Kabanata 33

880 21 0
                                    

Kabanata 33

Lorraine's birthday.

Mataas na ang araw nang magising ako at ito ang dahilan kung bakit hindi ko pa mamulat ang aking mga mata. Kahit malamig pa rin ang ihip ng hangin ay hindi na maikakaila na tag-init na talaga. Unti-unti akong bumangon tsaka dumiretso sa banyo para gawin ang pang-umagang ritwal ko.

"Lorry, gising ka na pala" ani Manang ng makita niya akong pababa na.

"Tinanghali na po ako" sabi ko.

"Ayos lang naman dahil bakasyon. Wala ba kayong balak ng mga pinsan mo mag bakasyon ngayon?" tanong niya habang nilalapag ang mga pagkain.

"Hindi pa po kami nakakapag plano, gusto nyo po bang mag bakasyon sa inyo?" I asked tsaka ako nag lagay ng pagkain sa plato.

"Gusto ko sana... kung mag babakasyon kayo pwede muna akong umuwi sa amin" umupo siya sa harap ko.

"Manang, okay lang naman po kung gusto niyo munang mag bakasyon, bakasyon naman po.. ayos lang sa akin" sabi ko habang kumakain ng agahan.

"Hindi kita pwedeng iwan ng mag isa rito.. bilin ng ate mo iyan" kontra niya sa sinabi ko.

"Pwede ko naman pong papuntahin sina Louise at Zea dito, alam ko pong gustong-gusto niyo ng umuwi sa inyo" ngiting sabi ko para ipakita sakanya na ayos lang talaga.

"Pagkatapos na lang ng kaarawan mo..." napaangat ang tingin ko sa kanya.

"Hindi na po, kung gusto niyong umalis na ngayon ay ayos lang sa akin. Hindi naman po ako mag pa-party" pagkumbinsi ko sakanya.

Hindi na nakipagtalo si Manang sa akin, napilit ko rin siyang umuwi ngayon. Alam ko kasing mahihirapan na siyang sumakay sa mga susunod na araw dahil dadagsa na ang mga turista. Hinatid ko si manang sa terminal at dumiretso na muna ako sa isang coffee shop.

Umupo ako sa dulong parte ng shop kung saan walang masyadong tao, dinadayo ang store na ito dahil sa purong kape at tunay na masarap ang kanilang mga dessert. Tahimik kong pinagmamasdan ang mga tao sa labas, madami na ang mga turista na masayang nag lilibot at nag pi-picture sa kung saan-saang parte ng lugar. Kung ako ang gagawa ng mga ginagawa nila its weird, it's my home town at araw-araw ko nakikita ang mga magagandang tourist spot sa Baguio.

*beep*

Dinungaw ko ang cellphone ko na may isang mensahe. Nagtataka rin ako kung bakit hanggang ngayon wala akong natatanggap na mensahe mula sa kahit sinong pinsan ko.

Zack:
Where are you babe?

Me:
Coffee shop near in the Burnham park.

Simula ng mag bakasyon ay hindi na kami madalas mag kita ni Zack, lumuwas kasi siya ng Maynila dahil kailangan ng parents niya ang tulong niya sa negosyo nila. Naiintindihan ko naman kasi it's his responsibility to help his parents.

Hindi ko alam kung bakit natagalan si Zack sa pag punta dito, luckily may internet connection sa Coffee shop na ito. I divert my attention to my phone and scan my social media while waiting for Zack, para lang hindi ako ma bored.

"I'm sorry natagalan.." inangat ko ang ulo ko ng marinig ang boses niya.

"Its okay, what do you want?" I asked him.

"Nag order na ako kanina, it seems your busy.. what are you doing?" he asked at tumingin sa phone ko na hawak hawak ko parin.

"I'm not, nag fb lang ako while waiting for you.. kailan ka pala naka uwi?" iniba ko na ang usapan, nilapag ko rin ang cellphone ko sa lamesa.

"Kararating ko lang, pupunta sana ako sainyo mabuti na lang at na text kita. Why are you here by the way?" he asked and look outside para bang may tinitignan siyang mabuti.

I Love You The Most (Book 1: Completed)Where stories live. Discover now