CHAPTER 12
DANI'S POV
I'm enjoying my new sim card! Walang sagabal. Haha. Tsaka parang namimiss ko si Ivan. Mabisita nga siya. Dadalhan ko na din sya ng Leche Flan.
Pagdating ko sa kanila, nagulat ako. Wala sya. Ang nakita ko lang ay si Lola.
"Oh, iha, napadalaw ka."
"Ayy. Magandang hapon po Lola. Nandiyan po si Dev... este si Ivan po?"
"Ayy. Wala si Ivan dito ngayon. Ewan ko ba kung saan nagpunta kagabi. Hindi pa din umuuwi. Yari sakin yun!"
Teka. Bakit parang bigla akong kinabahan para kay Ivan? Saan kaya siya pumunta? Matawagan nga...
Dialling Ivan...
"The no. you have dialed is either unattended or out of coverage area. Please try your call later..."
Nako. Nakapatay yata ang phone. Saan kaya 'to nagpunta?
Maya-maya pa'y may biglang nagbukas ng gate. Nagkatinginan kami ni Lola. Baka si Ivan nga. Pumunta ako sa pinto upang tingnan kung sino yung pumasok. Tama ako, si Ivan nga. Pero bakit ganon? Parang nahila yung polo niyang suot? Lukot at magulo. Tsaka nakahawak siya sa ulo niya? Tsk tsk.
"Uy girl, saan ka galing? Bakit parang nahihilo ka?", pagtatanong ko.
Tiningnan ako ni Ivan. Tila kinikilala pa din ako. Maya-maya pa'y biglang siyang pumaroon kung nasan ako. Niyakap niya ko ng mahigpit. Niyakap ko din sya. Habang, yakap-yakap namin ang isa't-isa, parang nararamdaman kong may luhang pumapatak sa likod ko. Pero bakit? Anong meron?
"Ivan. Bakit? Anong problema?", I said while calming him down.
He stared at me and I saw some sorrows mixed with pain. Anong meron?
IVAN'S POV
Here I am. Nasa harapan ko si Dani. She can now see the pain I'm in right now. Sasabihin ko ba na may nangyari samin ng Ex ko? Sasabihin ko ba na hindi talaga ako bakla? Hayyy. I think eto na rin yung time para malaman niya yung totoo.
"Dani...", I said with my natural voice. Walang halong kabadingan.
"Yes? Ano ba yun?", tanong ni Dani.
"Gusto kong malaman mo na yung totoo. Ayoko na magsinungaling sayo..."
"Teka, ano ba yun? Di na kita maintindihan. Ano ba yung gusto mong sabihin?"
"Dani. Lahat ng ito ginawa ko para mapalapit sayo. Ginawa ko 'to para mapagtakpan ang sakit na nadulot ng pagmamahal ko sayo. Ewan ko kung tama ba 'tong ginawa ko pero alam kong mali. Nagpanggap ako kasi ayokong mawala ka sakin. Dani, wag mo sanang isiping sinamantala ko ang oras na naging malapit tayo sa isa't-isa pero, si Devonne, hindi talaga siya si Devonne. Yung nakilala mong Ivan, hanggang ngayon, si Ivan parin siya. Nagpanggap ako. Patawad pero gusto kong sabihin sayo na Dani, hindi talaga ako bading at mahal na mahal kita Dani! And kaya kong tanggapin and consequence ng ginawa ko. I deserve to be punished in some way because of the lie I commit but that punishment can't make me forget the feelings I have for you. Totoo nga, gagawin mo lahat para sa taong mahal mo kahit ang kasalanan."
Dahil sa sinabi ko, natulala si Dani. Kitang-kita ko ang gulat sa mga mata niya. Hindi ko alam ang magiging reaksyon niya.
Maya-maya pa'y bigla akong nakatikim ng isang sampal galing sa kanya. Isang malakas at malutong na sampal na puno ng galit...
"Ivan, Devonne o kung sino ka pa man. Para yun sa panlolokong ginawa mo sakin! Ang tagal kong nagmukhang tanga!", umiiyak niyang sinabi ito na puno ng galit. Nakita ko sa mata niya.
Halata kong nasaktan siya dahil sa sinabi ko. Nakita ko yun at nakikita ko yun! Sobrang lalim na sakit at sugat! Sobrang durog na Dani.
Pero maya-maya pa'y bigla siyang ngumiti. Isang masayang ngiti habang umiiyak...
