CHAPTER 1
First night, with an HRM Student...
"Sorry! Di kita type eh.", pagtanggi no. 1 ni Dani.
"Bakit? Anong ayaw mo sakin?", si HRM Student.
"Eh kasi ayoko lang sa HRM students."
"Eh anong course ba gusto mo? Magshi-shift ako. Sagutin mo lang ako."
"Eeeeh basta! Ayoko lang!", sabay walk out sa table kung nasaan sila at labas sa restaurant.
Second night, with a Gym Owner...
"Uhm... Malaki nga katawan mo pero sorry, ayoko sa mas maliit sakin!", pagtanggi no. 2 ni Dani.
"Mayaman naman ako eh. Kaya ko ibigay sayo lahat ng gusto mo. Sagutin mo lang ako.", si Hunk Manager.
"Uhm. Sige!"
Naging sila nga ng hunk manager pero after 11 days, nalaman ni Dani na may long time girlfriend pala 'to habang nanligaw sa kanya. Kaya nag-break din sila.
Third night, with a Varsity Player...
"Sorry to say pero ayoko sayo eh!", pagtanggi no. 3 ni Dani.
"Bakit? Gwapo naman ako ah. Maganda katawan ko. Kaya naman kita panindigan. Sagutin mo lang ako, Dani.", si Varsity Player.
"Huh, uhm, to tell you honestly, ayoko sa childish eh." sabay alis sa restaurant kung nasan sila.
Si Danielle Xyra Gomez. 22 years old at nag-aaral sa isang sikat na paaralan sa Cavite. Independent sya at kinukuha ang kursong Bachelor of Arts in Communication. Maganda, sexy, matalino, sophisticated or in short, girlfriend material. Hindi sya nagpapaliguy-ligoy. Kung ayaw niya sa isang bagay o tao, sasabihin niya agad. Pero kahit ganto siya, hindi naman siya suplada at madali syang mapakisamahan.
Si Ivan Reyes. 20 taong gulang. Kaschoolmate niya si Dani at kagaya nga ng ibang mga lalaki, may paghanga din siya sa dalaga. Simple lang si Ivan. As in simple lahat. Mula pananamit, paglakad, pagsasalita, etc. Siya yung natural type na estudyante na kapag nakasalubong mo sa hallway, hindi mo mapapansin.
Hindi kagaya ng ibang lalaki, medyo may pagkatorpe si Ivan. Oo, may paghanga din siya kay Dani pero hindi sya nagkakaroon ng lakas ng loob para gumawa ng paraan upang mapansin siya nito.
IVAN'S POV
Hayyy. Sabado na naman. Another boring day. Matext nga ang tropa para makalaya sa hawla ko.
"Mga Pare, wala ba kayong lakad? Pasabit naman. Nakakaboring sa bahay eh. Imba." - GM
Nagreply si Bodji.
"Tara tol. Birthday ni Macmac. Punta tayo sa kanila. Nabuburyo din ako dito eh."
"Ahh. Sige pre. Bihis lang ako. Kita tayo sa kanto.", reply ko.
After almost 45 minutes...
"Pre, nasan ka na? Nandito na ko sa kanto!", text ko kay Bodji.
"Eto na. Nasan ka ba?", reply niya.
"Nasa may waiting shed."
Maya-maya pa'y...
"WAHHH!!!!!!"
"AYYY, P*TA!"
"Haha. Para kang tanga! Hahaha. Kung nakita mo lang itsura mo! Haha.", natatawang sabi Bodji matapos niya kong gulatin.
"G*go! Diba sabi ko wag mo kong ginugulat?!", pagalit kong sagot sa kanya.
"Haha. Yan na naman yang init ng ulo mo! Gutom ka lang siguro. Tara na. Punta na tayo kina Macmac nang makakain."
Umalis na kami para pumunta kina Macmac at along the way, hindi ko pinapansin itong si Bodji. Nakakapikon kasi tsaka nagpo-Pokemon Go ako. Haha. Alam niya naman na magugulatin ako tapos... Hayyy!
Nandito na kami kina Macmac at pagkatapak na pagkatapak ko sa bahay nila, syang takbo naman nitong si Bodji kay Macmac.
"Mac, si Ivan, may topak. Parang bata, ayaw mamansin!", si Bodji.
"Adik! NagpoPokemon ako. Mas mukha ka ngang bata eh. Sumbungero ka tol! Haha.", depensa ko.
"Magsitigil nga kayo mga pre! Gutom lang yan. Tara kain na tayo!", singit ni Macmac.
Tutal gutom na rin ako at yung mga dragon ko sa tiyan, kumain na kami. Pero habang kumakain ako, may sinabi si Macmac na talagang nakakuha ng atensyon ko.
"Tol! Alam ko na pangalan nung crush mo, yung AB Comm. Pinsan pala siya nung kaklase ko.", bungad ni Macmac.
Aaminin ko, nabuhayan ako ulit ng dugo kahit di naman siya patay. Basta, pag siya na kasi ang usapan, tumitigil ang mundo ko!
"Talaga pre??? Ano yung pangalan niya??? ANO???!!!"
"Grabe ka naman kapatay na patay sa kanya tol. Chill lang. Danielle Xyra Gomez pangalan niya."
Nang marinig ko yung pangalan niya, dali-dali akong tumakbo sa may sala nila. Umupo ako sa tapat ng computer nila at nag-online sa Facebook.
"Tol, painternet ako huh!" , pagpapaalam ko.
"Ano pa bang magagawa ko? Nandyan ka na eh! Haha", asar ni Macmac.
"Haha. Eto naman! Ano nga ulit pangalan?", muling kong tanong kasi hahanapin ko sya at tatry kong i-add.
"Tatak mo sa kokote mo 'to. Danielle Xyra Gomez!"
At eto na.
Searching.
Andaming lumabas pero syempre, mas napukaw ng atensyon ko yung nakapink sa display picture. Danielle Xyra Gomez (Dani), grabe! Napakaganda niya talaga. Ewan ko ba pero parang kahit di ko pa sya nakikilala ng personal, gusto ko nang gawin lahat para sa kanya. At bago ko nga halughugin yung wall niya, inadd ko muna sya pero, tsk tsk, nakaprivate pala yung wall niya. Parang mas hihirap yata sakin magfirst move nito kung wala akong malalaman tungkol sa kanya. Kailangan i-accept niya ko para makita ko yung wall niya pero paano pag hindi niya ko iaccept? Hayyy. Di pa naman nya ko kilala. Hmmm...
YOU ARE READING
My Gay Guy
Teen FictionIsang istoryang makikilala ni GIRL si GAY na GUY bilang GAY na isang GUY na hindi talaga GAY na akala ni GIRL. Naguguluhan ka ba? Basa na!