Kabanata 35

888 19 0
                                    

Kabanata 35

Voice

"Lorry saan ka galing?!" agad na tanong sa akin ni Louise nang makapasok ako sa aming sala.

I'm tired.. Pagod ang puso't utak ko, ngayon na nakauwi na ulit ako sa Baguio hindi ko mapigilang hindi isipin ang nakita ko noong gabing iyon. The way Zack and Nicole kissed really hurt me! Para itong isang pangit na panaginip na ayaw akong lubayan.. every time I close my eyes, iyon lang ang nakikita ko.

"Bakit kasama mo si Ice?" tanong naman ni Krisha at umupo pa sa harap ko.

Nag angat ako ng tingin sa mga pinsan ko.. they are looking at me, waiting for my answers. Sa gilid naman ay nakahilig si Zea sa dingding habang seryosong nakatingin sa akin. Nakikita kong ang dami niyang tanong sa akin.. nag tataka.. naguguluhan ang kanyang mga mata.

"I'm tired!" sabi ko at humilig pa sa dashboard ng sofa.

"Lorraine Sarmiento, we need your explanation!" baritonong sabi ni Lance.

Wala akong ganang umayos ng upo, suminghap pa ako bago ko sila binigyan ng isang pagod na tingin. I need to act that I'm really tired to escape their questions. Kahit sino naman ay mag tataka kung bakit si Ice ang kasama ko, were not close. Hindi nga kami nag uusap.

"I want to take a rest.. ghad! it's my birthday, pwedeng pag bigyan niyo ako" sabi ko at pumikit pa ng mariin.

"Lorry, let's have some fun.. it's your birthday!" angal na sabi ni Louise.

"Later, Louise.. please!" ani ko. "I'll call you later" sabi ko pa.

"What? Mamaya pa.. sira na ang plano kasi kadarating mo lang, tapos lalong masisira dahil mamaya pa!" inis na sabi pa niya.

"Lets give Lorry time to take rest.. baka napagod sila ni Ice!" panunuyang sabi ni Zue, nag kunot ako ng noo.. binatukan naman siya ni Lance dahil sa sinabi. "I mean sa byahe.. malay ba natin kung malayo ang pinuntahan nila.. Ice look tired too" aniya pa.

"Hays.. sige na sige na! alas sais, Lorry!" sabi ni Louise habang umiiling. "Kuya hatid mo ako sa mall, bibili ako ng regalo" aniya kay Lance at binitbit na ang kanyang bag.

"Ikaw Zea hindi ka sasama?" tanong naman ni Zue.

"Hindi na.. nakabili na ako ng regalo para kay Lorry.. maiwan na muna ako rito" sagot niya at umupo sa sofa.

"Louise, sabay ako bibili na rin ako" ani naman ni Krisha.

"So walang sasabay sa akin? Ayos may susunduin ako!" natatawang sabi ni Zue at inikot pa sa daliri ang susi ng sasakyan.

"Babae na naman!" iling na bulong ni Zea sa tabi ko.

"You will be the driver later, Zue.. so make sure you will be here exact six in the evening" maarteng sabi ni Louise.

"Yes, Ma'am!" sabi niya at sumaludo pa kay Louise.

"You asshole! sinong babae na naman iyan?" biro ni Lance.

"Why?.. are you jealous? Common Lance, we're cousins and besides you're married" natatawang sagot nitong loko kong pinsan.

Binatukan naman siya ng solid nitong si Lance. "Gago!" malutong na mura nito. "Lets go Louise, Krisha.. susunduin ko pa si Edilyn" aniya at tinungo ang pinto.

"Lorry, alis na rin ang gwapong si Zue.. wag mong papaalisin ang kapatid ko rito" kumindat pa siya bago tumalikod.

"Ingat kayo!" sigaw ko dahil nasa labas na sina Lance.

Bumuntong hiniga ako at humilig ulit sa dashboard ng sofa nang tumahimik na ang buong bahay ng makaalis na ang mga pinsan ko. Mariin kong pinikit ang aking mga mata at unti-unti na namang bumalik ang eksenang nasaksihan ko kagabi. Last night was the most painful night. Sa oras pa talaga ng pag papalit ng araw, kaarawan ko pa.

I Love You The Most (Book 1: Completed)Where stories live. Discover now