Kabanata 34

919 24 0
                                    

Kabanata 34

Where have you been

Nakatitig lamang ako sa kanyang mga mata at hindi namamalayan na umiiyak na naman pala ako. Bakit kasi ganito kasakit? Ang akala ko kasi ay hindi niya na ulit ako sasaktan.. hindi nga niya ako iniwan ulit pero sinaktan naman niya ako sa ibang paraan. Iniisip ko kung ano pa ang kulang sa akin at kailangan pa niyang mag hanap ng iba.

Bakit si Nicole pa? si Nicole na marami ng relasyong sinira.. Hindi ko siya masasaktan kasi siya iyong babaeng gustong-gusto ni Zue. Bakit siya pa? bakit si Zack pa? I hate them! Sana'y hindi na lang ulit kami pinag lapit ng tadhana kung ganito lang din naman.

"Hindi ka pa ba napapagod umiyak?" tanong ni Ice habang hinihimas ang aking likod.

Tinignan ko siya ng masama. "Gustuhin ko man na hindi na umiyak pero hindi ko mapigilan.. masakit makita na naki-" hindi ko na natapos ang sasabihin dahil humagulgol na ako ng iyak.

"Lorraine!" malambing na sabi niya.

Hindi ko alam kung ilang oras akong umiyak sa balikat ni Ice.. hindi ko alam kung tumigil ba ako sa pag-iyak.. ang naalala ko lang ay nilabas ko lahat ng galit kay Ice, lahat ng sama ng loob ko, lahat ng gusto kong sabihin kay Zack ng gabing iyon.

Nasapo ko ang aking noo nang bumangon sa malambot na kama. Harahan akong pumikit nang madama ang sakit mula rito, the vodka really hit me. Unti-unti akong dumilat at napagtantong hindi pamilyar ang silid na ito. Ano ang nangyari sa akin kagabi pagkatapos umiyak.

"Happy birthday, Lorraine. Breakfast in bed" ngiting sabi ni Ice nang makapasok sa kwarto at may dalang isang tray na may pagkain.

Kumunot ang noo ko. "Nasaan ako?" agad kong tinignan ang aking katawan para makita ang suot ko, last night I only wearing my black bikini.

"Anong ginawa mo sa akin!?" galit na tanong ko.

Isang malaking puting damit na ang suot ko ngayon, ang kalahati naman ng aking katawan ay natatakpan ng makapal na comforter. Ano ang nangyari kagabi? at nasaan ako ngayon?

"You seduced me, last night!" sinamaan ko naman siya ng tingin. "Biro lang.. nakatulog ka sa balikat ko habang umiiyak kagabi kaya dinala na muna kita rito sa suite ko" paliwanag niya bago pa ako makapag salita. "Your still wearing your black bikini, don't worry!" aniya pa at nilapag ang tray sa kama.

"Si Nicole? mag kasama kayong pumunta rito?" tanong ko habang nakatingin sa pagkain.

"Yeah" walang ganang sagot niya. "Eat your breakfast.. oo nga pala binilin ka sa akin ng ka date mo kagabi.. If you want to change your clothes, there your things" aniya at may tinuro sa gilid.

Sinundan ko ito ng tingin then I saw my gym bag.. sigurado akong si Zack ang nag bigay nito sa kanya. Naiiyak na naman ako kapag naaalalang tinapos ko na ang relasyon namin kagabi.. laging bumabalik sa isipan ko ang mainit nilang halikan ni Nicole.

Noon siya itong nag makaawa sa akin na hiwalayan siya tapos ngayon ako itong tumapos ng relasyon namin. Magiging masaya kaya ako? hindi ko magawang maging masaya lalo na't alam kong niloko niya ako.

"You can change your clothes after eating your breakfast.. nasa labas lang ako kapag kailangan mo" aniya at agad ng tinungo ang pinto.

"Ice!" tawag ko bago pa siya tuluyang makalabas. "T-Thank you" sambit ko.

Nginitian niya lamang ako at tumango. Inayos ko ang magulo kong buhok pati na rin ang malaking t-shirt na suot ko. Amoy na amoy ko ang nanunuot na pabango ni Ice sa damit, kanina ay wala akong pakialam kung ano ang itsura ko sa harap niya, ngayon na lang ako ginapangan ng hiya nang mawala siya sa kwarto.

I Love You The Most (Book 1: Completed)Where stories live. Discover now