ate" sagot ko at nag iwas ng tingin.

"Edi sa pasko. Mom and dad will be with me this Christmas. Sa Singapore ka na mag Christmas lorry" sabi nya.


Mag mula ng umalis si ate sa Baguio at mag pasyang mag trabaho sa Singapore ay nasanay na akong mag isa kada pasko. Lagi nila akong pinapangakuan na uuwi sila kada Christmas pero sa loob ng tatlong taon lahat napako ang mga pangako nila. Pero this time they want me to be with them this Christmas.


"Sa Singapore ako this Christmas, gusto ko naman maranasan na mag pasko na kasama yung buong pamilya ko" masayang sabi ko.

"I'm sorry Lorry, alam naming na malaki ang pagkukulang namin sayo" malungkot na sabi nya.


Yes I have everything in my hand, pero yung kapalit 'non mag isa lang ako. Siguro noon okay pa wala yung mga magulang ko sa mga mahahalagang okasyon sa buhay ko pero nung umalis si ate doon ko lang naramdaman na mag-isa lang talaga ako.


Nang makarating kami sa hotel ay agad kaming pumunta sa nakareserve na VIP room para saamin.


"Dito na pala kayo" sabi ni ate Krisha pag pasok namin sa kwarto.

"Lorry, swimming muna tayo, mamaya pa naman tayo aayusan eh" sabi ni Louise na kumakain ng mga chips sa sofa

"Oo nga, maaga pa naman. Ate Larry swimming tayo" wika naman ni Zea.

"Hindi na kayo na lang pupuntahan ko pa si Edz" sagot naman ni ate.

I Love You The Most (Book 1: Completed)Where stories live. Discover now