Chapter 8

202 10 0
                                    

CHAPTER 8


Sabado. Walang pasok.

Lumipas ang apat na buwan, naging ganun na nga si Ivan. Napakadaming nangyari. Mas naging close pa nga sila ni Dani dahil doon. Sabay na sila pumapasok. Pag may time, nagma-malling sila together. Namamasyal kung saan-saan at mas nagiging close habang lumilipas ang araw. Hindi lang yon, lalong mas napapamahal na si Ivan kay Dani pero kailangan padin niyang itago ang totoo at kahit matagal na niyang ginagawa ito, hindi siya nako-convert sa ikatlong lahi ah. Remember, ginagawa niya 'to because of love at ginagawa niya 'to for love and in the name of love. Para sa kanya, totoo ngang you can do everything for love. And in his case, EVERYTHING...


DANI'S POV


Grabe! History na naman! I really really hate this subject! Ano ba naman kasing pakielam ko sa mga date, pangalan at lugar na significant sa hindi ko naman kilalang tao! Hindi naman ako mabibigyan ng successful life jan sa mga yan. I'd rather text one of my boring suitors than listen to this subject at nandito nga ko sa posisyon ko ng pagtunganga when my phone vibrates. Kinapa ko ang bulsa ko to check kung sino ba sya. Number lang, walang pangalan. Ang masaklap pa, wala ding laman yung message. Well, hindi na bago to sakin. Kaya instead na problemahin ko 'to, tumunganga ulit ako. At this point of time, biglang nagvibrate ulit yung phone ko! Chineck ko kung sino and I found out na si Ivan pala...

"Girl. Gora tayis ng mall later! Baylakum akis ng Book! :)" - Ivan

"Ok sige. Kita tayo sa canteen after ng class ko.", reply ko.

"Push! Wait, di ba nasayo yung binder ko? Padala nalang din later pag nagkita tayo.". Oo nga pala, hiniram ko yun.

"Yeah! Oo nga pala. Nasa locker ko yun. Daanan ko nalang mamaya.", reply ko.

After 40 minutes of daydreaming sa class ng History, finally, dismissal na! The moment I left the classroom, dumiretso na ko agad sa locker ko. I need to hurry kasi baka magalit na naman si Ivan sakin. Parang araw-araw pa naman meron yun lalo na pag late ako.

Nasa tapat na ko ng locker ko at bago ko pa mabuksan, nagvibrate ulit yung phone ko. Nagtext na naman 'tong unknown person for the second time. This time, medyo may laman na...

"Hi" - +63997*******8

Inignore ko na lang. Sayang sa oras. I opened my locker na and nagulat ako kasi may biglang bumagsak na post it na hugis heart. Dinampot ko and may nakasulat na...

"Hello beautiful... :) <3"

Nashock ako! Sino naglagay nito dito? Pero wala ako sa time isipin yun. Nagmamadali ako kaya the moment I got Ivan's binder, umalis na ko.

Malayo palang, nakita ko na si Ivan sa tapat ng canteen. Medyo kunot ang noo. Paglapit ko...

"Bakit ka nakasimangot girl?", ako, habang nagpapacute.

"Late ka ng 16 minutes and... 37 seconds to be exact!", tinarayan ako ni Ivan in a nice and funny way.

"Ang OA mo naman. Parang 13 minutes lang. Tsaka wag ka na magtampo. Ililibre nalang kita ng Coffee Float!", ako, habang nagpapacute pa din.

"Hmmm... Let me think..."

"Dali na! Samahan ko ng Fries!", dagdag ko.

"Ok ok sige na. Basta libre mo din yung pamasahe ko pauwi!" , mautak talaga tong baklang 'to.

"Ok fine. Sige. Tara na!", napilitan na naman ako!


IVAN'S POV


Grabe! Nagpacute si Dani kanina habang nagtatampu-tampuhan ako! Haha. Sarap talaga niyang titigan pag ganon yung emosyon niya. Napakaganda! Lalo akong naiinlove! Pero syempre, I'm Devonne. Kailangang magtago kasi eto ang nakilala at nakikilala niya sakin.

