Kabanata 30

909 18 1
                                    

Kabanata 30

Against.

Ilang linggong payapa ang mga araw ko, lahat kami ay busy sa kanya kanya naming pag-aaral. Ilang araw na rin mag mula ng mag simula ang sportfest sa school. Hindi lang sporfest ang pinaghahandaan namin ngayon dahil nalalapit na rin ang final exam. Ilang linggo na lang at matatapos na ang isang school year.

"Hoy, Lance! tandaan mo huling taon mo na sa paglalaro kaya ayusin mo" pang-aasar ni Zue.

Kumpleto na naman kami ngayon sa court dahil final game na ng basketball. Ang engineering team at ang business team ang siyang mag lalaban para sa championship.

"Sure win na 'to bro, nandito kasi yung lucky charm ko" hinapit ni Lance ang bewang ni ate Edilyn tsaka nya ito hinalikan sa labi.

"Lance nasa court kayo, remember!" sigaw ni Zea, tumingin naman si Lance sa amin na may mapupungay na mga mata.

"Bro, porn naman yan, hindi yan ang gusto kong panoorin" natatawang untag pa ni Zue.

"Pwede ba, ang ingay-ingay niyo" mataray na sabi ni Louise. "Hindi ko alam kung sino ang iche-cheer ko, ang business team o ang team ni kuya" nalilitong sabi ni Louise.

Ang cute niya sa cheerdance uniform ng business, bagay na bagay sa mala-gatas na kutis niya ang pula at puting tela. After kasi ng championship game ay ang cheerdance competition naman, kaya mga nakasuot na sila ng kanya-kanya nilang uniform.

This time mukhang hindi ko masusuportahan ang mga dati kong ka-cheerdance, of course I need to give my full support to Louise. It's her first time to join the cheerdance competition, tulad ng pagsuporta nya sa akin noon ay susuportahan ko rin siya.

"Cheer for me, sis!" tinuro pa ni Lance ang kapatid tsaka nya ito kinindatan.

"Let her cheer for her colleagues, Lance" malambing na sabi ni Ate Edilyn at agad naman siyang niyakap ni Lance.

He is so clingy when it comes to Ate Edilyn, so protective, so jealous, so possessive... Kahit mag asawa na ang dalawa kung umarte ang mga ito ay parang mag boyfriend at girlfriend pa rin sila.

"Siguraduhin mo lang na magiging worth it ang pag che-cheer ko sayo" umirap na naman itong si Louise, napakamaldita talaga ng babaeng 'to.

"Wala ka bang tiwala sa gwapo mong kuya?" taas kilay na tanong nito at nag pogi sign pa habang nakayakap pa rin sa asawa niya.

"Lance, tawag na ni coach" nabaling ang tingin ko kay Ice ng tawagin niya si Lance.

He stared at me na para bang may gustong sabihin sa paraan ng pagtitig niya. Nilingon siya na ni Lance kaya nabaling ko ulit ang paningin ko sa pinsan ko. Hinalikan ni Lance si Ate Edilyn sa noo tsaka lumapit kay Ice at tinapik ang balikat nito at nag lakad na palapit sa coach nila na nasa kabilang parte ng court.

Hindi parin niya inaalis ang tingin sa akin, umiling siya.. bago siya tumalikod ay tinignan niya muna ako mula ulo hanggang paa tsaka kumunot ang kanyang noo at tuluyan ng tumalikod. What's wrong with him? Tinignan ko ang sarili ko, wala namang masama sa suot ko, huh!

I'm wearing a dark blue jacket and white turtle neck inside na nakikita dahil hindi ko sinara ang zipper na suot ko and a high waisted jeans with my skechers on. Whats wrong with this?

"Mukhang na miss ka na ni Ice" pang-aasar sa akin ni Zea at tinutusok pa niya ang tagiliran ko.

Sinamaan ko naman siya ng tingin para iparating na hindi ako natutuwa sa ginagawa niyang pang-aasar. Sa halip na tumigil ay mas lalo lang niyang nilakasan ang boses niya kaya pati si Zue ay nakikiasar na rin. Mag kapatid nga silang tunay, parehas na parehas ang ugali.

I Love You The Most (Book 1: Completed)Where stories live. Discover now