"Pero kahit ganun yung nangyari, napalapit ka na sakin Ivan! Nahanap ko ang isang bestfriend sa katauhan mo. Laking pasasalamat ko kay Lord dahil natagpuan kita."
Ako ang nagulat dahil sa reaksyon niya. Sobrang gulat! Yung inaakala kong galit na nararamdaman niya sakin eh kabaligtaran pala. Napangiti ako dahil sa narinig ko. Niyakap ko siya at niyakap niya din ako pabalik. Mahigpit na mahigpit!
"May isa pa kong sasabihin sayo...", Nasabi ko habang magkayakap pa kami.
"Huh? Ano un?", tanong ni Dani pagkahiwalay niya sa yakap namin.
"Naalala mo ba yung no. lang na nagtetext sayo? Ako yun. Habang nagpapanggap pa ko, yung mga hindi ko masabi sayo ng personal, dinadaan ko nala...", hindi ko na ulit natuloy ang sinabi ko ng makatikim ako ng isang malakas na sampal ulit pero this time, sa kabilang pisngi.
Nagulat ulit si Dani sa narinig niya
"NAKAKA-IMBYERNA KA!", pasigaw na sabi ni Dani sakin at bigla akong pinaghahampas.
"Oh, bakit?", tanong ko.
"Bwisit ka! Akala ko kung sinong holdaper, manyakis o killer yong nagtetext sakin, ikaw lang pala!"
Napangiti ako sa sinabi niya. Ang cute talaga niya pag naaasar siya.
"Ang cute mo talaga pag naaasar ka.", puri ko.
Nakita kong medyo nagblush siya sa sinabi ko.
"Nakakainis 'to!", halatang pinipigilan niya ang pagngiti.
"Sus. Haha. Oo nga. Pero mas cute ka pag pumasok na tayo sa loob. Tagal na nating nakatayo dito. Nakakangalay na. Hehe."
"Bolero! Pero seriously, ang sweet mo, Ivan.", sabay kindat at lumakad na sya papasok sa loob ng bahay. Naiwan ako. Literal. Kasi napatulala din ako sa nasabi niya sakin at sa cute na kindat niya.
DANI'S POV
Napakalaking revelation sakin yung nalaman kong katotohanan tungkol kay Ivan! Grabe! Naloko niya ko ng matagal na panahon. At nagpaloko naman ako! Ewan ko! May kakaiba talaga kay Ivan kaya hindi ako nagalit sa kanya. Siguro, napalapit na talaga ko sa kanya kaya ganun at parang may isang malaking tinik na nahugot sa dibdib ko nung umamin siyang hindi siya bading! Ewan ko ba. Parang nakampante ako na ewan. Ewan ko talaga. Ano ba 'to?!1 Hayyy.
I am on this kalagayan nang biglang magvivibrate yung phone ko! Sagabal! At nang icheck ko, si Ivan pala! Nakakakili... teka... I mean nakakasira ng moment!
"Dani! :)", ang laman ng message ni Devon... este ni Ivan.
Ewan! Biglang nagtransform yung mga daliri ko ng daliri ni Flash nung marecieve ko 'tong text! Gusto ko agad siyang replyan...
"Yes Ivan?"
"Wala lang! I just missed you! ;)" - reply niya nang wala pang 2 minutes! Ang bilis ahh!
"Hehe! Miss you din girl!", reply ko.
"Girl?! :(" - Ivan
Nagulat ako sa sinabi niya at nagulat din ako nung napagtanto kong "Girl" yung nasabi ko. Haha.
"Ayyy sorry! Hehe. Pinatay mo na nga pala si Devonne! Hehe."
"Yeah! Haha. Wala na siya. She'll never come back. Hehe. By the way, may gagawin ka ba bukas? Pwede ba kita ayain magdate?"
Wow! Nag-aaya magdate si Ivan...
"Hmmm. Let me think...OK! Date tayo!", magpapakipot pa ba ko? Hehe. I mean, hindi na ko tatanggi. SiIvan naman nag-aya and I'm sure, libre nya. So go na rin ako.
YOU ARE READING
My Gay Guy
Ficção AdolescenteIsang istoryang makikilala ni GIRL si GAY na GUY bilang GAY na isang GUY na hindi talaga GAY na akala ni GIRL. Naguguluhan ka ba? Basa na!