Kabanata 8

1.3K 28 0
                                    

Kabanata 8

Little bit.


Matapos ang pangyayaring 'yon, hindi na ulit ako nilapitan ni Zack. Mabuti naman dahil ayoko ng mastress sa mga panahong ito. Siguro na pagisip isip nya na mali talaga ang mga ginagawa nya. Masyado syang nag papadalos dalos, hindi nya masyadong iniisip ang mga ginagawa nya. Mahal ko pa din naman sya, pero hindi na yung strong na pagmamahal.


"ahh, nakakainis talaga" dinig kong reklamo ni Louise sa gilid ko.


Kasalukuyang nasa bahay kami nila Zea, we're having a group study kahit iba ang course ko sakanila. Ayos na din 'to para naman hindi ako mag isa na nag-aaral. Tomorrow will be our finals for this semester.


"ang hirap naman kasi ng mga lesson pero nung tinuro ang dali dali" wika pa ni Zea.

"True, sumasakit na ulo ko dito" reklamo nanaman ni Louise.

"Pag kasi nag tuturo ang prof nyo makinig kayo ng maayos" sabat naman ni Zue na ngayon ay na nonood sa kanilang sala.


Oo nga pala hindi pa pala ako nakakapag sorry sakanila its been two weeks. Hindi ko din naman kasi sila madalas na makita. kuya Lance also taking Engineering pero graduating na sya at hindi ko na madalas makita si Zue naman parehas sa kapatid nya business din ang kinuha, lagi naman kami nag kikita pero wala talaga akong lakas ng loob para kausapin sya.


"Ang basic naman nyan" sabi ni kuya Zue ng makalapit kina Louise at Zea.


Pinakita kasi ng dalawa yung mga notes at nirereview nila. Kahit naman puro kalokohan ang pinaggagawa nya eh magaling din naman yan sa academic. Nag patuloy lang ako sa pag rereview, medyo nahihirapan ako dun sa minor na feeling major na subject namin.


"lorry miryenda muna tayo" alok ni Zea saakin at tumayo na para pumunta ng kusina nila.


Hindi ko na mamalayan na kanina pa pala kami dito, kami na lang ni Zue ang naiwan dito sa mini veranda nila.


"Lumalapit pa rin ba sayo si Zack" seryosong pang bungad nya saakin.


Napatingin naman ako ng diretso sakanya. Habang sya ay may kung anong sinusulat sa notebook ni Zea.


"this past few days hindi na. Sinabi ko na rin naman sakanya na layuan nya muna ako" diretsong sagot ko at nag patuloy sa ginagawa.

"layuan ka muna nya. Dapat sinabi mong layuan ka nya wag na syang lalapit sayo kailan man" may galit sa tono nya.

"we're friends naman, tsaka lagi namang nakikinig saakin si Zack eh" sagot ko sakanya, at napatinigin nanaman ng diretso sa mata nya.

"friends ba yun? Kung hindi lang ako napigilan ni Lance nung party nya baka dumanak na ang dugo ng makapal mong ex sa hotel" kitang kita ko ang galit sa mga mata nya para bang may apoy dito at naghihintay lang kung kelan kakawala.

"I'm sorry, I didn't know na nasa hotel din sya nung gabing yun. Nalaman ko na lang ng nasa bahay na ako. Nabasa ko sa mga text nya" sabi ko at pinag patuloy ang pagtitig sakanya para naman kumalma sya.

I Love You The Most (Book 1: Completed)Where stories live. Discover now