Nandito na nga kami sa mall. Nabili ko na din yung book na sinasabi ko. Since, wala naman kaming gagawin after, namasyal muna kami. Niyaya niya ko sa Blue Magic...

"Ang cu-cute ng teddies! Tingnan mo yung isang yun oh. Magkayakap sila. I think bestfriends sila, parang tayo!", Dani said habang tinuturo ung bears.

"Oo nga eh! Bestfriends lang sila...", nalungkot ako.

"Oh! Anong dinadrama mo jan?", napansin ata ako ni Dani.

"Huh? Ah... Eh... Wala! I mean, they are lucky na nanjan yung isa't-isa para sa kanila! Di sila nag-iiwanan. Kaya lang malay mo, nafriendzone na pala ung isang bear kaya bestfriends lang sila.", drama ko. Haha.

"Hoy! Ivan-slash-Devonne! Wag ka ngang ganyan. Hindi bagay sayo. Tsaka bestfriend mo ko. Di kita iiwan 'no. At di kita mafrie-friendszone kasi alam ko type mo. Haha. I'm here parati. Unless na lang, sirain mo tiwala ko!", nagulat ako sa sinabi niya.

"Huh? Panong sirain?", tanong ko.

"Sirain mo! yung gagawa ka ng bagay na mawawalan ako ng tiwala sayo. yung parang magsisinungaling ka or something. Ayoko kasi sa lahat eh yung taong sinungaling! Pero I know naman na you are not like that. I trust you!", si Dani sabay ngiti sakin.

"Huh! Ah... O-Oo naman! Bestfriends nga tayo eh. What are friends are two!", sagot ko.

"Huh? Baka what are friends are for?"

"Bakit? Ilan ba tayo? One, Two! Kaya what are friends are two! Isip-isip din girl huh!". Dinaan ko nalang sa punchline ang pag-uusap namin ngayon at tumawa lang siya.

It has been a long day at ngayon pauwi na ko. Gusto ko pa sana makasama si Dani ng mas matagal pa kaya lang kailangan nya na umuwi. May tatapusin pa daw siyang homework. Nagtext nalang ako kina Macmac at Bodji...

"Pre, patambay muna ko jan sa inyo. Ayoko pa kasi umuwi. Pwede ba?" - SENT!

Nagreply naman kaagad si Bodji...

"Sige pre. Tamang-tama. May bisita tayo ngayon! Papainom daw siya!". At nagpunta na nga ako kina Bodji.

Nasa harap na ko ng gate nila Bodji. Tinext ko nalang siya na pagbuksan ako. Di kasi ako sanay magkakakatok at magsisisigaw ng pangalan lalo't gabi na. Pagkasend ko ay wala pang isang minuto, lumabas na si Bodji.

"Uy tol, buti dumating ka! Nandito yung kababata natin dati. yung lumipat sa Singapore para doon na magcollege. Noong isang linggo pa pala siya nandito. May tinapos lang daw siya na pinapagawa ng Mama niya kaya ngayon lang siya ulit nakadalaw satin. Hindi ko nga alam kung natatandaan mo pa siya eh.", paliwanag ni Bodji habang pinapapasok ako. Habang iniisip ko kung sino yung taong un, may mga nagsisisink-in saking mukha. Siya lang naman kasi ang kilala kong nangibang bansa. Si Bea, ex ko!

4th Year High School kami nun nung natipuhan ko si Bea. Ang ganda niya, sobrang ganda. Nagsimula ang Love Story namin noon nang magkaroon kami ng Art sa MAPEH namin. Gumawa daw kami ng Valentines Card. Apat ang pinapagawa. yung isa, binigay ko sa teacher ko. yung isa, kay Mama. yung isa sa classmate kong nakipagtrade sakin. Bigyan ko daw siya ng Valentines Card, bibigyan niya ko. At yung pinakahuli, kay Bea. Syempre, hindi lang card binigay ko sa kanya, may kasama yong chocolate at sinama ko din number ko para if ever man na magustuhan niya kong itext at di nga ko nagkamali...

My Gay GuyWhere stories live. Discover now