Kabanata 17

1.1K 29 2
                                    

Kabanata 17

Rapist.


Lumipas ang weekend, at salamat naman dahil na tapos ko ang mga dapat gawin sa report namin, ang hirap pa lang gumawa ng mag isa lalo na ang mga possible questions sa topic namin. Hindi ko alam kung paano ko natapos ito nung linggo, lagi din naman kasi ako tinatawagan ng mga ka grupo ko tungkol sa report.


"Oh ano Louise nakikita mo na ba si kuya?" Tanong ni Zea habang hindi mapakali dahil hindi nya makita si Zue.

"Hindi pa, ouch naman" inis na sabi ni Louise habang nag kakamot sa braso at binti nya.


Bakit kasi may antik na itong puno na ito, at dito pa ang napili ni Zea na pag taguan namin para hindi na talaga mahuli ni Zue. Oo hangganh ngayon hindi pa rin tumitigil si Zea hanggat hindi nya nalalaman kung sino ang babaeng nag pa ibig sa kuya nya.


"Hindi ako pwedeng mag kamali, gantong oras ko sila mag kikita nung babae. Narinig ko syang nakikipag usap kahapon. Naman kasi asan na yung magaling kong kuya" sya din ay na iinis na dahil kanina pa kami dito kinakagat ng mga antik pero wala pa ring Zue na nag papakita.

Pak! "Ano kakagat ka pa!" Galit na untag ni Louise nang patayin nya ang antik na kakagat sa hita nya. "Zee, pwedeng sa iba na lang tayo mag tago. Lagot ako kay mommy" mangiyak na sabi ni Louise.

"Aysus, may outment ako sa bag" busy pa din sya sa pag hahanap sa kuya nya.

"Zea baka naman may klase yon ngayon, kanina pa tayo oh" sabi ko at hindi na din mapakali dahil sa kati ng kagat ng mga antik na ito.

"Imposible, hindi nga ako pwedeng magkamal. Nandito lang sya" at nilibot na naman nya ang paningin. Naman kasi Zue mag pakita ka na.


Tinignan ko ang relo at meron na lang akong fifteen minutes bago ang next class ko at doon pa ako mag rereport.


"Zee, kelangan ko ng umalis, malapit na yung next class ko" kalabit ko sakanya dahil busy sya sa kakahanap sa kuya nya.


Tinignan naman nya ako ng masama. Omo! Ayaw nya ba akong paalisin? Tapos bigla naman syang ngumiti.


"Sorry Lorry huh! Naiistorbo pa kita. Sige na pumunta ka na sa class mo, kami ng bahala dito" sabi nya at hinawakan pa ang braso ko. Hayys, akala ko naman magagalit sya.

"Pwede bang ako din? Ang kati na kasi sobra" sabi ni Louise.

"No, stay there mamaya pa naman klase natin" wika ni Zea at pinag tulakan na ako.


Good luck Louise sa mga kagat ng walang awang mga antik na 'yan. Nag madali akong bumalik ng engineering building, nasa likod na naman kasi kami ng business building. Tumakbo na ako para makaabot sa oras dahil mag pe-prepaire kami para sa reporting. Pag dating ko nito sa room malamang haggard na ako ng sobra, bago ako makarating sa building namin eh nakita ko naman si Zue na galing sa engineering building.


"Sa likod ba ng business building ang bago nyong tambayan" ngising sabi nya nang nasa harap ko na sya.

"Paano mo nalaman?" Taas kilay kong tanong.

"Yan lang naman ang daan papunta sa likod ng building namin. Wag mong sabihin na hindi pa rin tumitigil ang kapatid ko sa pag sunod saakin" panunuyang sabi nya. Wait amoy alak ba sya? Pumasok sya sa school na amoy alak.

I Love You The Most (Book 1: Completed)Where stories live. Discover now