Kabanata 32

875 18 0
                                    

Kabanata 32

Sarmiento's cousins

Hindi ako pwedeng mag kamali, alam kong si Ice ang lalaking iyon.. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? bakit may umuusbong na galit sa kaibuturan ko? Is it legal?.. o baka nagulat lang ako sa mga nakikita ko ngayon?.. sobrang intimidating ang halikan nilang dalawa. Sino ang babae?

Akala ko ay iba si Ice sa mga lalaki lalo na sa mga pinsan ko.. pero pare-pareho lang sila at sa tingin ko ay mas worst itong si Ice. Una siya ang kasama ni Sandy noong kasal nina Lance at Ate Edz, ang sumunod ay yung sa hotel.. kasama niya si Nicole at ngayon may kahalikan siyang babae. I didn't expect that his a playboy too. Sino ba naman kasing babae ang mag lalakas loob na lapitan si Ice kung titignan mo pa lang ay cold na, laging wala emosyon at mukha talaga siyang suplado... Parang kahit anong gawin mo hindi ka niya mapapansin.

Unlike my cousins, specially Lance before.. He can jump from one girl to another girl in just one day. Pero si Lance kasi ay mukha talagang hindi nag seseryoso sa mga babae.. mukha talaga siyang nag lalaro lang kapag kaharap na ang mga babae kaya lapitin din ito. Zue is like a new version of Lance especially right now.. kung mas loko-loko si Lance noon MAS itong si Zue ngayon. Kapag naisipan niyang mangbabae gagawin niya talaga.. at ang balita ko pa ay nag uuwi na si Zue ng mga babae sa bahay nila na hindi naman niya gawain noon.

Siguro ang tipo ni Ice ay ang mga tipo ni Kuya Kit.. the silent guy pero matinik pag dating sa babae. Tahimik lang kapag gagawa ng kalokohan hindi tulad ng dalawa na pinag sisigawan pa. Kuya Kit is the most serious yet the most deadly one.. kapag na hulog ka sa bitag niya asahan mong pag lalaruan ka lang niya dahil isang babae lang ang kaya niyang mahalin.. He can flirt anytime but his heart is already committed.. kaya no feelings attached talaga siya sa mga babaeng kalandian.

Nang paandarin ko na ulit ang aking sasakyan ay bumusina ako ng malakas at humarurot. Na distract ko nga ang dalawa kaya natigil sila sa mainit na halikan, nakita ko pa sa side mirror ang pag tingin ni Ice sa aking kotse.. hindi ko naman nakita ang mukha ng babae dahil masyado na akong nakalayo. Nahiya tuloy ako sa mga naistorbo ng aking busina.

"My head hurts!" hinawakan ko ang aking ulo at hinilot ang sintido nang bumagsak ako sa aking kama. I'm sleepy but I need to go to shower first.. nalalagkitan ako sa aking katawan at amoy na amoy ko ang alak na ininom.

Hindi pa ba ako sanay? My cousins are alcoholic drinker.. dito sila magaling. Pero nahihilo talaga ako, pakiramdam ko ay hindi ko kayang buhatin ang sarili ko papuntang banyo. Napadilat ako nang marinig na nag ring ang aking cellphone, kinapa ko ito sa gilid ng kama at sinagot ng hindi tinitignan kung sino ang tumatawag.

"Hello!" paos na boses ang lumabas mula sa aking bibig.

"Hello" ulit ko nang walang sumagot, napapikit ako sa hilo na madarama.

Tanging hininga lang ang siyang naririnig ko sa kabilang linya.. it's frustrating me! Kung nakikipag laro itong tumatawag pwes wag ako..

"Sino 'to?! bakit ka tumatawag?!" pagalit na sabi ko, still hindi pa rin siya sumasagot. "Kung ayaw mong sumagot, edi wag! wala akong oras para pakinggan ang pag hinga mo.. damn! its hurt!!.." napangiwi ako nang mas sumakit ang aking ulo dahil sa pag sigaw na ginawa.

"Good night" isang malamig na boses ang siyang nag salita mula s kabilang linya.. bakit bigla akong kinilabutan sa boses na iyon. Its not familiar, parang ngayon ko lang iyon narinig.

"Who's this?" marahas na sabi ko pero huli na dahil naputol na ang linya.

Sino ba iyon? bakit wala akong maalala na may narinig na ganung boses noon? Sinapo ko ang aking noo dahil sa pag-ikot na naman ng aking paningin nang subukan kong dumilat.. sinusumpa ko talaga ang alak na iyon, kanina ay wala akong tama at nakapag drive pa pauwi.. kung kelan matutulog na ako tsaka ko nararamdaman ang espirito ng alak.

I Love You The Most (Book 1: Completed)Where stories live. Discover now