Chapter 15

380 11 1
                                    

CHAPTER 15


IVAN'S POV


Hinawakan ni Bea ang kamay ko, both hands at huminga ng malalim.

"Ivan..."

"Yes?", ako.

"BUNTIS AKO!"

Nagulat ako. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko ngayon! Tama ba yung narinig ko?! Paano? Bakit? Hindi pwede 'to! Nakaramdam din ako ng kaba.

"Babe!". Nilingon ko kung sino yung tumawag. Si Dani. Papunta siya sa lugar kung nasan kami nakatayo ni Bea at nang tingnan ko si Bea, yung reaksyon niya, hindi ko maipaliwanag. Para siyang nagulat sa narinig at nakita.

Lumapit na samin si Dani. Niyakap ko siya from her side.

"Uhmmm, Ivan, hindi mo ba ko ipapakilala sa bago mong GIRLFRIEND?", pagsingit ni Bea at in-emphasize niya pa ung girlfriend.

SH*T! Nakakainis naman!

"Uhm Bea, si Dani nga pala. Girlfriend ko. Babe, si Bea. Classmate ko nung highschool."

Nakipagbeso-beso si Bea sa kanya. Yung mukha niya, ewan ko, parang nang-aasar. Bakit ba kasi pinagtagpo ulit yung landas namin ni Bea and with the bad-slash-good news na sinabi niya.

Sumingit na ko sa usapan nila. Hindi ko natatagalan pa ito.

"Uhm, Bea, may pupuntahan pa kasi kami eh. Pasensya na ahh!", sabay yaya na kay Dani at umalis na nga kami.

Naglakad-lakad na kami ni Dani. Habang naglalakad, nasulyap ako kay Dani. Wakang expression ang mukha niya pero halatang masaya naman siya. Naisip ko ulit ung sinabi ni Bea. Nagulumihanan na naman ako. Sobrang nakakabagabag. Naisipan ko din siyang tanungin nun para maconfirm na din ung magiging reaksyon niya if ever na malaman niya.

"Babe, paano kung nalaman mong yung boyfriend mo... uhm... may ano na... uhm... may anak na?", tanong ko ng halata ung kaba ko. Sh*t.

Natigilan si Dani dito sa natanong ko. Tumingin siya sakin. Nagsalita siya.

"Ewan ko. Baka mapatay ko yung babaeng naanakan niya...", namutla ako sa sinabi niya hanggang sa nagsalita siya ulit.

"Silang dalawa, actually!", eto ang nasabi ni Dani. Isang nakakatakot na banta.

Para akong naparalisa. Hindi ko alam gagawin ko. Lord, please help me! Ayaw ni Dani ng nagsisinungaling sa kanya, pero pag inamin ko naman, natatakot ako sa mga posibleng mangyari.

Maya-maya pa'y, biglang natawa si Dani.

"Hahahaha! Bat parang natakot ka Babe? Ang ganda nung line na yun no? Sa 'No Other Woman'. Ang ganda nung movie na yun. Kagabi ko lang napanuod!", si Dani.

Ako ang natulala sa sinabi niya, mga 4 seconds siguro tas napatawa din ako ng sadya.

"Hahahaha! Akala ko naman tototohanin mo yung sinabi mo. Muntik na ko pagpawisan ng malagkit! Haha."

This time, sya naman ang natigilan.

"Huh? Bakit ka naman pagpapawisan? May anak ka ba Babe?", si Dani.

Nako! Bakit ko ba kasi nasabing pagpapawisan ako ng malagkit? Tsk Tsk! Patay!

"Ahhh... Ehhh... Wala ahh! Haha! Ang bata-bata ko pa para sa ganyang bagay! Haha. Tara na nga't umuwi na tayo, Babe.", at nagpatuloy na nga kami ng paglalakad.

My Gay GuyWhere stories live. Discover now